Chapter 3 - The Welcome Party

68.5K 1.6K 276
                                    

Madison P.O.V.


Isang malaking OMG!

Si Reese!

Sa sobrang gulat ko ay mabilis akong tumayo palayo sa kanya.

"I-I'm sorry.." hingi ko ng paumanhin, sobrang tension ang naramdaman ko kaya hindi ako makatingin sa kanya.

Of all people naman kasi talagang si Reese pa ang kailangang makikita ko dito sa CR? Umalis nga ako doon sa loob ng office para iwasan siya pero akalain mo yun na dito pa pala kami magtatagpo?

'Umayos ka nga Maddy!' Sigaw ng utak ko. Naman kasi! Bakit hindi ko magawang kumalma??

"Be careful next time!" narinig ko na lang na singhal nya bago sya nagmamadaling naglakad palayo.....naiwan ako doon na nakatulala.

Totoo bang si Reese yun? Parang hindi pa din ako makapaniwala na nandito na sya ulit.

After 4 long years....

Pareho pa din pakikitungo nya sa akin kagaya noong huling nagkita kami sa farewell party nila ni Reema..

Bigla ako nakaramdam ng lungkot kasi and reality hit me – obvious na hindi pa din bumabalik ang memorya nya na nawala dahil sa aksidente.

Pumasok ako sa loob ng CR at mabuti na lang at walang tao dito. Lumapit ako sa salamin at tinignan ang repleksyon ko mula dito.

'Ano ba Madison? Umaasa ka pa din ba? Akala ko ba nag move on ka sa kanya kagaya ng sinasabi mo kay Aly?' i told myself.

Liar...you're such a big liar.

Saglit pa akong nanatili sa loob at pilit na kinakalma ang sarili ko. After 5 minutes ay pinakiramdaman ko ang sarili ko, nang medyo ok na ako kaya napagdesisyunan ko ng bumalik sa opisina at baka hinahanap na ako doon.

Pagpasok ko ay agad akong napansin ni Aly "OK ka lang ba? Bakit namumutla ka ata?" tanong nya saka sinalat pa ako sa noo.

"Medyo sumama lang yung pakiramdam ko pero kaya pa naman." malungkot na sagot ko saka ko siya nilampasan. Pagkaupo ko sa pwesto ko ay bumalik na naman sa isip ko yung nangyari kanina; yung posisyon namin na habang nakatitig ako sa mga mata nya.

Alam ko sa sarili ko na sobrang ko syang namiss..yung mukha nya, yung ngiti nya, yung pang aasar nya....yung lahat lahat sa kanya.

Pero sa halip na matuwa ako na nagkita ulit kami kanina ay lungkot ang nararamdaman ko, paano naman hindi pa din nya ako naaalala hanggang ngayon....

Parang biglang gusto ko tuloy maiyak pero pinigilan ko. Siguradong magtataka sila kapag napansin nilang umiiyak ako, lalong lalo na si Aly na hindi ako tatantanan sa pagtatanong.

Napabuntong hininga muna ako bago pilit na inalis si Reese sa isip ko. Hinawakan ko ang mouse ng computer at saka tinutok ko ang atensyon ko sa pagpapatuloy ng trabaho ko.

Swerte ko na lang at hanggang sumapit ang lunchbreak ay hindi ko na nakita pa ulit si Reese. Pakiramdam ko talaga ay matutuluyan na akong magkakasakit kung magkakaroon ulit ako ng close encounter sa kanya.

Tumayo na ako at kinuha yung wallet sa bag ko, as usual sa resto sa ibaba kami maglulunch ni Aly kasama ang iba pa naming officemates.

Sabay sabay na kaming naglakad nina Aly, Beth, Arlene at Agnes papuntang elevator. Nasa ground floor pa kasi yung favorite resto namin.

Ding!

Pagpasok namin sa loob ng elevator—

"Nakakasawa na yung mga pagkain dito ano?" reklamo ni Arlene habang pinipindot yung elevator button.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon