Ako ay kasalukuyang naka-hilata sa aking kama.

"CARA! Tumayo ka na diyan! Male-late ka na!"

Dahil second day ko ngayon, pucha. Ang sakit ng buong katawan ko! Ganito ako kapag nireregla. Masakit puson. Masakit ang likod. Masakit ang ulo. tapos kadalasan pa nilalagnat. Buti nga ngayon hindi pa eh.

"Oo, teka lang." Sabi ko habang uugud-ugod akong tumayo at pumasok ng CR. 

Itong mga araw na to talaga ang pinaka-ayaw ko sa lahat.

Sana naman wala nang mangyareng di maganda ngayong araw na to. 

***

Almost time na pagkarating namin ni Recca ng school. Mabagal akong maglakad at halos iwan na ako ni Recca dahil sa sobrang bagal ko. Marami-rami rin akong nakabanggang mga estudyante. Puro 'sorry' na lang ang nasabi ko.

Para akong zombie simula first class hanggang 3rd class. Tinitignan na nga ako ng weird ng mga kaklase namin e. Sila kaya sa pwesto ko. Takte para kaya akong may dengue dahil sa mens na to.

"Cara, okay ka lang ba? Gusto mo bang iuwi na kita?" Tanong ni Recca sakin.

Nasa Cafeteria kami. Kumakain sila habang ako, eto nakapatong ang ulo sa lamesa. Wala akong ganang kumain. Basta ayoko lang gumalaw.

"Ayokong umuwi." Wala rin naman akong magagawa kung nasa dorm kami. Isa pa, mahirap na kung mag-isa ako don. Mabuti na yung andito. Apat-apat sila. Apat silang bubuhat sa akin kapag nahimatay ako. (Biro lang.)

"Wala naman na ata tayong gagawin sa next subject natin eh. Gusto mo umuwi ka na lang. Kami na magsasabi kay Prof." Hirit ni naman ni Racquel.

"Ayos lang ako." Tipid kong salita. "Isa pa, may gagawin pa ako."

"Ano naman yon?" Curious na tanong ni Anna. Kahit kelan talaga.

Hindi ko na lang siya sinagot. Kapag sinagot ko pa kasi siya, sasabunin ako ng tanong niyan.

Ayoko pang umuwi kasi ibabalik ko pa tong varsity jacket na to dun sa admirer... este stalker ko. Hindi pa niya ako tinetext simula kaninang umaga. Kaya wala akong ideya kung paano ko to maibabalik sa kanya. Ayoko naman na ako ang unang mag-tetext sa kanya. Baka isipin pa niya na hinahabol ko siya. Yuck.

***

Natapos ang last subject namin at nauna na yung tatlo. Si Recca naman, andito lang sa school. Magpa-practice ng fencing. Kasali kasi yun sa fencing team ng University namin eh. Nagpaiwan ako dito sa field. Yung madalas kong tambayan. Atleast malapit sa lahat. Kung mag-text man si Stalker, pwede akong lumarga agad.

2 P.M

Buti na lang nasa lilim ng puno itong inuupuan ko. Kung hindi ay malamang kanina pa ako nasunog dito. Nakapatong yung ulo ko sa wooden table sa harap ng bench. Nakatingin lang ako sa mga nagpa-practice ng soccer. Mahangin dito kaya ayos na ayos.

Ang sarap umidlip dito. 

Parang inaantok na ako.

Parang gusto kong matulog..

Bumibigat yung mata ko..

Ang sarap ma....

5 P.M


Anak ng tinapa naman. Nakatulog nga ako! Dali-dali kong tinignan yung cellphone ko para tignan kung nag-text si stalker.

From : +63926*******

Ang sex addict kong boyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!