The Lucky One

15 0 0

The Lucky One by Cheora =)

Bestfriend - Ito yung taong alam mong hinding-hindi ka iiwan. Sa kahirapan man o kagipitan. Laging nandiyan para pasayahin ka at tulungan sa pagsulba ng iyong mga problema. Laging nakaalalay at nakasuporta para sayo sa bawat panahon. Yung taong handa kang murahin at pagsalitaan ng nararapat sabay sampal at sapak para lang magising sa katotohanan.

Ako si Catherine Turga, isang simpleng highschool student sa San Jose National High School.

At mayroon akong isang Bestfriend, isang lalaki. Guwapo siya pero simple, maka-Diyos at medyo mahiyain.

Kami na ang laging magkasama simula pagkabata hanggang ngayong binata't dalaga na kami. Lagi rin kaming napagkakamalan at napagtitripan ng mga kaklase namin kesyo lagi nalang daw kaming magkasama mula pagpasok hanggang paguwi. Well, iisa lang rin naman ang sagot namin, "We're just Bestfriends."

Oo, inaamin ko.. may mga times na nagseselos ako sa tuwing may mga kasama siyang ibang babae at kinakausap pa niya ito ng nakangiti.

May isang beses nga, napaaway ako ng di oras dahil sa binasted siya ng nililigawan niya. Todo effort pa siya nun at todo plano. Kawawa nga siya nun eh!

Breaktime.

"Cathy!" tawag niya at kumaway pa sabay upo sa may tabi ko, "Malapit na birthday natin ah."

"And so?" pagsusungit ko, "Tsaka hindi NATIN birthday yun, birthday KO lang yun!"

"Eto naman! May plano pa man din ako sa sabado.." sabi niya at humarap sa kabila.

Plano?

"Anong plano?" Oo nga pala, sa sabado na!

"Secret~" aba't dumila pa!

Hinampas ko nga.

"Aysus, tigilan mo nga ako. Alam kong may lakad ka sa sabado." sabi ko.

"Uy wala ah! Sino may sabi?" pagkakaila niya.

"Ikaw." sagot ko.

"Woah! Ako? Kelan? Paano?" tinuro turo pa niya sarili niya.

-________________________________-

"Ewan ko sayo!" sabi ko sabay tayo at lakad palayo. Hinabol naman niya ko nun.

Uwian.

Hindi ko pa rin siya pinapansin nun hanggang sa sundutin niya ng daliri ang tagiliran ko. Napatalon ako bigla. Malakas kaya kiliti ko roon!

"Ano ba!" >__________<

"Bwahahaha!" tawa pa siya ng tawa. "You should look your face, ang epic grabe!" XD

Ano daw?

"Epic mo mukha mo!" nagwalk out na ko.

"Hala siya oh," hinabol niya ulit ako. But this time, hinarap na niya ako sa kanya, "Joke lang yun, okay? Gusto lang sana kitang patawanin. Sorry na."

Hmmp!

"Oo na." sabi ko.

"Weh? Talaga?" - siya.

"Oo nga." - Ako

"Thanks." tapos bigla niya kong niyakap, "Don't worry, sa sabado.."

"Sisiguraduhin kong magiging memorable ang birthday mo."

------------

Saturday, May 8. At Church.

Matagal akong naghintay doon sa labas ng simbahan. Matagal kasi maaga akong dumating kesa sa oras na napagusapan namin. Birthday ko! Kaya excited akong pumunta dito.

The Lucky One by Cheora =)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!