Special Chapter #4: Moving In

607 10 1

Short. Parang ako.

Special Chapter #4: Moving In

Sunday, walang pasok. Kakagaling lang namin ni Ice sa Church kasi madre na po ako. De joke lang. Pero nakasanayan na namin ni Ice na kapag walang pasok, magda-date kami. Graduating na kasi kami ng College, kaya andaming ginagawa. Halos wala na kaming time sa isa't isa isama pa na magkaiba naman kami ng course kahit na iisang school lang. Kaya ngayon, papunta na kami sa condo niya para mag-aral. Two months nalang kasi graduation na.

Binilhan siya ng mama niya ng condo unit noong gumraduate kami ng high school. Kumuha siya sa isang condominium na malapit-lapit parin sa bahay namin kaya kahit na ganoon ay hinahatid-sundo niya parin ako sa school. Oh diba? Akala niyo puro kyeme lang kami 'no? 4 years na mga bes! May forever!

"Alam mo? Ang tahimik talaga sa unit ko." sabi niya habang nagdri-drive papuntang condo niya.

"Renta kang videoke."

"Tapos parang masyado siyang malaki para sa iisang tao..."

"Okay lang 'yan, Ice. 'Di ka naman nag-iisa ro'n. May mga multo sa unit mo, 'di mo lang alam."

Bumuntong hininga siya. "Basag trip ka talaga!"

"Ganun talaga, Ice. Andali-dali naman kasi ng mga problema mo e. Okay lang 'yan!" sabi ko at tinapik pa ang balikat niya.

"Ma-iba ako," sabi niya. "Diba palaging wala mga magulang mo sa bahay niyo dahil sa kabi-kabilang business trips?"

"Oo." gusto ko tuloy maiyak. Huhu. 'Di ako loved ng mga magulang ko eh. De joke lang. Naiintindihan ko naman... De okay lang talaga.

"Tapos 'yong ate mo malapit nang ikasal?"

"Oo."

"Edi madalas kang mag-isa?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit? Isa ba 'yan sa mga 'babe punta ka rito, wala parents ko' na strategy ha. Ikaw talaga, Ice. Sebe ke nemen seye se kesel pe neten eh."

Ta's biglang naging alien.

"What? No! That's not what I meant!" defense niya. Sus. Defensive 'to.

"Okay lang 'yon, Ice. Tanggap ko naman pagiging pervert mo. Basta sa'kin lang."

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, sira!" unti-unting namula ang buong mukha niya hanggang tenga. "Ang ibig kong sabihin, hindi ka ba nalulungkot sa bahay niyo? 'Di ka ba natatakot kapag ginagabi ang ate mo?"

Napag isip-isip ko naman. Nalulungkot ba 'ko? Natatakot ba 'ko?

"Hindi naman," sagot ko. "Hindi naman ako nalulungkot kasi madalas naman kitang ka-video chat. Hindi rin ako natatakot kasi malapit ka lang naman, e."

Bigla siyang ngumiti at sumulyap pansamantala sa akin habang nagdri-drive.

"Ganon?"

Sus! Kilig naman agad.

Tumango ako. "Ang panget mo kasi."

"Way to ruin the moment, Chase."

Humagikhik ako. Yuck. Ba't ako humagikhik?

Tinanong niya pa 'ko ng kung ano-ano. Kung hindi raw ba ako nalilipasan ng gutom kapag late nagising at walang naghanda ng agahan, kung mayron daw ba akong problema sa pag gro-grocery, kung kapag daw ba hindi siya nakakasagot sa text ko ay nalulungkot daw ba ako. Andami naman niyang tanong, ano siya, periodical exam?

Nang makapunta na kami sa condo niya, tinanong niya ako ulit nang makapasok na kami sa loob ng unit.

"No, really. Hindi mo ba gustong magkaron ng ibang taong kasama sa bahay?"

"Huh? Syempre gusto ko."

"'Yong may kasama kang kumain ng breakfast at dinner?"

"Gusto."

"'Yong may makikita kang ibang mukha sa araw-araw mo?"

"Gusto."

Ngumiti si Ice at hinawakan ang dalawa kong kamay nang hinarap niya ako. "Then move in with me."

Hindi agad ako nakapagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sakan'ya.

"Move in? As in... Dito?!"

Tumawa siya. "Yes!"

Omg.

One of the BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!