Lost 8

7 1 0

A/N

I woke up this morning and I saw someone voted for my baby! yey! thank you po. napakaimportante ng araw na to at dinagdagan niyo pa po ang reason ko para sumaya. :) 2/17/15

------

"Sasama?" Hindi na ako makapagfocus sa larong dapat ay aaralin ko. Wala na ding ingay na nagmumula sa barkada. Parang may kung sinong nagremote control samin at pinindot ang mute button.

"Yeah," Nakangiting sabi niya.

"Pano yung honeymoon niyo?" I asked stupidly.

"We could postponed it right honey?" Tumigin siya kay Sean, kaya bumaling din ang tingin ko sa kanya.  Hindi lang pala ako kahit ang barkada sa kanya tumingin.

"Everything you say hon." Napanganga ako sa sagot niya. I'm still hoping he will say no of course it's their honeymoon. Why will they postponed something so special. 

After ng sagot ni Sean, lahat naman sila tumingin sakin. Why did it become my burden all of a sudden. Alam ko ang gustong isagot ng barkada namin. Alam na alam ko. pero alam din kaya nilang hindi ko kayang gawin yun?

"S-sure ate." Sabi ko na lang. binaling ko sa ibang bagay ang tingin ko. Nakarinig na lang ako ng yabag at ang pagbukas at pagsara ng pinto. 

"Let's book a flight!" enthusiastic na sabi ni ate, napatingin ako sa kanya. tumatalon pa siyang lumabas ng kwarto. Nagulat ako ng tumayo si Jake mula sa pagkakaupo at kinwelyuhan si Sean.

"You should've said no Sean!" Galit na sabi niya. Lumapit ako sa kanila, naramdaman kong may humawak sa braso ko pero hindi ko na lang yun pinansin.

"Stop it Jake," Sabi ko ng nakalapit na ako. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa kwelyo ni Sean. "It's okay," Bulong ko sa kanya. Tiningnan ako ni Jake sa mata, nakita ko ang mata niya na mula sa pagiging galit at madilim ay naging calm. Lumuwag na din ang hawak niya sa kwelyo. Ngunit hindi pa din siya umaalis. "Ang asshole mo talaga kahit kelan Sean," Dagdag ni Jake. "You can't have them both asshole, You chose her, stick with her!" 

"Jake tama na." Sabi ko sa kanya, kahit nalito ako sa sinabi niya pero hindi din naman yun nagtagal sa isipan ko. Why should I think about what Jake said? Ayaw kong umasa. Hinawakan ko ang pisngi ni Jake at pinatingin sa mga mata ko. "Tama na Jake, please?" Napapagod na sabi ko sa kanya habang bahagya siyang inilalayo kay Sean. Tiningnan niya ako ng masama. Alam kong naiinis siya saakin.

"Hayaan mo na Jake, gusto ko din namang makasama si Ate." Sabi ko sa kanya. Pinaupo siya sa upuan malapit katabi ni Jason.

Ayaw kong magkagulo lalo na at kababalik ko pa lang. Wala pa nga akong isang araw, nagaaway na ang barkada. pano pa kaya kapag nagtagal ako ng higit pa sa dalawang linggo. Baka nagpatayan na ang mga ito.

I know for a fact that Jake cares for me. Barkada nga kami diba. Hindi man kami magkapatid sa dugo. Magkapatid naman kaming lahat sa puso, magkadugtong ang bituka. Lahat sila nagkecare saakin. 

Halos lahat kami ay hindi nagsasalita. Siguro nagpapakiramdaman. Bigla na lang akong tumawa. Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng panahon ngayon ko pa piniling tumawa. Lahat sila tumingin sakin. Lahat sila nakatingin ng masama.

"Oh God! I miss us!" Natatawa pa ding sabi ko pero pinahid ko ang luha sa gilid ng mga mata ko. Lumapit sila Annie at Beth sakin para yakapin ako ng mahigpit. I know I'm insane but God knows how I misses this! Yung pagmamahal namin sa barkada. yung bonding yung moments, even the arguments like this namimiss ko. Nagtatawanan pa kaming tatlo while yung tatlong lalaki tahimik pa din.

"Game!" Nakarinig na lang kami ng nagsalita pagkatapos bumukas ang pinto. Naibsan na din naman yung tensyon pero hindi nawala. Ewan ko kung ayaw lang ipahalata ni ate na may nararamdaman siyang ganun o talagang wala syang nararamdaman.

I Am LostBasahin ang storyang ito ng LIBRE!