♩ ♪ ♫ ♬ ♭ 

I'm a bitch, I'm a tease
I'm a goddess on my knees
When you hurt, when you suffer
I'm your angel undercover
I've been numb, I'm revived
Can't say I'm not alive
You know I wouldn't want it any other way

♩ ♪ ♫ ♬ ♭


Napatigil si Troy sa pagpasok sa loob ng bahay nang marinig ang asawa na kumakanta, o mas tamang sabihin na sumisigaw mula sa balcony ng kwarto nito. Lumabas siya saglit sa may pool area para magpahangin pagkagaling niya sa opisina. 

Tiningala niya ang kinaroroonan ng asawa. He narrowed his eyes when he saw his wife drinking at the balcony and having a party of her own.

He took a deep breath before entering the house and head straight to Charmaine's room. 

"Maine" he called from the outside of the door.

When he tried to open the door, he found out that it wasn't locked. Tumuloy na siya sa loob at dumeretso sa balcony. He's worried about his wife. Baka mahulog pa ito sa balcony kapag nalasing na ng sobra.

"Hey..." he gently called from her behind.

Kaninang makita niya na parang may dinaramdam ang asawa ay agad na nag-alala siya. Pero hindi niya alam kung paano niya ba dapat ito pakikitunguhan. He's a kind of man who wants everything organized and planned. He's always one step ahead and he always knows what to do in a situation. But with Maine, his wife, he doesn't know how to act. With her, he doesn't know how to move. Hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Para siyang estranghera na hindi pwedeng kantiin.

Lumingon si Maine kay Troy sa namumungay na mga mata. Mapait na napangiti siya sa pag-aakalang imahinasyon niya lamang ang kaharap. Ipinulupot niya ang mga braso sa leeg ng asawa.

Napalunok naman si Troy. Matagal na silang hindi nagkakadikit ng asawa at may kung anong binubuhay ito sa kanya.

"Why can't I let go of you?" bigla itong umiyak. Naalarma si Troy at nawala ang apoy na nagsisimula sa katauhan niya. 

Sumubsob si Maine sa malapad na dibdib ng asawa at umiyak nang umiyak. Natigilan si Troy at nanginginig ang mga kamay sa pag-aalinlangan, pero sa huli ay hinaplos ang likod ng asawa. 

He closed his eyes in a warm feeling he felt deep within with just a mere touch to his wife. This is not intimate at all, but he felt warm all over by having his wife in his arms.

"Let's file an annulment, Troy" seryosong sabi ni Maine sa asawa. Napagtanto niya na ang tunay na Troy ang kaharap niya. Nakainom siya pero hindi pa naman siya lasing na lasing. Naisip ni Maine na mabuti nang sabihin niya kay Troy ngayon habang may lakas pa siya ng loob at buo pa ang desisyon niya. Gusto din niyang malaman ang magiging reaksyon ng asawa.

Kulang ang salitang nagulat para ilarawan ang reaksyon ni Troy. Hindi niya inaasahan na maririnig iyon mula sa asawa. Inilayo niya ityo sa kanya at pinakatitigan sa mukha. Puno na ng luha ang mukha ni Maine at habag na habag si Troy nang makita ang mukha ng asawa. 

Hindi malaman ni Troy kung ano ang uunahin. Ang pagpapakalma sa asawa o ang magiging reaksyon niya sa sinabi nito.

Pinangko niya ang asawa at ipinasok sa banyo.

"You should have a warm bath. Why did you drink anyway?" seryosong sabi niya habang pinupuno ang tub ng tubig.

"Dahil sobrang sakit na" naiyak na naman si Maine. Hindi niya alam kung bakit biglang ganito si Troy sa kanya. "Patawarin mo ako, Troy. Forgive me for luring you in this marriage." Lumuhod si Maine sa harap ng asawa.

Gambling HeartsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!