For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Untitled Part 1

22 2 0

Year 2000,


                                "Apoooooo gising ka na pala, kumusta ang tulog ng paborito kong apo?" bati ni lola simang sa kanyang apong si Lucian. "okay lang po lola, kayo po?" sagot ni lucian "ayy nako apo ayos lang ako wag mo ako alalahanin, o siya kumain ka na't may pasok ka pa" Si lucian ay kinder student sa eskwelahan malapit sa kanilang tirahan.

"Lola alis na po ako!" paalam niya sa kanyang lola "ingat ka apo, mag aral ng mabuti para sa berdey mo'y may regalo ka" udyok ni lola simang "SUUUUS LOLA! SISIW! makikita nyo magkakaroon ako ng honor" 

Sa eskwelahan,

                                "Goodmorning class" bati ng kanilang guro na sa Mrs. Infante "GOOOODMOOOORING MRS. INFANTE" sagot ng mga bata. si lucian ay naka upo sa harapan ng klase, excited na ito dahil mahilig sya mag aral. "oh bring out your notebooks na at magsusulat kayo ng mga letters" ani mrs. infante. habang nagsusulat ang mga kaklase ni lucian ay lumapit sya sa kanyang guro at tipong magtatanong ito "teacher, alam nyo po ba kung ano yung nasa labas ng earth? lagi po kasi ako tumitingin sa langit, tinititigan ko po yung mga stars. di po kaya may ibang nilalang din sa labas ng earth?" nagulat ang guro sa tanong ng bata "sino nag kwento sayo nyan? matagal pa natin pag aaralan ang kalawakan or outer space lucian. baka pag graduate mo pa ng kinder" sagot ng guro "naisip ko lang po teacher, kasi po sobrang daming star baka po meron na katulad natin" napaisip ang guro at hindi makapaniwala sa bata, napaka mura pa ng isip nito para maisip ang ganoong bagay. alam nyang matalino ang bata dahil kadalasa'y perfect ang bawat sagot nya sa mga quiz at test pero di nya akalain na conscious na ang bata sa kanyang paligid "ah lucian, wala parin nakaka alam ng sagot sa tanong mo hanggang ngayon kaya di ko pa masasagot yan" ani ng guro at bumalik na sa kanyang kinauupuan si lucian.

"Class, tapos na ba kayo mag sulat? ang next subject naman natin ay music" pinakita ng guro ang isang piano "mga bata, isa itong piano, makakabuo kayo ng magandang himig kung maiaarrange nyo ng tama ang mga notes, alam ko wala pa sa inyong nakaka alam ng kahit anong musical notes so kahit ano nalang pindutin nyo" sabay tawa ang guro "ronaldo, ikaw subukan mo" umupo si ronaldo, ang kaklase ni lucian at sinubukang patugtugin ang piano "ahh ano ba yan ang sakit sa tenga!" sigaw ng mga bata samantalang si lucian ay iniisip parin ang kanyang tanong sa kanyang guro kanikanina lamang "sino pa gusto mag try diyan! wala na? bukas magtuturo ako ng notes sa inyo sana matandaan nyo ha, mag break muna tayo mga bata, kumain muna kayo" habang kumakain ang lahat hindi na pansin ng guro na umupo si lucian sa piano para patugtugin ito, iniisa isa ang mga keys tila pinapakinggan bawat pagkakaiba ng tunog nito, lumapit ang guro at sinabihan si lucian "oh lucian, bukas tuturuan ko kayo ng notes ha, tama na muna yan kumain ka na muna" sabi ng guro "saglit nalang po teacher, susunod na po ako" sabi ni lucian at tumalikod na ang guro, ngunit ilang hakbang lamang nito ay narinig nya na parang nag babago ang tono ng piano, parang gumaganda ito, sumilip ang guro at si lucian nga ang tumutugtog, napaka ganda ng musikang ginagawa ni lucian na aakalain mong si amadeus mozart, laking gulat ng guro at napatulala nalang siya sa ganda ng kanyang naririnig. napa hinto ang buong klase at pati ang ibang guro sa ibang kwarto ay lumapit at nag tanong "pano natutunan ng estudyante mo yan teacher. esther?" ani ng kapwa guro ni mrs. infante "h-hindi ko rin alam ma'am" natapos si lucian sa kanyang pag tugtog at pag harap nya ay naka tingin lahat ng tao sa kanya. animo'y nakakita ng multo. nag usap ang mga guro at pinag usapan nila si lucian. "narinig nyo ba kung pano tumugtog yung bata? para siyang musikero ng tatlumpong taon!" ani mrs. infante "oo nga, hindi naman kaya may piano sa bahay ang bata?" sabi ng isang guro "nako nakooo hindi, mahirap lang sila lucian at lola nya lang ang tanging nag aalaga sa kaniya" ani mrs. infante, bumalik na sa kanya kanyang silid ang mga guro at bumalik sa normal ang klase. lumapit si mrs infante kay lucian at tinanong ito kung saan natutong tumugtog "lucian, san mo natutunan yung ganung klase ng pag tugtog?" "sa paligid ko po, parang binibigyan nila ako ng magandang tunog sa isip ko at hinalintulad ko na ito sa tunog ng bawat nota sa piano" na mangha ang guro sa sinabi ng bata, napaisip tuloy siya na baka henyo ang bata.


