Nina una nako, kita nalang tayo mamaya sa court. Agaw pansin ko dito dahil kelangan ko nadin umalis.

Sige basta mamaya ah, wag kang tatakas. Kabilin bilinan ni coach Eli na dapay kompleto tayo... I nod my head giving her the assurance she needs. Sya kasi ang captain ng team namin. Hindi ko na pinansin yung tingin na binibigay sakin nung dalawang kausap nya. At umalis na doon.

Nag start na ang klase at wala pa naman kaming masyadong ginawa. Hindi ko lang maintidihan bakit hanggang ngayon 4th year nako. Hindi parin natatapos ang Pls Introduce yourself and tell something about yourself. But either way wala naman magagawa ang reklamo kay sige nalang. Hanggang sa maaghapon puro ganon ang eksena sa bawat subject. Kaya nung natapos na ay sobrang nakahinga nako. Mas mabilis pa sa alas kwatro akong lumabas ng classroom dahil para akong na suffocate sa loob. Kung pwede lang sana na wag nang umattend ng meeting eh di sana nakauwi nako.

Nakarating ako sa court na andon na ang ibang teammates ko at busy sa kani kanilang mga kwentuhan. Nakalapit nako at umupo sa isang tabi at mukang hindi ako napansin. Kaya nakinig nalang ako sa mga usapan nilang ewan.

Ui nina pakilala mo naman kami don sa guy na kasama mo kanina. Ang gwapings saka ang lakas ng appeal. Agaw pansin ni Lorraine kay Nina na busy nagbabasa ng kung ano. Don naman sya nagtaas ng ulo nya at tinignan si Lorraine.

Wag kang ano Lorr, wag mong patusin pati pinsan ko. Saka hindi single yon. Sumimagot si Lorraine pero maya maya ngumiti rin.

Ano naman kung may gf. Parang gusto lang naman makipag kilala eh. At isang malokong ngiti ang bingay nito. Pero hindi na sya pinansin pa uli ni Nina.

Napailing nalang ako. At kinalikot nalang yung phone ko. Habang inaantay si Coach. Habang naglalaro ng COD. Nahalata kong may kung sinong tinitignan ang mga ka grupo ko sa pintuan ng gym. Nadako naman doon ang tingin ko at nakita ko uli yung babaeng kinausap kanina si Nina. Speaking of Nina muka kasing busy sya sa librong binabasa nya kaya hindi nya napansin yung babaeng nasa pintuan. Pinuntahan naman ito Gemy na kagrupo din namin.

Hindi ko na pinansin kung ano man ang pinag uusapan nila at naglaro nalang. Hanggang sa dumating si Coach. Nag simula na ang meeting na nag taggal din ng mahigit isang oras. Tungkol lang naman sa mga tournaments saka mga announcement na may mga bagong pasok ng junior member sa team. At kailangan din namin i guide.

.....

Kinabukasan same routine uli ang nangyari at dahil narin sa half day lang ang schedule ko ay pumunta agad ako sa court. Naabutan kong may mga boys na naglalaro at mukang nag uumpisa palang. Namumukaan ko ang iba pero mostly ay hindi. May mga tao sa bleacher at nanonood lang. Umupo naman ako at nakinood narin. Mas aggressive ang laro nila kesa sa laro ng mga babae. Which is normal since lalake nga naman. Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko ang gantong laro. Mahahasa ka at mas bibilis ka. Napansin ko naman ang isang lalakeng papalapit sa pwesto. Naka ngiti lang ito.

Hi.... Your Klei right? I'm Noah. Habang nakatingin sakin at nag abot pa ng kamay para makipag shake hands. Hindi ko ito tinanggap, pero sumagot naman din ako.

Yeah. Do I know you? Sagot ko sakanya. Nakangiti lang sya na labas ang dimples nya. Ang cute lang nya. Nakita ko naman na mukang nag aalangan syang parang may sasabihin. Tumingin muna sya sa mga ka team nya saka binaling at atensyon sakin.

Ah kasi kilala ka namin. Napansin namin na kanina kapa nanonood. Yayayain ka sana namin na makalaro kung ok lang? Nag aalangan parin na sabi nya dahil narin siguro nakatingin lang ako sakanya habang sya ay nakangiti parin. Napaisip naman ako, mukang magandang experience kasi sa nakikita ko magagaling sila.

You Are My UnknownWhere stories live. Discover now