Fight For Love [6]

4 0 0

                         *C H A P T E R  6*

I blinked a couple of times, and looked again at the hallway. Wala namang Storm doon. Namamalikmata lang siguro ako. Grabe naman hanggang dito ba naman sa Hospital si Storm pa rin naiisip ko?

Aish. Ginulo ko yung buhok ko sa inis. "Oh Nyx, what did your Kuya Anderson said?" Napalingon ako kay Mama na may hawak na coffee at sandwiches.

"Ah. Kailangan lang daw po palitan yung bandage every three hours." Sabi ko. Inabot sa akin ni Mama yung coffee at sandwich na tinanggap ko naman.

"Thank you po." Sabi ko at sinimulan kainin yung sandwich. Ah. I'm hungry ngayon ko lang na realize.

Sinimulan ng itulak ni Mama yun wheel chair ko, habang pinalagay niya sa lap ko yung food niya.

"Ma, let's stop po muna here. Kainin niyo po muna yung food niyo. Lalamig po 'tong coffee." Sabi ko. Sumangayon naman si Mama at sabi niya sa Canteen nalang kami tumigil.

Nung nakarating na kami sa Canteen tinigil niya yung wheel chair ko sa pinaka malapit na table at umupo siya sa mga upuan. Dibale mag kaharap kami.

Kumain kami ni Mama ng tahimik, I look around, and suddenly my mood became serene. Tinigil ko yung pag kain, nawalan na ako ng gana ng maalala ko na naman iyon.

"Ma, can we go home na?" I asked quitely while looking at my hands. Narinig ko siyang suminghap bago ko nakitang nilapag ang coffee at sandwich niya sa lamesa.

"Sige." Sabi ni Mama sabay tayo. Tinulak na niya yung wheel chair leaving our foods and bad thoughts behind.

--------------

"Ma, alis na po ako." Paalam ko kay Mama. Habang dahan dahan na naglalakad.

"Sige, mag iingat ka." Sabi ni Mama habang inaalalayan akong maglakad. Sinamahan niya ako hanggang sa may gate at pinarahan nalang ako ng taxi.

"Ma, bakit po taxi? Kaya ko naman po sa Tricycle at Jeep eh." Reklamo ko. Mapapamahal pa kami nito eh.

"Hindi. Mas maingat kapag taxi. Baka mas lalong lumala pa yang pilay mo eh." Sabi ni Mama.

Sa huli pumayag na rin ako, baka magalit pa si Mama. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pumikit bago huminga ng malalim.

Nakita ko yung relfection ko sa salamin na may magulo pang buhok kaya inayos ko ito. Nakakahiya naman sa driver may pasahero siyang gulo gulo yung buhok.

Nang tumigil kami sa tapat ng school, inalalayan pa ako ni Kuya Driver hanggang classroom namen. Ang bait nga ni Kuya eh. Siya pa nag bitbit ng bag ko.

"Naku nakakahiya naman po. Ayus lang naman po ako eh. Pero sige salamat po." Sabi ko kay Kuya Driver habang binubuksan yung pintuan ng classroom namen.

Binitawan naman ni Kuya yung braso ko na hinawakan niya sa pag alalay sa akin which is I'm thankful. Kasi kanina pa ako pinagpapawisan at kinakabahan.

"Ayus lang po yun, Ma'am." Sabi sa akin nung Driver.

"Sige Kuya salamat po ulit." Sabi ko bago pumasok sa classroom namen. Unti palang yung mga classmate ko na andidito. Pero si Storm nasa upuan na niya na nakatigtig sa akin.

Bumilis na naman yung tibok ng puso ko, grabe naman wala na nga yung driver hindi parin humihinahon tong kinakabahan na puso ko.

Nginitian ko si Storm, as usual hindi niya ito sinuklian pero parang may iba sa kanya. Parang galit siya. Kahit hindi naman halata. Pero dahil matagal ko na siyang pinag mamasdan, alam kong may mali sa kanya. Hindi siya yung usually relax katulad ng dati, something is off, hindi ko ma explain pero nararamdaman ko na may mali sa kanya.

May nangyare ba? Tanong ko sa sarili ko. Kaya dali dali akong naglakad papunta sa kanya, ignoring my aching ankle. Napangiwi naman ako kahit na hindi ko iniinda yung sakit. Kumunot naman yung noo ni Storm.

Pagkarating ko sa upuan ko, binaba ko ka agad yung bag ko at umupo doon. "Are you alright? Is there something wrong?" Tanong ko sa kanya. Mas lalong kumunot yung noo niya.

Ano ba problema nito? Palaging na ka kunot yung noo. Maya maya bigla siyang umiling. I sighed in relief. "So walang problema? Hindi ka ba nasaktan or anything? Wala bang nangyaring masama?" Pag kukumpirma ko. Natigilan siya bigla pero umiling naman siya kaagad. I smiled at him.

"Anyway, sorry nga pala kung hindi kita nadalhan ng dinner kapahon ah? Something happened kasi eh." Sabi ko.

"Tss." Sabi niya sabay baling ng ulo niya sa may bintana. A hobby of him whenever his pissed.

"Galit ka ba sa akin?" Tanong ko. I waited pero hindi siya sumagot or umiling lang man.

"Hindi ko alam kung ano yung ginawa ko, pero I'm sorry." Sabi ko sabay harap narin sa black board. Sakto naman nag bell na, indicating na start na ng first subject namen.

Fight For LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!