Lumipas ang ilang buwan at gagraduate na sa kinder si lucian,


                                                        "Sa wakas apo sa susunod na pasukan ay grade 1 ka na!" sabi ng kanyang lola. isa isa nang tinatawag ang mga estudyante sa entablado kasama ng mga magulang nito, napayuko si lucian "lola, bat iniwan agad ako ni mama at papa?" malungkot na pagkasabi nito. "Hay nako apo, andito ang lola para sayo. bukas na bukas dadalawin natin ang mama at papa mo sa sementeryo okay?" pa ngiting sinabi ni lola simang ngunit sa loob loob nito'y nalulungkot rin. ang magulang ni lucian ay namatay sa isang plane crash, ang mama nya ay isang multi instrumentalist at ang kanyang ama naman ay isang bokalista ng isang banda at isa rin itong phyisicist. halos dalawang taon palang ito ng magsimulang magtrabaho sa isang unibersidad ng ito'y mamatay kaya halos walang naipon ang mag asawa para sa kanilang anak.

"LUCIAN FORSETI!" tawag ng principal ng eskwelahan kay lucian para iabot ang awards at diploma nito. "Congratulations lucian!" at inabot ng principal ang mga medalya  nito, Best in math, best in music, best in science at iba pa. nagtayuan ang mga tao at pinalakpakan si lucian, naiyak ang bata pati ang kanyang lola sa sobrang saya.


 Lumipas ang ilang taon at grade 5 na si lucian.

                                "Lucian! lucian! habulin mo! banatan natin yan!" sabi ni george ang sigang kaklase ni lucian, nagkaka sundo sila nito kaya lagi syang napapasama dito, hindi nag tagal at napa barkada na si lucian sa kaniyang mga kaklaseng basagulero.

                                           "APO! ano nangyari sayo? bat puro galos yang mukha mo?!?!" sabi ng kanyang lola. "Wala po ito lola nadapa lang po ako" maya maya ay may sumigaw "aling simang! aling simang! telepono ho teacher daw ho ni lucian!" pinuntahan ni lola simang ang tindahan at kinausap ang guro ni lucian. matapos ang halos sampung minutong pag uusap ay bumalik na si lola simang sa bahay nila at kinausap si lucian "lucian, totoo bang nakikipag rambulan ka? diba't sabi ko wag ka na sumama sa mga kaklase mong basagulero! nasasayang yang talino mo kababarkada mo!" pagalit na sabi ni lola simang. tahimik lang si lucian na animo'y walang naririnig..

ITUTULOY..

From Stones To StarsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!