CHAPTER SIX

2.4K 53 0
                                    

A/N: enjoy reading 😘♥️✌️

Oh, and don't forget to vote lilies 🤗

———————★

NAGISING si Rish na parang nagbabaga ang kanyang buong katawan. She felt so hot all over. Pakiramdam niya ay para siyang sinilaban at nag-aapoy. Napatingin siya sa bedside clock niya. Alas onse y media na ng gabi. Bandang alas siyete siya nakatulog kanina pagkatapos niyang kumain ng hapunan.

Oh right, its my medicine time. Hindi na niya kailangan pang bumaba sa kusina dahil may naka-ready ng tubig sa kwarto niya. Malakas kasi siyang uminom ng tubig at tinatamad siyang bumaba sa kusina nila para kumuha kaya nakaisip siyang maglagay ng imbak na tubig sa kwarto niya lagi kung sakaling uhawin siya sa kailaliman ng gabi.

May isang pad siya ng Alaxan na binili kanina kaya iyon na ang ininom niya. Mas mabilis kasi ang epekto niyon kumpara sa Paracetamol na 500ml.

She could feel her hot breath. Mainit iyon. Para kasing nasa loob ang lagnat niya. Muli niyang naisip ang dahilan kung bakit siya nilagnat ngayon. Or mainly, she was thinking about Harper. Kumusta na kaya ito? Somehow, she can feel deep inside her that she wants to see him again. Para bang gusto niya ulit itong makita.

The sense of familiarity with him was so strong. Na para bang magkakilala na sila nito noon pa man.

Nahiga siyang muli sa kanyang kama at napatitig sa puting kisame. Ang dami yatang weird na nangyare sa kanya ngayong buwan na ito. Sumingit din sa isipan niya si Ravene. May nararamdaman siyang kakaiba dito at hindi niya lang maipaliwanag. There is something with that boy that she can't explain.

Hays nakakastress naman! Inunahan na siya ng katawan niyang mastress dahil ramdam na siguro nitong malapit na naman ang katapusan ng buwan. Panahon na naman ng Grade computations. Iniisip niya pa lang ang mga School Forms na kailangan niyang gawin sa halos limang section niya ay para na siyang kokombolsyonin. Although computerized na ang lahat pero ang effort ay naroon pa rin. Ilang gabi din siyang walang maayos na tulog dahil sa mga iyon.

School forms are done in the end of the school year pero ewan niya at kung anong nakain ng school head nila at nirerequire silang mga guro ng St.Nigelous na magpasa ng SF every end of the quarter. Kung alam lang nito ang hirap sa paggawa nun.

Niyakap niya ng mahigpit ang medium size na stuff toy na si Totoro. She calls him Toto at isa ito sa mga comfort zones niya. Kapag masama ang pakiramdam niya ay niyayakap niya lang ito at nagiging okay na siya. Noong magising siya mula sa kanyang two years long coma ay ito lagi ang niyayakap niya. Bigay iyon sa kanya ng mama at papa niya para daw hindi siya malungkot. Napanood na din niya ang pelikula nitong My Neighbor Totoro and its one of her favorite cartoon films along with Spirited Away and Howl's Moving Castle.

She wrapped herself with her thick blanket at yakap yakap niya si Toto.

Ahhh this is life!

Napapikit siya. Unti-unti ng humuhupa ang init ng katawan niya. Bumababa na yata ang lagnat niya dahil sa gamot na ininom.

I'm sick and bored... I wanna go to places. To a far far away place

The warm wind blowing against her skin. The fragrance of lilies filling her nostrils and the soft grass pressed on her sole feet. Sa bawat pagdampi ng hangin sa kanyang balat ay nagbibigay iyon ng kakaibang ginhawa sa kanya.

Dark Hearts Series 1: Rhaye BlakewoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon