• • • • • •

Makalipas ang anim na buwan. Ang alien na nakita ni Bagwis noon ay kasa-kasama na nila ngayon. Madalas itong nakikipaglaro kay Mayumi at hindi nila hinahayaan na lumabas ito at makita ng ibang tao.

"Bugsiw naasan is Mayome?" tanong ng alien na robot kay Bagwis.

"Wala rito. Pumasok sa school. Siguro mga 3p.m pa siya makakauwi." Sagot nito.

"Naas ab is Mayome?" tanong nito ulit.

"Ikaw nga Qwimi! Mauubos ang tinta ng ballpen ko sa'yo. Ang tagal mo na samin. Hindi ka pa rin namin maintindihan. Kailangan pa naming isulat ang sinasabi mo!" Pagrereklamo ni Bagwis. "Saka hindi Bugsiw ang pangalan ko, Bagwis. Bag-wis!" Dagdag nito.

Tumango tango naman si Qwimi.

"Mabuti naman at naintindihan mo ang mga sinabi ko." Nakangiting sabi ni Bagwis.

"Naasan is Mayome?"

"WAAAA!! MABABALIW AKO SA'YO!!"

Nagwalk-out si Bagwis at umuwi ito sa kanilang bahay. Iniwan niyang mag-isa si Qwimi sa repair shop.

"Yah.. ona oyak ibanis in Bugsiw. Ohabartgapakam an agn gnal." Nalilitong sabi ni Qwimi sa sarili. "Oo agn alap. Saladam oka arisakam gn timag as gniwut gnolutumut oka as alinak." Dagdag niya.

Dahil sa pagkabagot umupo si Qwimi at dinantayan ang t.v na ginagawa ni Bagwis.

"QWIMI!!!"

Napatayo mula sa pagkakaupo si Qwimi dahil sa gulat sa sigaw na narinig.

"Bugsiw??" nagtatakang tanong nito.

"ANONG GINAWA MO!! LALO MO LANG SINIRA ANG T.V!!" Sigaw ni Bagwis mula sa harap ng kanilang bahay.

"Tokatakakan ak Bugsiw.." mahinang sagot ni Qwimi.

Galit ang mababanaag sa mukha ni Bagwis ng sandaling 'yon. Bilang at mabigat ang bawat hakbang niya habang palapit sa repair shop.

"SIMULA NG DUMATING KA SA BUHAY AT BAHAY NAMIN PURO DISGRAS'YA LANG ANG NAIDULOT MO! NAGSASAWA NA AKO!!"

"Bugsiw.."

"SINABI KO NG HINDI BUGSIW ANG PANGALAN KO! BAGWIS! AAAHHH! NAKAKAINIS KANG ALIEN KA! LUMAYAS KA NA! UMALIS KA NA SA BAHAY NAMIN!!"

Sermon at panunumbat ang mga salitang lumalabas mula sa bibig ni Bagwis. Gigil na gigil ito dahil sa pagiging clumsy ng alien na robot.

"Tokatatan oka oyas Bugsiw. Tokatakakan ak. A-arap gnak Lordien."

Nakita ni Bagwis ang takot sa mukha ng alien. Subalit buo na ang desisyon niya. Ayaw na niyang makita pa ito.

"ANO PANG HINIHINTAY MO! LUMAYAS KA NA!!"

Hindi man sila magkaintindihang dalawa, nauunawaan naman nila ang sinasabi ng kanilang mga damdamin. Dahil na rin sa senyas ng kamay ni Bagwis kaya naunawaan ng alien ang gusto nitong iparamdam sa kanya.

Naglalakad palayo ng nakaharap sa kanya ang alien, kalungkutan ang mababanaag sa mukha ni Qwimi dahil sa naging desisyon ni Bagwis. Hindi man lang ito nabahala sa mangyayari sa alien, kung sakaling makita ito ng mga tao.

Isang text message ang natanggap ni Bagwis habang pinagmamasdan ang alien na palayo. Nabahala siya ng mabasa ang mensahe ng taong nagpadala sa kanya.

"QWIMI!!" Sigaw niya. Subalit hindi na niya matanaw ang alien. Nakalabas na ito ng bakuran ng kanilang bahay.

Gustuhin man niyang habulin ang alien, masusunog naman ang kanilang repair shop, kasama ang ala-ala ng kanyang ama dahil maaring umapoy ang t.v, ilang sandali na lang. Kaya bago pa man ito tuluyang masira at masunog, gumamit na si Bagwis ng Fire extinguisher para apulahin ang usok na magiging apoy kalaunan.

'Hindi ko isasakripisyo ang kabuhayan at ala-ala ng aking ama nang dahil lang sa alien na hindi marunong mag-ingat!' Usal ni Bagwis sa kanyang isipan.

"KUYA!!!" Sigaw ni Mayumi mula sa kalsada. Kumakaway-kaway pa ito.

Nabahala si Bagwis ng maagang pagdating ng kapatid. Masaya at nakangiti pa naman ito ng sumigaw. Paano niya kaya ipapaliwanag kay Mayumi na pinalayas niya ang kaibigan at kalaro nitong alien. Siguradong malulungkot ang kapatid niya at magagalit sa ginawa niya.

