Mabilis na lumipas ang mga araw at lunes na naman. At dahil lunes na, ito na ang oras! Mag eexplain lang naman kaming tatlo ng inasssignment sa amin ni Sir Harold. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubusang maisip na bakit kami ang natawag ni Sir? Pwede namang iba diba? Kainis.

"Best!? Ready ka na?"

"Yeah."

Oo ready na ko, pero syempre di pa rin mawawala yung kaba ko. Bobo nga kase ako sa math! Waahhh!!

Pumikit ako sandali..

Lord? Sana maging maayos yung gagawin namin ngayon.

Pagkamulat ko ng mata, nakita ko si Darren na papalapit na sa akin.

*dugdugdugdug*

Napatingin lang ako sa kaniya. Tapos parang may bigla akong napansin. Bakit parang ang gwapo nya ngayon? Totoo ba o joke lang?

"Hey! Are you okay?"

Okay? Ano daw? Ako ba?

"h-huh?" Sabi ko habang tulalang nakatingin sa kaniya.

"Tsskk.. nagwapuhan ka na naman saken."

Nanlaki ang mga mata ko. Ano daw? Ako nagwapuhan sa kaniya? Weh? Di nga? Parang wala naman akong natatandaang nagwapuhan ako sa lalaking to! Meron ba?

"Wow hah! ilang page ka ba? Ang kapal ng mukha mo eh." Pang aasar ko.

Imbis na magsalita ay kinindatan nya ko.

O____O

"HOOYY! Magtigil tigil nga kayong dalawa! Mamaya na kayo magligawan! Nandyan na si Sir!"

Napalingon naman kaming dalawa ni Darren kay Loisa. Nagliligawan talaga? Lakas talaga ng topak ng babaeng to! =___=

Omo! Andyan na si Sir! Mage-explain na kami! Waahh!! Kinakabahan na ako! Huhuhuhuhuhu.

"Good Morning!" Bati ni Sir harold sa amin.

"Good Morning!" Sabi naman namin.

Umupo na kami at hinanda ko na ang ipapaliwanag ko.

"So before we moved to our next lesson, Where are those student's that I assigned in our assignment?" Pagtatanong nya.

Nagtaas kaming tatlo ng kamay para malaman nya na kami yung sinabihan nya.

"Okay, you may explain one by one."

Napalunok ako bigla. One by one? Kakaloka! Sana lang talaga hindi ako mapahiya! Nakakatakot pa naman si Sir! Parang manlalapa! Huhuhu T__T bata pa koo!

Tumayo na si Darren at sinulat muna sa white board ang ipapaliwanag nya.

Nagsimula na kong kabahan ng sobra. Ang tindi ng pressure na nararamdaman ko ngayon! Daig pa ang nasa loob ng ref! Nilalamig ako!! Ang cool ko kase eh! -___-

Tinignan ko lang si Darren habang nag eexplain. Infairness sa kaniya ah! Di ko feel na kinakabahan sya. Parang ang easy easy lang ng ginagawang page-explain nya sa harap. Eh di sya na magaling, matalino at hot! Oo Sya na! =____= Teka? Anong sinabi ko nung huli? h-hot? Di nga? Nakakaloka. Ano ba itong mga naiisip ko? Peste.

Natapos na ang pagpapaliwanag nya at ako na ang susunod! Whhoooaahh!! Nag exhale ako ng malakas para mawala onti ang kaba ko. Sana nga.

Tumayo ako at pumunta na sa harap. Kinuha ko ang pentlepen at sinulat sa white board ang given at ang solution ko sa lintek na polynomials na ito. Bakit ka ba kasi nag exist sa mundo ang algebra? Tch.

KeychainBasahin ang storyang ito ng LIBRE!