For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Everything will unfold before your very eyes… Soon…

“This was your father’s room before he passed away.” my grandfather said as soon as he opened the door to my father’s room, at dahan-dahan akong tumango habang humihikbi pa rin. Nilibot ko ang paningin ko sa bawat parte ng kwarto ng aking ama at napansin ang kasimplehan nito. Halos katulad rin ito ng iba pang mga kwarto sa bahay ni Lolo, at ang mga kasangkapan lang ang pinagka-iba. Sa kabilang dulo ng silid ay isang malaking sliding na bintana, at sa baba nito ay mayroong lamesang may nakapatong na laptop, at isang picture frame. Nilapitan ko iyon habang may kinukuha si Lolo sa walk-in closet ng aking ama, at muling umagos ang aking mga luha sa larawang nasa picture frame. Larawan ito ni Mom na nakasuot ng highschool uniform. Sa tabi niya ay isang makisig at gwapong lalaking naka eye glasses, at nakasuot naman ng puting button down shirt at black denim. Hindi ko na kailangang hulaan pa kung sino ang lalaking kasama ni mom sa larawan dahil sa malaking pagkakawangis ng mukha ko sa lalaking ito— alam kong siyang ang tatay ko. Magkayakap sila ni mom sa larawan at bakas sa kanilang mga mukha ang kaligayahan. 

Sa bandang kanan ng picture frame ay may naka-clip na isang itim na ultrasound film, at kung hindi ako nagkakamali ay ultrasound ito noong pinagbubuntis ako ni mommy. Napatakip ako sa aking bibig at pilit pinipigilan ang paghagulgol. Lumapit sa akin si Kent para yakapin ako, at hindi ko na napigilan ang mga hikbi ko sa paglabas. Umiyak ako ng todo sa dibdib ng asawa ko, hindi mapigilan ang paglabas ng sari-saring emosyon. Buong buhay ko ay hindi ko inakala na darating ang panahong iiyak ako para sa amang buong-akala ko’y tuluyan kaming inabanduna, at hindi man lang naisipang kami’y balikan.

“Ilabas mo lang iyan, Labs… Iiyak mo lang iyan. Nandito lang ako para sa iyo.” Kent mumbled against the top of my head habang hinahaplos ang aking likod. 

“Kent, all my life, akala ko wala talaga siyang pakialam sa amin, sa akin! B-bakit ganoon? Bakit hindi man lang ako nabigyan ng chance na makausap man lang siya? Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni mommy ang tungkol sa kanya? Halos isumpa ko na noon ang tunay na ama ko, Kent! Ang dami kong gustong itanong sa kanya… Ang dami kong gustong sabihin… P-pero wala na siya e… Wala na… Wala na…” I wept for the father I never got and never will get the chance of meeting. Umiyak ako ng umiyak kasi hindi ko na magagawang tanungin pa ang tunay kong ama kung kahit kaunti ba ay minahal niya ako. Hindi ko na masasabi sa kanya ang lahat ng sama ng loob ko. Hindi ko na maikwekwento sa kanya ang lahat ng mga importanteng pangyayari sa buhay ko simula pagkabata. Hindi ko na masasabi sa kanya na sana ay naroon siya during the important milestones in my life, na sana ay nakarga niya man lang ako noong musmos pa lamang ako. Hindi ko na siya mayayakap man lang. 

“I’m sure Mommy Anabelle had her reasons kaya hindi niya sinabi. Let’s ask her pagbalik natin, okay? Everything happens for a reason, Love. I’m sure naman, kung nasaan man naroroon ang dad mo ngayon, I’m sure he’s watching over you from up above. Kahit na wala na siya dito, alam kong in spirit ay lagi siyang nandiyan at nakabantay sa napakaganda at napakabuti niyang anak.” Kent gently smiled at me as he cupped my face and wiped my tear-stained face with his thumb. Tumango ako at medyo nahimasmasan sa sinabi niya kahit na medyo humihikbi pa rin.

“Lee-san is right, Alodia-chan. Please, don’t blame your mom. She had her reasons and like you, she’s in pain too. If there’s someone who got hurt the most, it’s your mom. I know because up till now, she still visits the grave of your father whenever she can. Come over here… Sit down and there’s something I need to give you.” grandfather interjected as I sniffed. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. So, alam pala talaga ni mom ang nangyari sa daddy ko? Bakit niya nilihim sa akin? I thought, but then I realized that grandpa has a point. Kung may labis mang nasaktan sa pagkawala ng tunay kong ama, ay si mommy iyon.

A Flirt's Unrequited LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!