Chapter Twenty

51.1K 778 10

Sa katunayan po, ako po ang dapat magpa- salamat sa inyo. Salamat sa pagbibigay pansin sa istorya na aking ginagawa. Salamat sa mga sumusubaybay. Salamat sa mga bumoboto at sa mga nagbibigay ng komento at maraming salamat po sa pagpapa- salamat sa akin sa kung anumang dahilan, hehe walang anuman po. Thank you so much.

CHAPTER TWENTY

"I love you." Bulong ni Jack sakin pagkatapos akong halikan habang nasa loob ng elevator.

Napangiti ako, atsaka bumalik ulit 'yung mga labi niya, sa mga labi ko. Tapos kumalas ako at bumulong din. 

"I love you too." Tapos maglalapat na sana ulit 'yung mga labi namin nang magbukas ang elevator.

Kahit wala namang ibang tao, napaayos pa rin ako. Hinapit naman ako ni Jack habang hawak niya ako sa baywang  hanggang sa makapasok kami sa unit niya. Agad niyang isinara ang pinto at sinunggaban na agad ako ng halik.

"Hmmm.." Hindi ko maiwasang mapaungol pero napatigil ako kasi kanina ko pa talaga 'to nararamdaman.

"B- babe... W- wait... Wait." Sabi ko.

Ayaw kasi niyang tumigil.

"Why?..." Tanong niya pero patuloy pa rin sa paghalik sakin.

"Naiihi na ako, kanina pa." Sabi ko.

Napatigil siya sa paghalik sakin.

"Tsk."  Iyon lang ang narinig ko bago ako pumuntang banyo.

Ano'ng gagawin ko eh sa naiihi na ako? Naglakad na ako papuntang banyo. Dun sa kwarto ako pumunta, kasi nandun 'yung banyo.

"Sh*t!" Napahawak ako sa noo ko. 

Bakit ngayon pa? Pagbaba ko kasi ng underwear ko, may kulay pula. May period ako. Mabuti na lang at nakapaglagay ako ng napkin kasi kapag nararamdaman kong magkakaroon na ako naglalagay na ako kahit wala pang pumapatak. Geez.. Maba- badtrip si Jack. Ako nga badtrip na eh, hehe puwede namang bukas na lang magkaroon bakit ngayon pa. Ang lakas pa naman. Pero okay lang kasi sabi naman niya magpapamasahe lang siya. Hehe.

Paglabas ko ng banyo, nasa kama na si Jack at hinihintay ako. Naka- boxer shorts na. Naku lagot. Lumapit ako sa kanya ng dahan- dahan. Nakatingin lang siya sakin, nakikiramdam. Nakasimangot kasi ako. Nakaupo siya sa tagiliran ng kama. Umupo din ako at dahan- dahan ko siyang niyakap.

"Babe...... I'm sorry.." Sabi ko.

Siguro nagtataka na siya. Para kasi akong engot.

"Ha?" Sabi niya.

Nagtataka na nga siya.

"We can't do it.. May period ako." Sabi ko.

Badtrip kasi naman wrong timing. Well ibigsabihin hindi ako buntis! Hehe. Pero hindi gumagamit si Jack ng proteksyon kapag nagtatalik kami. Sinong baog samin? Haha baog agad? Hindi lang siguro talaga nakabuo. Buo? Hindi rin puwede. Natatakot ako baka mangyari sakin 'yung nangyari kay Inay. Ni hindi pa naisisilang ang sanggol, namatay na agad sa sinapupunan. Hay, ayaw ko ng maalala.

"What? Badtrip naman oh, so ibigsabihin ilang araw nating hindi magagawa 'yun?" Sabi ni Jack.

At anong balak niya, araw- araw- in ako? Masaya siya! Pero masaya din naman ako, hehe. Napakagat ako sa labi ko. Nakatingin siya sakin.

"Babe it's okay. Matulog na lang tayo." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"Nawala na 'yung antok ko. Antok ka na ba? Akala ko magpapamasahe ka?" Sabi ko.

Ewan ko bigla na lang nawala eh.

"Bakit?" Tanong niya.

Ano'ng bakit? Oo o hindi lang tapos bakit? Bigla yatang umiinit ang ulo ko. Meron nga ako eh. Hehe.

