"Goodmorning! Have you already eaten?" Bati ko sakanya. "Morning," he shortly greeted me back before hoping on his bike.
"Yuan saglit lang!" As always. Laging akala mo nakikipag unahan e. Nung nagkasabay na kami, kinakausap ko s'ya pero hindi manlang makasagot! Kung nasagot naman hindi maayos. Damn you.
Nung makarating kami sa may gate ng university nakita ko si Sydney na kasabay si Riguel. Sinenyasan ko si yuan na tumigil saglit, tumigil naman siya at humalukipkip nalang na umiiling. Ano bang magagawa n'ya e friends din naman n'ya 'yon!
"Kiara, here!" Pakaway-kaway na sigaw ni Sydney. Si Riguel naman ay nakangiti lang, he look good with his uniform huh and also wait? May dimple pala s'ya?
Nauna na si yuan sa parking rack ng university nung nagkasabay na kaming tatlo nila Sydney. "Asan si elay?" She just shrugged and smirked. "Na late siguro ng gising, ay bes ah nakiki-elay kana!" Sabi n'ya habang humalakhak sila ni riguel.
Nung nasa pa parking rack na kami, naabutan parin namin si yuan. Nagbababa ako ng gamit kaya napansin ko yung ginawa kong sandwich kanina. I handed it to yuan.
"Yuan! Here. I prepared this for you," inabot ko sakanya yung sandwich na ginawa ko. "No, thanks. I already ate," sabi n'ya na umiiling-iling pa.
I just pouted when Sydney caressed my back. Masarap naman 'to ah! Pero sabagay, kumain na s'ya eh. Ano pabang magagawa ko.
"Akin nalang," tumaas ang kilay ko nang sabihin 'yon ni Riguel habang nakangiti s'ya, aakto na sana s'yang kukunin n'ya nang kunin ito bigla ni yuan.
"..But i can still eat this. Thanks," dagdag ni yuan bago mawala ang sa paningin naming tatlo. Sydney just shrugged and just signed us to go.
Pagkapasok namin sa room nag kuwentuhan pa kami ni Sydney dahil maaga pa naman, dumating narin si Elijah sa nakasalamin na naglalakad. Napairap nalang si Sydney sa pagdating ni elay. Anong meron? chur.
Ang ingay na kahit umaga palang, yung iba nagwawalis, yung iba naghahabulan, may nag rereview ah basta parang mga typical classrooms lang.
"Goodmorning class," bumati kaming lahat sa adviser namin at nagseryoso nang manahimik na ang lahat. "I'll just discuss few announcements," sabi nito habang nakangiti na may inaayos na papel..
"Ahm ah btw excuse me, can someone someone hand this to the office?" Tingin n'ya sa paligid na walang nag abalang sumagot. "Okay ikaw nalang Mr. Sanchez, since kilala ka na naman doon," tumayo nalang s'ya at tumango. hindi narin nakatanggi si yuan dahil narin sa adviser namin s'ya.
"Bes, may extra ballpen ka?" Sabi ni Sydney habang kinakalabit ako. "Ah, oo wait," Sagot ko at kinuha ang extra ballpen ko sa bag.
"Oh," inabot ko sakanya 'yon at nagpasalamat s'ya. "Thanks bes, balik ko mamaya," tumango nalang ako at itinuloy n'ya ang pagsusulat.
Nakinig nalang ako sa announcement ni ma'am dahil mukha namang importante. ".. Let's nominate a new class monitor since i'll be busy for my office works," doon umugong ang usapan sa buong klase na iboboto daw yung angel.
Lumingon-lingon ako at napagtanto kung sino ang sinasabi nilang angel. Naka bun ang buhok n'ya na medyo morena, mas matangkad din s'ya sakin ng onti lang naman at naririnig ko din na napaka active n'ya sa academics at favourite ng mga teachers.
Nagtama ang tingin namin, nginitian ko s'ya pero wala manlang emosyon akong nakita mula sa mukha n'ya.
"Bes! Omg i nonominate kita!" Sigaw sakin ni Sydney habang niyuyugyog ang braso ko. "Oo nga kiara try mo," dagdag pa ni Elijah. Tumingin naman sila kay Riguel at natawa. "I'll support you, kiara," riguel said while shrugging.
YOU ARE READING
When The Tables Turn
RomanceThe girl that used to be ignored by Yuan Sanchez, She's his childhood friend and almost became block mate's. He found out late that he already liked kiara. His father taught yuan that he must continue his work so because of that he chose whether it...
