Jasmine's POV

"Excuse me sir,do you have an appointment to miss Sandoval?" Tiningnan ko siya. Muntik na akong mahimatay dahil sa kagwapuhan niya.Hahaha!

"Is this an office of miss Allison?" tanong niya habang tinuturo ang pintuan.Wala man lang kangiti-ngiti.Di rin sinagot ang tanong ko.Naku,matarayan nga!

"Uhm...sir,I'm asking you.Kaya wag mo rin akong sagutin ng tanong." Tumaas pa ang kilay ko.

"Do I need to answer your question? I'm looking for miss Sandoval,not you." Itinuro pa niya ako.Aba't napakabastos din pala nito.

"Sir,I just want to know.Malay ko ba kung magnanakaw ka." Medyo tumaas ang boses ko.Nagulat na lang ako ng bigla itong tumawa ng malakas.Mali pala ako.Di pala ito magnanakaw kundi isang baliw.

" Do I look like a thief miss?Sa gwapo kong ito? Hahaha!" Itinuro pa ang sarili niya. "Kungsabagay,magnanakaw nga ako.Kaya mag-ingat ka,baka manakaw ko ang puso mo. Ikaw din." Then he winked at me.Gwapo nga sana. Kaso parang dinaig pa ang bagyong Yolanda sa lakas ng saltik nito.

"Huh!Well, di ako pumapatol sa may mga saltik,poGay!" nilambutan ko pa ang salitang pogay.Ngumisi ulit ito ng nakakaloko.

"Gusto mo bang ipakilala ko sayo ang ibig sabihin ng pogay,miss?" Inilapit pa niya sa akin ang mukha niya.Malisyosong tiningnan ang mga labi ko.Nilingon ko ang paligid kung may taong nakamasid sa amin.Mabuti naman dahil wala.Mabilis ko siyang itinulak.

"Bastos!" sigaw ko sa kanya. Tawa naman siya ng tawa.Sasampalin ko na siya sana ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Allison.Nasa may harap kasi kami mismo ng pinto.

"Ano bang ing--Kevin?" Si Allison,mukhang nagulat pa siya.

"Hi Allison." Bati niya kay Allison at agad na nagbeso.So,ito pala ang sinasabi niyang Kevin?

"How are you?" tanong niya kay Allison.

"I think,I'm fine." Nagkibit-balikat lang si Allison. "Come, let's go inside.Kanina ka pa ba?"

"Medyo.Hinarang kasi ako eh." sagot niya. Lumingon siya sa akin.Pinanlakihan ko siya ng mga mata ko.

"Sino siya?" Pagpapatuloy niya na ang tinutukoy ay ako.

"She's my --"

"Secretary." sagot ko agad. Di ko na pinatapos si Allison. Ngumiti siya agad ng nakakaloko.

"So,tara na." yaya sa kanya ni Allison.

"Wait Allison.Puwede ko bang pakisuyuan ang secretary mo na ipagtimpla ako ng kape?" Diniinan niya pa ang secretary.

"Sure." sagot naman ng uto-uto.Tiningnan pa ako ni Allison kaya wala na akong magawa.Tiningnan ko muna ng masama ang Kevin na ito bago tumalikod.Pero bago pa ako tumalikod,nahagip pa ng mga mata ko ang pagngiti niya na nagpapahiwatig na panalo siya.

Nakakainis ang letseng lalaki na ito. Naku!

So,ibig sabihin nun,maging boss ko siya ng temporary?

Oh hindiiii!....

Bumalik na ako sa pwesto ko at ibinagsak ang katawan ko sa silya.Pagkatapos kong magtimpla ng kape at naibigay ko na rin.

Pisting Kevin na iyon.Sarap dukutin ang kaluluwa at ihiwalay sa katawan niya.

Pagkapangit-pangit naman.Binabawi ko na ang sinasabi ko kanina na gwapo siya.

Gusto niyo ba malaman ang pagmumukha niya? Well ganito-panot,ang kapal ng mga kilay,tapos ang mga mata ay malalaki at halos lumabas na ang mga mabibilog na eyeballs niya,ang kakapal din ng mga labi na kapag nagsasalita ay siguro aabot sa limang kilo ang bigat nito at puro tagihawat ang mukha.Hahaha!Naniwala naman kayo?Siyempre kabaliktaran ang mga sinabi ko.

Napasimangot ako kapag naaalala ko ang pagmumukha niya.Singkit ang mata kahit pinoy naman.Ang gaganda ng mga labi at ang pupula pa na para bang kay sarap halikan.Ay letse! Bakit naiisip ko yun? Ang kinis din ng balat at mukha.Ay putragis talaga oh!

Hindi,hindi ako nagagwapuhan sa kanya. Jasmine,gumising ka.Sampalin kaya kita.

Anyways, magpapakilala muna ako ha.

Ako nga pala si Jasmine Imperial. Oh ha!Sosyalin ang dating ng apelyedo ko.Parang galing sa angkan ng mga milyonaryo.Hahaha!

Twenty four years old lang ako.At galing pa ako sa San Gabriel, Malolos,Bulacan.Malapit lang kami sa Barasoain church.Tandang-tanda ko pa nung kabataan ko pa.Nagtitinda ako ng mga sampagita sa labas ng church na iyon.Dahil nga mahirap lang kami.Aisshhh.Forget the past na nga.Kasi nandito na ako ngayon sa Manila nagtatrabaho.Ito na yung kasalukuyan ko.

At yung Allison kanina,siya yung boss ko at itinuring na niya akong kaibigan.Ang bait niya nho? Pero sa ngayon,alam kong may malaki siyang problema. Di ko muna siya pipilitin na sabihin sa akin ang totoo. Malalaman ko rin yan balang araw.

At yung Kevin na iyon,kaibigan niya raw na siyang papalit kay Allison ng temporary.

Napapangalumbaba ako.Iniisip ko kasi kung paano kaya ang pakikitungo nun sa aming mga empleyado rito? Mukhang sa digmaan kasi galing yun eh.

Hayaan na nga sila.

Makapagbasa na nga lang ng wattpad.Mabuti pa rito sa wattpad,palaging may happy ending.

Eh ako kaya?Sino ang destiny ko?

Kahit sino.Basta papasa sa panlasa ko.Parang pagkain lang?Hahaha!

Wag lang yung tipo ng Kevin na iyon na malakas ang hangin.Never!

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!