Chapter 23

57K 756 7

CHAPTER 23

KARREN

"Salamat Papa, hindi niyo po alam kung gaano niyo ako napasaya." Sabi ko nung malaman kong hinahayaan na niya akong mamili ng lalaking gusto ko at siyempre 'yung gusto rin ako, kaya napayakap agad ako sa kanya.

"Siguro nagkamali nga akong ipilit sayo ang akala kong makakabuti para sayo." Sabi ni Papa.

"Naiintindihan ko po kayo, pero Pa, malaki na po ako at promise ko sa inyo, hindi ako sasama sa lalaking hindi niyo makakasundo." Sabi ko.

...

"Pa, Ma, si Steve po, kaibigan ko." Pakilala ko nung minsang dumalaw nga si Steve sa bahay at may dala- dala pang mga prutas para kay Papa kasi nga nabanggit kong kalalabas lang ng hospital.

"Kamusta na po kayo? Para po sa inyo." Sabi ni Steve sabay abot ng bitbit niya.

"Salamat. Eto medyo okay na, gusto na ulit mag- trabaho." Sabi ni Papa.

"Naku trabaho agad, magpagaling ka muna ng husto. Teka iho, hindi ba't ikaw ang kasama ni Crystal nung birthday ko?" Sabi ni Mama.

How I hate that name. Nagkatinginan lang kami ni Steve.

"Opo ako nga po 'yun." Sabi ni Steve.

"Eh sino ba talagang pinopormahan mo, ang anak ko o si Crystal?" Sabi ni Papa.

"Papa, magkaibigan lang po kami ni Steve." Sabi ko.

"Hindi ba't marami ka namang kaibigang lalaki, bakit parang siya pa lang ang naiimbitahan mo dito sa bahay?" Si Papa.

"Oo nga naman," si Mama.

That is because Steve knows what I'm going through right now. Gusto ko sanang sabihin.

"Mabuti naman po kung ganun," sabi ni Steve.

Ano bang sinasabi niya? Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. Kainis siya, nag- react pa talaga. Hmp.

..

Simula noon, madalas ng pumunta sa bahay namin si Steve. Madalas kaming nagku- kulitan sa bahay pero wala naman akong makitang pruwebang gusto niya ako. Imposible, magkaibigan lang talaga kami at 'yun lang din naman ang kaya kong iparamdam sa kanya.

"Mam, nandiyan na po 'yung manliligaw niyo." Sabi nung maid na lumapit sakin sa sala.

Napansin kong kasunod niya si Steve. Manliligaw?

"Hindi ko siya manliligaw." Sabi ko sa maid.

"Ay sorry po akala ko lang kasi." Sabi ng maid.

"Kung may ibibigay na flowers baka pa." Bulong ko pero narinig pala ni Steve.

"Hindi kasi flowers ang ibibigay ko, kundi ang puso ko." Sabi niya.

Bumanat na naman ang baliw na 'to! Pero natigilan ako sa sinabi niya ha, seryoso ba siya?

"Uy, joke lang, kinilig ka naman." Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

Toinks! Akala ko seryoso na, lakas talaga mang- asar!

"Eww ang corny- corny nga." Sabi ko na lang.

JAMES

"Ano'ng sinabi mo?!" Si Papa.

Sinabi ko na sa kanila ang pagpapanggap namin ni Karren.

"Iyon po ang totoo." Sabi ko.

"Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka pa rin sa kanya!" Si Papa.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!