For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

WYEMM - 1

43 1 0

Alas kwatro i medya na kaya naman tapos na ang huling klase ni Ronalyn para sa araw na iyon. Kahit pa pagod ito, pisikal at mental, dahil sa dami ng ginawa sa buong araw, lalong higit sa huling asignatura na kaniyang major, ay nagawa pa din niyang humakbang ng mabilis palabas ng klasrum. Bakas sa mukha ng dalaga ang pananabik kaya kahit ang mag-ayos ay hindi na nito naisipan. Ni hindi rin nito narinig ang pagtawag ng kaibigang si Joyce na humabol sa kanyang mabilis na pag-alis ng klasrum.

Dali-dali siyang tumungo sa may field ng university. Sabik na siyang makita ang nobyo. Sa tuwing uwian ay nagkikita sila sa field. At mula doon ay sabay sila sa paguwi. Inihahatid siya nito sa kanilang bahay. Araw-araw ay ganito ang kanilang sistema magmula ng maging opisyal na ang kanilang relasyon.

Gaya ng dati, maaga pa ring nakarating si Buen sa field. Malayo pa si Ronalyn ngunit tanaw na niya ang mga ngiti ng kasintahan. Ngiti na nakapagpawi ng lakas na nawala sa buong araw na klase.

Agad na hinagkan ng binata ang noo ni Ronalyn. Bagay na nakapagpakilig sa kanya. Isang malapad na ngiti ang naiganti nito sa kaniyang mahal.

"Kamusta ang mahal ko?" Ang tinig ng binata na sinasabing 'mahal ko' ay walang kupas sa pagpapabilis ng tibok ng puso niya. Araw-araw, pakiramdam niya'y bago pa lamang ang relasyon nila.

"Syempre, mahal na mahal na mahal ka pa rin Buen ko." Masayang sagot niya.

Hinawakan ng binata ang kamay niya kaya't hindi na naman niya mapigil ang pagngiti. Sobrang saya talaga sa pakiramdam sa tuwing nariyan ang kaniyang nag-iisang mahal.

Kinuha ni Buen ang gamit ni Ronalyn at nag-umpisa na silang maglakad palabas ng unibersidad.

Katulad noon, sa isang pasilyo kung saan wala gaanong tao sila dumaan. Gusto nilang sulitin ang oras na sila lang bago man lamang sila makalabas ng paaralan kung saan marami ng mga tao.

Habang naglalakad, panay lamang ang ngiti nila sa isa't-isa, magkahawak ng mahigpit ang kanilang mga kamay na wari'y may pandikit sa pagitan ng mga ito. Wala sa kanilang nagsasalita, nakatingin lamang ng deretso sa mata ng bawat isa, ngunit dama nila ang pag-ibig para sa isa't-isa.

"Ronalyn..."

"Ano yun mahal ko?" Hindi sumagot si Buen, bagkus tinitigan lang siya nito.

"Ronalyn.." Pagtawag muli sakanya.

"Bakit, mahal?" Nginitian lamang siya nito.

"Ronalyn..."

"Mahal ko, ano ba yun?" Kinikilig niyang sabi. Pakiramdam niya ay gusto lamang ulit-ulitin ng kaniyang mahal ang pangalan niya.

"Ronalyn..." Muli na naman siyang tinawag. Lumapit ang mukha ng binata sa kanya dahilan para maramdam siya ng kaba. Unti-unting lumapit pa ang mukha nito at "Hoy Onang! Libro mo naiwan."

Bumalik naman siya sa ulirat ng marealize niya na hindi si Buen ang tumatawag sa kanya kundi ang kaibigan niyang si Joyce.

"Ano ka ba naman Joyce, panira ng moment eh!"

"Ayan, sabi na eh. Kaya ka dali-dali sa pag-alis kanina sa room eh, dederetso ka na naman dito para magdaydream. Nako Onang, hibang ka na ba talaga?"

Sumimangot naman siya. Naiinis siya pagkat nasira muli ang masaya niyang imahinasyon. Palagi na lamang ito ang gumigising sa kanya sa katotohanan. Sa tuwing tapos na ang klase alam ng kaibigan na dederetso siya sa field at tutungo sa pasilyong kinaroroonan nila ngayon. Pareho kasi na walang tao sa mga lugar na iyon sa ganitong oras. Syempre, maari siyang makapag-daydream ng walang eeksena. Maliban sa kaibigan niya nga.

"Hay, Joyce, kung kaibigan talaga kita dapat sinusoportahan mo na lamang ako

"Susuportahan? Saan? Sa kabaliwan mo? May panguso-nguso ka pa? Grabe ka mag-imagine. Eh paano kung may ibang makakita sayo? Edi iisipin nila baliw ka?"

When Your Eyes Meet Mine (on-going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!