"Kamusta ang school?" tanong ni Bagwis sa kapatid.

Inilapag muna ni Mayumi ang bag niya sa bangkong mahaba sa repair shop at hindi nito sinagot ang kanyang kuya. Pumasok ito sa loob at hinanap si Qwimi. Subalit hindi niya ito makita. Kaya tinanong nito ang kuya Bagwis niya.

"Kuya.. nasaan po si Qwimi?" tanong ni Mayumi.

"Kumain ka na muna. Tara, sabay na tayo Mayumi. Hindi pa rin ako kumakain eh." Seryosong sagot ni Bagwis at inakbayan ang kapatid. Kinuha na rin nito ang bag at nagsimula ng maglakad papunta sa kanilang bahay.

"Kuya.. may problema po ba? Bakit hindi mo po sinasagot ang tanong ko?" seryosong tanong ni Mayumi sa kapatid.

Natigil ito sa paglalakad ng magtanong muli ang kanyang kapatid at napansin niyang hindi nakasunod si Mayumi. Kaya bumalik siya sa kinatatayuan ng kapatid. Paluhod itong umupo at hinawakan ang dalawang kamay ng kapatid.

"Mayumi may sasabihin ako. Huwag ka sanang magagalit." Pambungad na sabi ni Bagwis.

Batid niya na magagalit sa kanya si Mayumi dahil sa ginawa niya. 

Nasimula ng tumulo ang luha ng kapatid niya. "Kuya.. 'wag mo pong sabihin na--" pambibitin na salita ni Mayumi.

"Patawarin mo ako Mayumi. Nabigla ako sa mga nasabi ko sa kanya. Nasira niya kasi ang t.v na ginagawa ko. Muntik pang magkasunog dito sa repai--"

Natigil sa pagsasalita si Bagwis ng tanggalin ng kapatid niya ang kamay niya sa braso nito. "I hate you kuya! Hindi ko alam na mas importante pa pala sa'yo ang mga sirang gamit na 'yan kaysa sa akin! I hate you! I hate you! Hindi na ako pupunta dito sa repair shop!"

"Hindi sa ganun Mayumi. Hindi mo naiintindihan."

"Kuya.. ako po ang hindi mo naiintindihan. Hindi mo ba napansin, simula ng dumating si Qwimi sa buhay natin. Nagseryoso ako sa pag-aaral--" pambibitin nito at may kinuha siya sa bag niya. "Nakikita mo po ba ito kuya? Dahil sa kanya nagkaroon ako ng medalya! Ibibigay ko sana ito kay Qwimi. Dahil siya ang naging inspirasyon ko. Masaya ako kapag kasama siya!"

Hindi makapaniwala si Bagwis sa mga sinasabi ng kanyang kapatid. Talagang nagmatured na ito. Hindi na gaya ng dati na tulo-uhog pa ang kapatid. Nagiging seryoso na ito sa mga bagay-bagay.

"Hahanapin ko siya Mayumi. Huwag ka lang magalit sa kuya." Nakangiti ngunit may luha sa mata si Bagwis ng sabihin 'yon sa kapatid.

Nagpunas ng luha si Mayumi bago sumagot sa sinabi ng kanyang kuya Bagwis, "Talaga po kuya? Hahanapin mo po siya?" tanong nito.

"Oo hahanapin ko siya. Ibabalik natin siya dito sa bahay. Huwag ka lang umiyak."

Nagyakapan ang magkapatid at nagkapatawaran. Mabilis na nawala ang galit na nararamdaman ni Mayumi sa kanyang kuya Bagwis.

'Kahit ayoko ng makita pa ang alien, hahanapin ko ito para sa ikasasaya ng kapatid ko.' usal nito sa kanyang isipan habang nakayakap sa kapatid.

Kumalas na si Mayumi sa pagkakayakap sa kapatid, "Kuya.. bakit nandito ka pa? Akala ko po ba hahanapin mo si Qwimi?" sarkastikong tanong nito sa kapatid.

Natawa naman si Bagwis dahil sa sinabi ng kapatid. "Agad-agad? Hindi ba pwedeng kumain muna tayo Mayumi?" natatawang sagot nito sa kapatid.

"Mamaya na tayo kumain kuya. Hanapin mo na po muna si Qwimi. Hindi ako aalis dito sa upuan hangga't hindi mo nakikita si Qwimi." Nakabusangot na sabi ni Mayumi.

"Paano kung gabi na wala pa rin ako? Hindi ka pa rin aalis diyan?"

"Hindi!" Mabilis na tugon ng kapatid.

Bumuntong hininga muna si Bagwis bago tumayo. Hindi na siya nagsalita pa dahil hindi na nakatingin sa kanya si Mayumi. Ayaw siya nitong tignan kahit nagpapapansin na siya. Kaya naglakad na ito palabas ng repair shop at sinimulan hanapin ang alien na kaibigan ni Mayumi.

                                                        • • • • • •

QWIMI (ɘƚɘlqmoƆ) - Revising/EditingBasahin ang storyang ito ng LIBRE!