"Tinatanong nga kita tapos bakit ang sagot mo." Sabi ko.

Napatitig siya sakin. Ang ganda ko daw, chos!

"Oh bakit ka nagagalit? I'm just asking." Sabi niya.

Galit agad? Hindi ba puwedeng yamot lang. Eh kasi nga meron ako. Di ba madali namang mainis ang mga babaeng nasa sitwasyon ko.

"Una akong nagtanong sayo." Sabi ko.

Parang tanga lang. Pinapahaba ko lang ang usapan. Maka- emote lang.

"Bakit ba ang sungit mo?" Sabi niya tapos sabay pisil ng ilong ko.

"Jack ano ba.... Kasi naman." Sabi ko.

Pinisil nga kasi ang ilong ko. Eto umaarte lang. Hehe.

"Humiga na tayo, aantukin ka rin. Sige na. Matulog na lang tayo." Sabi niya.

Lagot ka sakin kapag hindi ako inantok. Pumwesto na siya at sumunod na ako. Ang ulo ko nasa dibdib niya. Pinapadaanan ko ng daliri 'yung tiyan niya. Walang magawa eh.

"Behave." Sabi niya.

Para naman akong bata kung ma- behave niya. Itinigil ko na at pumikit na ako. Nakatulog na ang loko, ako gising pa. Ilang minuto bago ako nakatulog na rin.

Paggising ko, wala na 'yung katabi ko. Uminat ako at bumangon.

"Hala.." Napansin ko kasi 'yung pulang mantsa sa bed cloth. Namantsahan. Huhu.

Lumabas ako ng kwarto. Walang tao. Nasaan kaya si Jack.

Maya- maya, bumukas ang pinto.

"Saan ka galing?" Tanong ko.

Nakita ko na may bitbit na tatlong paper bags.

"I just bought you some clothes. Para may masuot ka ngayon. " Sabi niya.

"Bakit naman binilhan mo pa ako, puwede namang sa apartment na ako magpalit?" Sabi ko.

Nakakahiya. Pinag- shopping niya talaga ako ng susuotin ko ngayon.

"What? So lalabas ka ng unit na may ano diyan sa likod mo?" Sabi niya.

Oo nga pala, nawala na sa isip ko. May tagos nga pala ako.

"Oo nga pala. Sorry ha. Namantsahan ko tuloy 'yung bed cloth." Sabi ko.

Nakakahiya talaga.

"It's okay, every sunday naman may pumupunta ditong matanda. Siya na ang bahala." Sabi niya.

"Sa linggo pa. Labhan ko na lang ngayon." Sabi ko.

Nakakahiya pati sa matanda. Sabagay may minantsahan na rin ako noong una kaming nagtalik.

"Ang kulet. Huwag na, palitan ko na lang, madaming pamalit diyan. Sige na magbihis ka na, sa labas na tayo kakain." Sabi niya at kinuha ko 'yung paper bags.

Bumalik na ako sa kwarto at tiningnan 'yung pinamili. Kinuha ko 'yung laman ng isang paper bag, dalawang short na hindi naman kaigsian pero maganda ha. Ayos pumili ang boyfriend ko. Tapos 'yung isa pang paper bag ay dalawang blouse na tingin ko ay fit sa akin. I like it. Akala ko ba susuotin ko lang ngayon, bakit two pairs? Para siguro may pagpilian ako. Tapos 'yung natitirang paper bag hinuho ko ang laman. Nagulat ako. Mga underwear at... At sangkatutak na napkin!? Sampung pack yata 'yun. Grabe naman, ano bang akala niya fifty times ako magpalit ng napkin sa isang araw? Haha. Siya ba talaga ang bumili ng mga 'yun? As in siya mismo? Ang sweet naman, binilhan ako ng boyfriend ko nito! Hehe. Well nakatipid ako, marami na akong reserba. Tsk. Tsk. Kaloka.

May baon pa naman akong napkin sa bag ko. Just in case na magkaroon ako eh meron na nga. Naku baka magtampo ang mahal ko, yung binili na niya ang gagamitin ko.

Napapatawa pa rin ako. Kokomprontahin ko pa sana si Jack kaso naghihintay na sa labas ng kwarto. Mamaya na lang pagka- shower ko. 

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!