CHAPTER 7

2.2M 44.9K 7.7K
                                    

CHAPTER 7

ANG PLANO ni Mhel ay magkulong sa kuwarto niya pagkatapos nilang maghapunan at lalabas lang siya sa silid niya kapag bored na bored na siya pero walang nangyari sa mga plano niya. Pagkatapos mag hapunan, inaya siya ni Iuhence na magpahangin sa teresa at parang may sariling isip ang bibig niya na ang bilis sumagot ng 'sige'.

Kaya heto siya ngayon sa teresa, naka-upo sa duyan at si Iuhence naman ay naka-upo sa mahabang sofa na malapit sa kanya. Thanked God hindi ito ganoon kalapit baka bumilis na naman ang tibok ng puso niya. This man wasn't healthy for her heart and peace of mind.

Ilang minuto din silang tahimik ng basagin ni Iuhence ang katahimikan.

"Sino ang first kiss mo?" Tanong nito.

Nabigla siya sa tanong nito at kapaguwan ay namula ang pisngi niya. "Bakit mo ba tinatanong 'yon?"

"Just curious," anito at nagkibit-balikat.

Nag-iwas siya ng tingin sa binata bago sumagot. "I had my first boyfriend when I was in college. You know, American boys." Ibanalik niya ang atensiyon dito. "Sex is like the life of a relationship." She saw Iuhence tensed up, but she continued on talking. "Si daddy sobrang strikto. Hindi ako puwedeng makipag-flirt sa eskwelahan kasi may mga mata doon si daddy at tiyak na isusumbong ako kaagad. Hatid sundo ako kaya hindi nakaporma ang boyfriend ko. Not even a kiss."

A relieved sigh came out from Iuhence mouth. "Tapos?"

"Nag-break din kami ng boyfriend ko. Tapos, hindi na nasundan kasi mas naging mahigpit pa si daddy."

Kumunot ang nuo ng binata. "Kung hindi na nasundan, ibig sabihin ba niyan ako ang first kiss mo?"

Inirapan niya ito ng makitang siyang-siya ito sa kaalamang iyon. "So? Ano naman ngayon?" Sikmat niya.

Inosente itong nagkibit balikat. "Wala naman. I'm just inquiring."

"Inquiring ka jan. If I know, you are gloating—"

"Gloating in happiness that is." He smiled. "I was your first kiss and I take pride on that."

Itinirik niya ang mga mata. "Shut up, Iuhence," ani sa matalim na boses. "Ayoko sa mga mambobola."

"Hindi naman kita binobola, ah," dipensa nito. "I'm stating a fact."

"Iuhence, sa mukha mong yan? I'm sure mambobola ka. Ilang babae na ba ang nabola mo? You have a flowery tongue that women swoon when they hear your voice and all that." Puno ng sarkasmo niyang sabi.

Marahang tumawa si Iuhence. Napaka-genuine ng tawang iyon. "Stereotyping much? Alam kong gwapo ako pero wala naman akong mala-harden na dila."

"Sinong may sabing gwapo ka?" Mataray niyang tanong. "Ang sinabi ko lang flowery tongue."

"Pareho na rin iyon. Sabi mo pa nga na sa mukhang kong ito? In that phrase of yours, nagpapahiwatig ka na na isa akong napaka-guwapong nilalang."

Nalukot ang mukha niya. "Ayoko sa mahanging lalaki?"

"Okay. From now on, magiging down to earth na ako."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Sinabi ko lang na ayoko sa hambong, magiging down to earth ka kaagad?" Napapantastikuhang tanong niya. "Ikaw na talaga Iuhence. If I didn't know better, I say you are trying impress me."

"What if I am? Is it working?"

Mas naging triple pa ang bilis ng pagtibok ng puso niya. Napatitig siya sa mga berde nitong mga mata na may kakaibang kislap.

"Marami pa ang kakainin mong bigas para ma-impress mo ako," sagot niya. "At saka galit pa rin ako sayo sa pag-kidnap mo sa akin." Kapagkuwan ay napangiti siya ng may maisip na magandang ideya. "Or you could send me back to Russia. I'm sure ma-i-impress ako 'non."

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon