Valentine Special: Tender Love

38K 740 25
  • Dedicated kay Rachele Anne Salamat
                                    

A/N: Para sa aking ate SBLAD (Shining Bright Like A Diamond) na ate na si Rachele Salamat, para sa iyo itech! Dapat last year pa ito para sa Valentine Special dahil nga may Christmas at New Year special na ang BHO One-Shot kaso masyadong magulo ang utak ko ng mga panahong iyon. (Mas magulo dahil natural ng magulo ang utak ko XD)

Anywoo! Para ito sa naging ate ko na dito sa mundo ng Wattpad. Isa siya sa mga taong este- dyosa na nagtiya-tiyagang suportahan ang baliwers kong pagkatao sa napakadaming first sa buhay ko. Thank you ate! Ito na ang bery own BHOCAMP boy mo <3

WARNING! Some scenes are 17-below-proof ^_^v

Valentine Special: Tender Love

"Nakaayos na ba ang mga mission Raechelene?"

Kumibot-kibot ang labi ko habang pigil ko ang mga iyon bago pa ako mapaangil. Ayoko na ayoko kasi na tinatawag ako sa pangalan ko. Kung bakit naman kasi sinapian ang mga magulang ko noong mga panahon na pinangalanan nila ako. Bakit hindi na lang Rhiana, Rachele, Rachelle, Racquel? Bakit kailangang Raechelene?!

"P-Po?" tinignan lang ako ni Freezale. Katulad ng ibang mga elite agents ay hindi ako naiilang na po-in siya kahit na ilang taon ang tanda ko sa kanila. Iba kasi ang aura nila. Iyong tipong mangingilag ka na hindi galangin. Isa pa matindi ang Freeze Mode ni Freezale ngayon. Wala kasi ang dalawang boss ng BHOCAMP kaya mainit ang ulo niya. Siya kasi ang sumasalo ng lahat. "Opo, nakaayos na po lahat."

"Thanks."

Nag thumbs up ako at ngumiti ng matamis. Napakurap lang siya at pagkaraan ay tinanguhan ako. Nakangiwing napakamot ako sa pisngi ko. 

Apat na taon na akong nagtatrabaho rito sa BHOCAMP. Natagpuan ako ni Dawn sa isa niyang mission. Pero hindi sila ang nakatapos ng mission na iyon kundi ako. Pagdating nila sa gusali kung saan nakakulong ako ay wala ng buhay ang mga taong dumakip sa akin.

Nagawa ko ngang iligtas ang sarili ko pero hindi naman ang mga magulang ko. Pare-pareho kasi kaming dinakip. Magagaling na mga chemists ang mga magulang ko...at iyon din ang siyang naging dahilan kung bakit kami hinuli. Ako? I'm just the leverage. Para mapilitan ang mga magulang ko sa mga pinagagawa nila.

But the things is, they want my parents to create a drug that can destroy a lot of lives. Isang klase ng gamot kung saan unti-unting pinapatay ang katawan ng isang tao at tanging ang antidote na gagawin ng parents ko ang magpapatigil. Federico Pelaez, the crazy pyschotic man who wants to own the world, wanted my parents to create the antidote para magamit ito na pangblackmail sa mga matataas na tao.

Pero hindi gustong gawin iyon ng mga magulang ko. Sa halip ay gumamit ng lason ang mga magulang ako at ininject iyon sa katawan nila. They did the same to me. But the thing is, I'm a chemist myself. Bago pa kami madakip ay kasalukuyan akong nakalikha ng isang eksperimento na poprotekta sa katawan ko sa kahit na anong lason. I injected it on my body and a few days after that, my parents and I were kidnapped.

But that time I didn't realized that it would still work. I was ready to die with them...but I didn't.

Nang marealize ko ang nangyari...well, I can't say I able to kept myself sane because I've gone ultra mega crazy. I concocted a poison, heated it, and let it evaporize. Sinigurado ko na kakalat iyon sa gusali. Within seconds, they all dropped dead. And no I didn't act cool after I've done it. Something like that leaves a huge mark on a person.

Hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa rin ang mga nangyari. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na kailangan kong gawin iyon. That I shouldn't be trapped with guilt...that I should be free from it because it was the right thing to do.

MsButterfly's BHOCAMP One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon