35, 36 [COMPLETE]

1.4K 18 17
                                    

Isang araw, may nakasabay ako sa bus. Estudyante. Dugong Diliman. Siguro mga 2nd year college. Halata namang mas bata pa sa akin. Pauwi ako noon sa probinsya. Dahil yung nauna sa aking nakapila eh gusto na magkatabi sila sa upuan, kami ang naging magkatabi. Hindi kami nag-uusap. Naglalaro siya ng PSP. Ako naman, antok na antok na antok. Kaya pag-upo ko pa lang, tulog na agad ako. Hahaha! Galing duty. Pagod. Ayun, tuwing magigising ako eh naglalaro siya ng PSP. At ako na mahilig din maglaro eh naku-curious sa nilalaro niya. Nung minsang nagising ako at naglalaro siya, sinilip ko ung screen ng PSP. Hindi ko masyado makita yung laro, kailangan titigan mo talaga. Kaya ang ginawa ko, tinakpan ko ng kamay ko yung gilid ng ulo ko, kunwari inaayos ko yung buhok ko, para lang makita ko kung ano yung laro. Yugi-Oh pala. Ah, di ko pa natry yun. Mukhang kumplikado! Mga anim na oras kaming ganoon, minsan natulog din siya sa biyahe. Ako madalas na tulog. Nagising ako noong asa Sison na kami, tapos tulog uliet. Tapos ang final na gising ko eh sa Agoo na. Hindi na ako natulog, malapit na rin. Ilang bayan na lang, bababa na ako. Kaya panay silip ko sa labas ng bintana, kasi naman hindi ko masyado saulo ang mga bayan. Bandang Caba na, nakapokus ako sa labas ng bintana, baka lumampas kasi ako sa bababaan ko. Tapos kinausap niya ako, nagtanong kung asan na daw ba kami. Sabi ko hindi ko rin masyadong sure,pero kakalampas lang namin ng Caba. Maya-maya may nakita akong signboard, may nakasulat na Bauang. Nag-follow up answer ako sa kanya (wth? Follow-up answer). Sabi ko, asa Bauang na kami. Inayos ko yung gamit ko. Tapos, tinext ko yung mama ko. Malapit na ako sabi ko. Sabay dating ni mamang kunduktor, kinukuha yung travelling bag ko, kasi malapit na nga akong bumaba. Bauang Plaza. Tapos nagtanong yung katabi ko, sabi niya, “Sa Plaza ka rin?”. Sagot ko, “Oo.” Tapos ayun, nasa Plaza na kami. Nauna siyang tumayo kasi siya yung asa aisle, tapos ako. Akalain mo yun, anim na oras kami magkatabi pareho pala kami ng bababaan. Hahaha!

Pagkababa at pagkaalis ng bus, kinausap niya ako habang naglalakad kami, siya papuntang parking lot, ako sa sakayan. “Wala rin kayong pasok?”, sabi niya. “Quezon City day di ba?” aniya pa.

Tapos bigla kong naalala, oo pala, QC day. Holiday. Kaso off ko sa duty. Kaya parang wala lang. Sumagot ako, “Oo pala, Quezon City Day. Wala akong pasok sa work. Rest ko ngayon. Pero oo, holiday sila ngayon.”

“Saan ka pa nanggaling?” tanong niya.

“Sa Manila? Makati. Pero sa Quezon City ako nagwowork.” (Halata bang inistress ko na mas matanda ako sa kanya. Feeling ko kasi kala niya estudyante din ako. Hehe.)

“Pasaan ka?”

“Pa-Naguilian ako.”

“Ah talaga, Pa- ________ (insert name ng lugar sa Bauang na madadaanan ko papunta sa amin, hindi ko kasi narinig.” Sabay ngiti niya.

“Ah..” sabay ngiti na din ako.

“Dito na ako.” Sabi niya habang palapit sa Police Station Parking Lot.

“Ah okay, sige dito ako sa sakayan.”

Tapos hinintay ko si mama dahil susunduin nila ako. Tapos sa gulat ko biglang may humintong sasakyan sa harapan ko. Hindi iyon ang mama at papa ko kasi tricycle lang nila ako susunduin. Bumaba ang bintana ng sasakyan, iyong katabi ko pala sa bus.

“Ate, san ka sa Naguilian?”

“Sa Dal-lipaoen lang ako.”

Nagtanong siya sa papa niya, tapos tumango.

“Lika, sabay ka na sa amin, ihahatid ka na namin.”

“Ha? Hindi, wag na, nakakahiya. Tsaka susunduin din ako.” (di nga lang kotse, hahaha)

“Hindi, idadaan ka na namin.”

“Sigurado? Sige. Pasensya na, nakakahiya naman.” Sabi ko pa habang pupumwesto na ako sa upuan ng sasakyan.

Oh, baka nagtataka kayo kung bakit ako sumakay. Eh kasi nagtext iyong mama ko, nahirapan daw sila maghanap ng tricycle, kaya baka matagalan pa sila. Eh naisip ko, sabay na lang ako sa kanila. Para di na nila ako susunduin.

Pero super antanga di ba? Noon ko lang naisip, amp, mali iyong move ko!! EH kung hindi mabait ang nasakyan ko? Adik lang talaga.

Tapos sa sasakyan, kwentuhan.

San nagwowork?

Sa _____.

Wow, cool! Kapag nadisgrasya ako, doon ako.

Wag naman sana.

Anong name mo ate?

____.

Pero siya di ko nalaman ang name! Hahaha, pero sa pag-uusap nila ng papa niya, parang Lenard ata ang name niya.

Tapos, kwentuhan lang sila. Sabay napadaan kami sa isang bahay.

“Dito kami nakatira ading.” Sabay turo sa gate na nadaanan namin.

“Wah, mas malayo pa pala ako sa inyo. Naku sorry po.”

“Okay lang.”

Nilalamon na ako ng hiya at katangahan ko noong time na iyon. Sakto din na nagkasalisi kami ng mama ko. Saktong pagkasakay ko sa sasakyan, eh umalis na rin pala. Pinabalik ko na lang.

“Saan kayo banda, ading?” sabi ng papa niya.

“sige sir, dito na lang sa Waiting Shed. Susunduin din po kasi ako kaya lang kasi nahuli sila.”

Tapos nagpasalamat ako ng sobra sobra, at inantay sina mama sa shed.

Number? Walang kuhanang nangyari. Hello? Andun kaya iyong papa niya. Hahaha!

Tsaka amp! Mas bata sa akin. Hahaha.

Sayang.

Pero natuwa ako. Hahaha. May nag-offer saking maghatid. Nakakatuwa.

Tas narealize ko, naku, dahil doon, madali akong mapahamak. Ahaha. Amp!

Thanks Lenard! =] Hehe

35, 36 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon