Grace's POV

"Jacob.." sabi ko at biglang siyang napatingin sakin at ngumiti. Yung ngiting baliw =______=

  Pangiti-ngiti pa 'tong bading na 'to. Eh alam niya naman na kagaguhan yung ginagawa niya.

"Anong kagaguhan yan ha?" bulong ko at sinenyasan niya ako na manahimik.

Kasi yung shoelace ni Margaux, Trevor at Jr pinagbuhol-buhol niya =______=

  Pagkatapos ng game sa Marigold Basketball Court pumunta kami sa isang Outdoor Eatery na malapit lang.

Eh sa sobrang tagal ni Jacob kumain dahil marami siyang inorder, ayun nakatulog yung tatlo tapos biglang nakaisip ng kagaguhan si Jacob. Nga pala, nanalo kami kanina! ^___________^

"MWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! TADA! THE EVIL GENIUS OF ALL TIME! JACOB RALE!!" sabi ni Jacob sabay tayo sa upan at napa-hilamos kaming tatlo ng mukha.

Gago na nga, Bading pa, tapos ngayon magpapa-muntanga pa!? Ibang klase na talaga si Jacob. IDOL!

"Ui Jacob! Ang ingay mo! Bumaba ka nga diyan! Mukha kang abnoy! Dali! Baba!" sabi ko habang hinahampas yung right leg ni Jacob

"Hoy pandak! Wag mo nga ako mahawak-hawakan! Ayoko mahawa sa kapandakan mo!" sabi ni Jacob sabay tabig sa kamay ko at baba sa upuan. Napatingin naman ako kay Vance at Bryan na tumatawa..

=_______= Pandak. PANDAK!?

"Okay lang. Tanggap ko naman na pandak ako eh. Eh ikaw? Ayaw mo lang naman mahawaan sa kapandakan ko kasi pandak ka na! Mwahahahahaha!" sabi ko

"Gago ka talagang babae ka. Wala ng sinabing matino.." sabi ni Jacob

"Heh. Pareho lang tayo noh! Kaya wag mo ako sabihan ng ganyan. Sabihan mo rin yan sa sarili mo." sabi ko at inirapan niya lang ako

"Heh. Alis na nga tayo! Iwanan na natin yang tatlo na yan. Marunong naman silang umuwi." sabi ni Jacob

"Sino nag-sabing tulog parin kami?" tanong ni Trevor at napalingon naman ako at nakita namin silang tatlo na gising. Si JR kinukusot yung mata tapos si Margaux naman nags-stretch.

"Game! Alis na tayo!" sabi ni Margaux sabay tayo at kuha nung bag niya. Ganun rin yung ginawa nung dalawa.

Pero nakaka-limang hakbang palang ata sila at...

*BOOOOOOGGGGSSHHH*

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tawa namin

"Oww! Aray! Shit!" sabi ni Trevor

"Puta! Terence ang bigat mo! Tumayo ka nga!" sigaw ni JR

"PUTANGINA! MGA UNGAS! PAREHO KAYONG MABIGAT KAYA MAGSITAYUAN KAYONG DALAWA!!" sigaw ni Margaux at lalo lang kaming napatawa

"Fuck! Yung shoelaces natin!" sabi ni Trevor na nagpa-panic habang tinatangal yung buhol

"Puta! Sino may gawa nito?" tanong ni JR na tinutulongan si Trevor at lahat kami nagsi-turuan kay Jacob

"Ayos ah! Ba't niyo ko nilalaglag? Gusto niyo masuntok?" tanong ni Jacob

"HOY JACOB! PAKSHET KA! PAG NAAYOS KO 'TONG GINAWA MO PAPATAYIN KITA!!" sigaw ni Margaux

"Pag naayos mo. Hoy Vance, Grace, Bryan! Tara na! Iwanan na natin sila." sabi ni Jacob sabay tawa. Sumunod na yung dalawa pero naiwan ako kasi tinutulongan ko tangalin yung buhol sa shoelaces nung tatlo.

O_________________O Biglang may humablot sa likod ng t-shirt ko at binuhat ako. Sako style.

"Sinabi ko bang tulungan mo sila? Hindi diba? Sabi ko tara na! Gusto mo i-english ko pa? Let's go. Aalis na tayo!" sabi ni Jacob at pinag-susuntok ko yung likod niya

I Fell In Love With An IdiotBasahin ang storyang ito ng LIBRE!