Back to Clarence and I. Even though hindi na kami ganun kadalas nagkakasama, okay na okay parin kami. Actually kakagaling lang namin sa Singapore for Christmas Vacation. He's still protective. Almost lahat ng ginagawa ko, reported pa rin sakanya. One thing I really appreciate sakanya, is yung, even with his busy schedule, nabibigyan pa din niya ko ng time niya. And for me, time is a really precious gift.
After magbihis, tumakbo na ko pababa ng hagdan. Halos mapatid pa nga ako kakamadali.
"Woah! Easy there!"
Nahinto ako sa kintatayuan ko. Daming tao sa mundo, ito pa sasalubong saken?! Bat ba andito tong bonsai na to??
Di ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa kusina. Binkusan ang ref at kumuha ng gatas.
"Sungit. Ang aga-aga. Somebody woke up on the wrong side of the bed?" Bonsai na to. Di na nga pinapansin, nangaasar pa. =___=
"More like under the bed.." I glared at Clarence na ngayon ko lang napansin na nakaupo pala sa isa sa mga stool sa counter. Kumakain ng bread toast.
"I'm warning you." I whispered.
Clarence raised his hands. "Sorry na! Joke lang po!" He smiled.
"Parang ramdam ko na ah?" Sisingit pa tong isang to.
"Hoy! Ranz Kyle, pag di ka kinakausap wag kang sumasabat!" I turned my glare to him at natawa lang siya.
"Maka 'Ranz Kyle' lang oh. Mahal na mahal mo talaga pangalan ko nuh?" Ngumiti si Bonsai ng nakakaloko. Palibhasa, alam na wala akong choice kundi mahalin ang lintik niyang pangalan.
Kyle is six months older than me, and I was named after him. Sakanya nakuha ng Mommy ang pangalan ko. Best friend kasi niya si Tita Elcid, Mommy ni Bonsai. And nag kataon pa na halos sabay silang nag buntis, so they decided to name their children in the same fashion. Because, of course, they thought magiging mag best friends din kami. Though the exact opposite happened. Kyle and I are not even close at being acquaintances. We're actually worst enemies.
"Wag mo ipanapaalala saken ang kamalasan ko sa pangalan ko! Bat ba andito ka nanaman sa pamamahay namin?!" Pagsusungit ko na lang sakanya habang tinatabihan si Clarence sa counter.
"Sabay daw kami papasok ng Pinsan mo eh.." he answered whle casually leaning against the counter.
Ako naman ay nilalagok lang yung gatas. The answer was obvious, lagi naman sila sabay pumasok kahit di sila magka-year level. Sila ang mag best friends e. Gusto ko lang ilayo ang usapan sa walang kamatayang topic tungkol sa mga pangalan namin.
"Ay, nako! Baby Khay, wag kang maniwala diyan.. gusto ka lang kasabay pumasok!" Muntik ko na maibuga ang iniinom ko ng bigla akong hampasin ni Clarence sa likod. Isa pa, nakakagulat din yung biro niya. Muntik ko na ngang di mapansin na tinawag nanaman niya akong 'Baby'. =___=
"Lul! Pinagsasabi mo?!" Asar na tanong ni Kyle sa Best Friend niya. Pero may napansin ako, parang nag blush siya? Halata kasi maputi siya. Napahiya siguro.
"Eh sa totoo naman. Kunwari ka pa na ako yung gusto mo kasabay pumasok, umiiskor ka lang sa pinsan ko! You're hurting my feelings, you know?!" Inilagay pa ni Clarence yung kamay niya sa dibdib niya at kunwari pang masakit talaga. May papikit-pikit pa.
-____________________-
"Hoy! Clarence, Tigilan mo ko sa kadramahan mo diyan ah? Sasapakin kita!" kunwari pang umamba ng suntok si Kyle sa pinsan ko. Ayan nanaman sila. Nakakaselos.
Oi! di ako nag seselos kay Clarence ah?! Di ko gusto si bonsai! Nag seselos ako kasi lagi silang nag kukulitan ng Pinsan ko. Mas madalas pa silang magkasama ngayon. Kawawa naman ako, naiiwan sa bahay. =___=
YOU ARE READING
Simply Unheard (Chicser - Ranz Kyle) (IN THE PROCESS OF REVISION)
FanfictionChicser-Ranz FanFic: Pretending not to care for someone, when in reality, you care for them much more than you even want to... They HATE each other -or as they say- Ranz and Raine had always been this way. It has always been HATE and ANGUISH. Fighti...
Chapter One:
Start from the beginning
