Bakit?

7 0 0

Kinagabihan

Narinig ko yung cellphone ko na nagriring kaya nagmadali akong umakyat para tignan kung sino ang tumatawag.

Villegas, Billy
calling...

Si Billy. Siya yung tinutukoy ni Frans na 'kaibigan ko na kilala lang ako kapag may problema siya' at oo, siya rin yung gusto ko, matagal na.

"Helloooo..."

Tamad kong bati sa kanya!

"Wyn?"

Malambing na pagtawag niya sa nickname niya sa akin. Napabuntong-hininga ako ng marinig ko iyon dahil kahit kailan talaga alam ko sa sarili ko na Hindi ko siya kayang tiisin.
"Bakit?" May problema ka na naman? Gusto ko sanang idugtong pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Nagkabalikan na kami." sabi niya.

Pero ang mas nakakagulat, ngumiti ako. Isang totoong ngiti. Hindi ko inasahang magiging ganoon ang reaksyon ko, dahil sa tagal naming nag-uusap tungkol sa lovelife niyang sobrang gulo ay puro sarcasm lang ang tugon ko.

Sign na nga ito na unti-unti na siyang nawawala sa puso ko, ngunit kasabay nun ay may unti-unti namang pumapasok.

--------------------------------------------

Kinabukasan

Pagtapak ko sa loob ng aming silid-aralan. Nadinig ko agad ang boses ni Francine Agatha Sandoval na tinatawag ako sa buo kong pangalan.
"Mira Gwyneth Talplacido. May sasabihin ako sayo!!!! Dali!!!"
"Ano ba 'yon?"
"Doon tayo sa labas bilisan mo!!!"

Sumunod na ako sa kanya palabas.
"Hoy Pransya! Ano ba iyon? Bakit hindi ka mapakali dyan?" tanong ko dahil naiirita na ako sa kanyang pagka-taranta.
"Mirs, Nililigawan niya akoooo" sabi niya.
"Huh? Sino?" bigla akong kinabahan sa magiging sagot niya sa aking katanungan. Sinasabi ko sa sarili ko na sana ay huwag siya. Huwag si
"Si Whayne!!! OMG."

Siya yon, siya yung lalaki sa panaginip ko.
"Ha? Eh ano yun? I mean, ano plano mo? Gusto mo ba siya?"

"Hmmm. Oo, matagal na. Hindi ko lang sinasabi sayo kasi nahihiya ako. At saka pumayag narin akong manligaw siya"
"Haba talaga ng hair" ang tangi ko nalang nasabi.

Sa mga araw na nagdaan, nasanay na ako na sweet sila sa isa't-isa. Nasanay na rin akong masaktan ng patago.

At sa mga araw na iyon doon ko narealize kung

Bakit SIYA pa.

Bakit IKAW pa.

At kun bakit yung KAIBIGAN ko pa.

Dahil siguro may isang taong nakalaan sa akin, na hanggang ngayon ay naglalaro parin kami ng hide and seek.

--------------------------------------------

Hiiiiiii. :)

Sorry ang panget. Hahahaha.Nabored lang po kasi ako kaya nagawa ko 'to.

Bakit? (oneshot)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!