“no! Doon ka sa room ko!”sabi ko naman

“ano gagawin ko dun?” tanong niya

“secret! May gagawin lang tayo!”sabi ko “sige pasok nah!” tinulak tulak ko siya ng mahina

“wait? Ano ba gagawin natin dun?” tanong niya

“something sweet!”^_^ smile at her “yung mga ginagawa ng mag asawa” sabi ko

Ang sama lang ng tingin eh noh? Ano kaya iniisip nito?

“may binabalak ka bang masama?” tanong niya sabay takpan ang katawan ng kamay niya

“hahahaha!”tawa lang ako ng tawa “ano ba iniisip mo? Tara na dun!” sabi ko

“ayoko! Promise? Wala kang gagawing masama?” tanong niya

“wala nga! Promise! Unless pag gusto mo!??” pang asar ko

“ahy! Ewan! Tara na nga dun sa kwarto mo! Di pa ako nakakapasok dun eh!” sabi niya

Hinila niya ako papasok sa kwarto ko

Para naman siyang na mangha binitawan niya ang kamay ko nag libot libot siya sa kwarto ko dumeretso lang ako sa kama

“halika nga dito! Nakahilo ka eh! Ikot ng ikot! Pinapakialaman ang gamit ko! Halika na! At simulan natin!” sabi ko

Laking gulat niya nung nag salita ako pero mas nagulat siya sa sinabi ko

“diba you promise me na wala kang gagawing masama?” tanong niya

“wala nga halika nga!” nilapitan ko siya at hinila papuntang kama ko

“ui! Wag!”sabi niya “Adriane naman eh! Ang bata pa natin para jan!” dagdag nito

“mag uusap lang tayo! Wala tayong gagawin na milagro! Ang dumi ng isip nito!” sabi ko sa kanya

Napayuko siya sa sinabi ko

“sorry”sabi niya na naka yuko

“unless pag gusto mo” hinawakan ko ang chin niya para iangat ang mukha niya then I kiss her passionately she respond on my kiss

We are now kissing passionately

=Shaniah’s POV=

Amputik! na Adriane toh! sabi walang gagawing masama!

He kiss my neck

“Adriane!” sabi ko ng mahina

“sorry” sabi niya then he stop “di ko mapigilan eh”sabi niya

“sige lalabas na lang ako” tumayo na ako lalakad na sana pero hinila niya ako

“last na pwede?” tanong niya

Di na ako sumagot ako na mismo ang nag kiss sa kanya

Nagulat naman siya dun sa ginawa ko

 I stop then niyakap niya ako

“I really love you Kate” bulong niya sa tenga ko “my feelings to you hindi nagbago since nung bata pa tayo”

O_O hanu raw? Magkakilala ba kami nung bata pa kami? Di ko ata alam yun ah pero wtf? Is I really love you Kate?

Ano ba dapat ang sagot ko dun? I Love you too? Eh? Do I love Adriane? All I know is di ko kaya pag wala siya di ko kayang mabuhay? Yung parehong feeling  ko kay Mark ganun?

Ekk? Bakit ko pinoproblema yun? Di naman tanong ang I LOVE YOU ah? Para kailangan nang sagot diba?diba readers?

“alam ko naguguluhan ka samin dalawa ni Mark! Pwede bang ako nalang? Ay hindi pwede ring kaming dalawa na lang? pareho lang naman kami eh” sabi niya

Huh? Anong pareho?

“huh?” yun lang ang nasabi ko

“soon you will know mas mabuti pang ikaw ang makaka alam kesa sasabihin ko ngayon baka di mo ako paniwalaan” sabi niya “tara tulog na tayo” pagyayaya niya

“huh? Oh sige lalabas na ako para maka tulog ka” sabi ko “good night”  tumayo ako

“no! You’ll sleep here!” sabi niya hinawakan niya ang hand ko

“ekk? May kwarto naman ako ahh?”sabi ko sa kanya

“oo nga kala ko ba takot ka sa dilim?” tanong niya “lalakad ka jan sa hall way madilim? Wala pa namang emergency lights jan.. sige ikaw rin tulog na ako ha? Bye good luck nalang kung makakarating kapa sa room mo” sabi niya na may halong pananakot binitawan niya ako at nahiga na

Bakit parang tumayo ang balahibo ko?

Humarap siya sakin na nakangisi

“what?” tanong ko

“di ka pa lalabas? Tatayo ka lang ba jan? Yun yung door oh!” pang asar niya “oh ba’t ganyan ang face mo di maipinta?” tanong niya

Nag tanong kapa! Tinatakot mo ako eh!

“aixt! Naman oh! Dun ka sa sofa mo! Dito ako sa kama!” pagka sabi ko nun lumapad bigla ang ngiti

“pakipot pa eh! Dito rin pala matutulog”tumayo siya

Good boy! Humiga  na ako pagka alis niya

Hay! Inaantok na talaga ako!

Pikit mata..

Ang sarap naman sa kama ni Adriane ang bango lang!

O///O naman eh!

“ADRRRIAAANE!” sigaw ko bigla

“tabi tayo!” paglalambing  niya

Tumabi ba naman sakin at niyakap ako bigla mula sa likod

“KUNG GUSTO MONG TUMABI EDI MAHIGA KA LANG JAN! WAG YUNG NANGGUGULAT KA!” sermon ko “IDAAN MO SA MABUTING PARAAN!” dagdag ko pa

“pero payag ka tabi tayo?” tanong niya

“oo naman!” biglaan kong sagot napahawak ako sa bibig ko

“hahaha” mahina niyang tawa “sabi ko na nga ba gusto mo rin ako” sabi niya

Anong gusto? Ang sinasabi nito?

“anong gusto kita?” tanong ko

“gusto mo rin akong makatabing matulog” sabi nito

>///<

“pwede ba matulog ka nalang! Ingay mo eh!” yan lang nasabi ko

After how many minutes...

AAAAAAAAAAARRRRGGGG! I can’t sleep!

“pwede kang humarap dito sakin kung di kamakatulog nang maayos” O_O uy? Gising pa siya?

Humarap naman ako... at pag harap ko >///<

Parang 2 inches lang ang pagitan namin... nakatingin lang kami sa isa’t isa ngumiti siya

“pwede penge ng goodnight kiss?”tanong niya

“adik nito! Matulog ka na nga!”sabi ko naman pakipot effect pa eh noh?

Tingnan mo tong adik na toh! Hinalikan talaga ako pero smack lng

“goodnight”sabi niya na naka ngiti then niyakap niya ako

Aixt! I feel comfortable! Pwede ba ganito nalang parati author?

(Kim: di pwede! Eh! Sorry ha?)

Naman eh!

I'm His WifeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!