Chapter 22

51.4K 780 10

CHAPTER 22

STEVE

Hindi ko agad napansin na naiwan niya pala 'yung bag niya sa upuan. Nakaalis na siya kaya hindi ko na nai- habol ang bag. Tinatawagan ko siya kaso busy naman. Kaya sinundan ko na lang kung saan siya uuwi.

Nawala pa siya sa paningin ko nung nasa isang condo na kami kasi nauna siyang sumakay ng elevator pero maya- maya'y napansin kong pumasok siya sa isang pinto. Lumapit ako at napansing hindi nakalapat ang pinto. May naririnig akong nag- uusap. Sumilip ako at napansin ang tatlong nasa loob.

Iaabot ko lang naman ang bag ni Karren pero hindi ko na naiwasang marinig ang pinag- uusapan nila. Hanggang sa malaman kong si Crystal pala talaga ang asawa ng lalaking 'yun.

Nung nagtatakbo si Karren palabas ay nakita ako ng lalaki na 'yun na balak pang sundan si Karren pero sinamaan ko ng tingin at ako ang sumunod kay Karren.

"Karren!" Tawag ko pero hindi siya tumitigil sa pagtakbo hanggang sa hinabol ko na lang siya.

Mabuti na lang at hindi agad nagsara ang pinto ng elevator. Nakapasok agad ako at dalawa lang kami sa loob.

Walang tigil ang pagiyak ni Karren kaya niyakap ko na lang siya.

"Sssh," Sabi ko sa mababang tono habang yakap ko siya.

Ilang segundo kami sa ganung ayos atsaka siya nagsalita.

"Napakasama nila, mabuti ka pa saglit ko lang nakilala naging tapat na sakin." Umiiyak na sabi niya.

"Tama na, ihahatid na muna kita sa inyo." Sabi ko.

"No. Samahan mo muna ako please." Sabi niya nung tumingin sakin.

"Saan mo ba gusto pumunta?" Tanong ko.

...

"Maka- karma din sila! Hinding- hindi ko sila mapapatawad! Sh*t sila!" Sigaw ni Karren.

Pagkagaling namin sa club ay dinala ko siya sa tabing dagat kung saan malaya niyang mailalabas ang galit na nasa dibdib niya.

Kanina sa club, umiyak lang siya ng umiyak habang umiinom pero bago pa siya malasing ng tuluyan ay niyaya ko na siyang umalis kami doon at sa ibang lugar na siya maglabas ng sama ng loob.

"Salamat Steve, minsan talaga, kung sino pa 'yung hindi mo inaasahang makakatulong sayo, iyon pa 'yung dadamay sayo. Salamat." Sabi niya.

"Wala 'yun. Magaan na ba ang pakiramdam mo? Kaya mo na bang bitbitin?" Biro ko.

Napangiti lang siya ng matipid.

Pagkatapos ko siyang samahan ay inihatid ko na siya sa kanila. Hindi ko na alam kung anong sasabihin niya sa mga magulang niya kung bakit siya umuwi sa kanila ng biglaan.

KARREN

Pumasok ako sa bahay namin bitbit ang sinoli ni Steve na bag na naiwan ko. Sana tulog na silang lahat. Pero nagulat na lang ako ng makita agad si Mama pagpasok ko.

"Karren! Kanina ka pa daw tinatawagan ng asawa mo, bakit nakapatay ang cellphone mo at bakit ka nandito? Nag- away ba kayo?" Si Mama.

Medyo okay na ako nung ihatid ni Steve pero bakit bumibigat na naman ang pakiramdam ko.

"Ma, please, bukas na po tayo mag- usap. Inaantok na po ako." Sabi ko pero lumapit si Mama sakin.

"May problema ba kayo iha? Dapat hindi niyo pinapalipas ang isang gabi na hindi kayo okay." Sabi ni Mama at hindi ko na napigil ang sarili ko sa pag- iyak.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!