[Alex’s POV]

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung magsimula ang deal namin ni Seth. Okay naman kami. Medyo? Hindi pa din kami romantic, syempre pero at least we’re closer than how we’ve been before. Ngayon, araw araw na kaming naguusap. At dahil madalas kaming magpractice dahil malapit na din ang battle of the bands, madalas din siyang sumasama sa practices namin. Actually, minsan nakikisali pa siya since marunong naman siya ding tumugtog, hindi ba?

Sa loob ng isang linggo na yun, nagpunta kami sa dati naming school, nagpunta na kami sa amusement park, kumain ng street foods, kumain sa fine dining restaurant, nagpaka-isip bata. Lahat na yata ng ginawa namin noon, nagawa na namin ulit ngayon. Minsan dun kami sa bahay ng parents niya tumatamabay, sa harap nung bahay nila Chris. Kaso wala yung parents niya at si Ate Shiela. May inaasikaso daw sa States. Sayang nga eh. Gusto ko sana sila makausap para malinawan lalo si Seth kung bakit hindi nila sinabi agad ang tungkol samin.

Nandito ako ngayon sa canteen. Hinihintay ko siya. Sabi niya kasi sabay daw kaming mag-lunch. Syempre natuwa naman ako.

Kaso,

Late na naman siya.

Madalas siyang late pag may lakad kami, sa totoo lang. At unti unti ko napapansin na ang laki na talaga ng pinagkaiba niya. Parang ramdam na ramdam ko na hindi na ako ang sentro ng mundo niya.

Minsan, kausap ko siya tapos bigla siyang magsspace out habang nagta-type sa cellphone niya. Minsan naman napapangiti siya magisa habang may tinitignan sa cellphone niya din. At masakit pala na makita na ganun yung taong dating sayo noh?

Tinignan ko ang cellphone ko. Bukod sa naghihintay ako ng message mula sakanya, tinignan ko din ang oras.

Tatlumpong minuto na niya ako pinaghihintay. Dalawang oras naman ang break namin ngayon, pero umaasa pa din ako syempre na hindi niya ako paghihintayin ng ganito katagal.

Maya maya, may naramdaman akong naupo sa tabi ko. Napatingin ako agad at medyo bumagsak ang ngiti ko ng ibang tao ang makita kong katabi ko. Hindi si Seth.

“Medyo nakaka-offend na nawala yang ngiti mo nung nakita mo ako.” Sabi niya sabay inom sa soda na hawak  niya. Hindi na ako nagtataka bakit ang daming may gusto dito kay Chris. Ang lakas ng dating eh.

Oo, si Chris ang naupo sa tabi ko.

“Tss. Nakikiupo ka na nga lang nagrereklamo ka pa.” Pabirong sabi ko sakanya. Inikot ko pa ang mata ko, at napatingin ako sakanya agad ng marinig ko na tumawa siya. 

Ang lalim ng boses niya, pero ang lakas ng dating.

Tumatawa si Chris? Sobrang bihira yung pero napangiti naman ako ng maisip ko na napatawa ko siya. Madalas kasi sinisimangutan niya lang ako.

Napansin naman niya na nakatingin ako at bigla niyang tinigil ang tawa niya at tumayo.

“Aalis ka na agad?” Nagtatakang tanong ko sakanya.

“Diba ayaw mo ko makiupo sayo dahil nagrereklamo ako.” Sabi niya sabay lakad palayo sakin. Tinignan ko siya habang naglalakad siya palabas ng canteen.

Napanguso na lang ako at pinindot muli ang cellphone ko, umaasa na may message na si Seth sakin.

Napansin ko na wala pa rin kaya napa-buntong hininga na lang at pinatong ang ulo ko sa may braso ko sa ibabaw ng lamesa, habang nakatitig sa cellphone ko.

Kawawa naman ako. Magisa sa canteen, hindi pa kumakain, hindi pa sinipot ng kausap. Siguro ang loser ng itsura ko.

Nagulat na lang ako ng may biglang humablot ng braso ko, at napatayo ako.

After Everything Has Changed.Basahin ang storyang ito ng LIBRE!