Chap. 24

4.4K 134 6

Chap. 24

Ilang araw na napapansin ni Graydelle na tahimik lamang ang kanyang ama. Walang kibo. Parati lamang nakatingin sa malayo.

"Papang, gusto ba ninyong mamasyal ?"

"Hindi."

"May problema ba kayo?"

"Wala. Ilang beses ko nang tinawagan si Yzyl, hindi sumasagot. Nag-aalala ako. Saan kaya s'ya pumunta?"

Tumaas ang kilay ni Graydelle.

"Pinapahanap ko na s'ya..kung saan saan. Hindi nila nakikita ang kapatid mo. Maski sina Gladys ay di nila alam. Hindi naman lalabas ng bansa si Yzyl..dahil takot 'yon. Hindi sanay na bumiyahe."

Nakikita ni Graydelle na may pangamba sa mukha ng ama. Ngunit wala s'yang pakialam kung anong nararamdaman ng ama sa kapatid.

------------------------------

Naisipang bumisita ni Grayson sa parlor ni Oliver. Tulad ng dati masaya s'yang sinalubong ni Oliver. Nagawa pa nitong yakapin ang binata sa harap ng mga tao.

Agad s'yang hinila ni Oliver sa opisina nito.

"Chooss! Ano na naman ang kailangan mo Grayson?" Biglang umiba ang timpla ng mukha ni Oliver.

"Namimiss kita." Sagot ni Grayson, alam n'yang kinikilig ang bakla.

"Ayyy!! Feel ko...Unggoy, h'wag mo na akong bolahin. Kilala ko ang tabas ng dila mo." Sabay irap ni Oliver.

"Oli, let's straight to the point."

"Ano na naman?" Agad hinarap ni Oliver si Grayson na nakapamaywang.

"Napapaisip ako sa sinabi mo tungkol sa MtDNA. Pwede bang tulungan mo ako?"

"Yes. I will help you. Ano pang silbi ng pagiging TANDEM nating dalawa. Pero gusto kong malaman kung bakit mo hinayaang makalayo si Grayzyl nung araw na nagkagulo kayo? Gayung pinapaniwalaan mong may masamang balak s'ya sa bata. Tell me the truth, Grayson."

Huminga ng malalim si Grayson.

"Oli, minsan ko nang nakita noon si Grayzyl. Noong nakikipag-usap palang tayo kay Mr. Maru tungkol sa paghanap ng Egg Cell Donor. She was there at the coffee shop. Nagkainteres na ako sa kanya..magmula nang araw na 'yon. At nasundan pa nang ilang beses na pangyayari. Pero hindi ko nagawang makilala s'ya. Naging misteryosa ang dating n'ya sa akin. Hindi ko man lang nahalata na pinaglalaruan na nila ako ni Neneng. Pero alam mo, bale wala sa akin 'yon..KASI NAKILALA KO NA S'YA..NAKASAMA KO NA S'YA. NAGING MALAPIT PA S'YA SA ANAK KO. HINDI MAN S'YA ANG TUNAY NA INA..PERO 'YONG PAGMAMAHAL NA PINAKITA N'YA SA ANAK KO..HINDI KO NAKITA 'YON KAY GRAYDELLE.

 Nadala lang ako ng galit dahil sa pangamba ko sa aking anak. Hinayaan ko s'yang makalayo dahil GUSTO KO S'YANG MAKITA MULI..GUSTO KONG MAKAUSAP S'YA AT LIWANAGIN ANG LAHAT. ALAM KONG HINDI S'YA MASAMANG TAO. DAHIL HINDI NAMAN MASAMANG TAO SI NENENG."

"Grayson..are you in love with her?"

"I don't know. Pero kung ako ang tatanungin mo.. SANA S'YA NA LANG ANG INA NG AKING ANAK."

" Pinagdidiinan n'ya na s'ya ang ina ng bata..ganun din naman si Graydelle. Pero wala s'yang ebidensya na ipakita na s'ya ang tunay mong donor. Samantala si Graydelle meron."

"Naghihinala nga ako eh..kamakailan ko natuklasan na magkapatid pala sila ni Graydelle. At matagal na silang may hidwaan."

"Pero bakit pareho nilang naisip na maging EGG CELL DONOR? Anong dahilan bakit gusto nilang magkaanak? Gayung pareho silang dalaga. Parehong anak mayaman, Hindi kaya meron silang COMPETITION NA PADAMIHAN NG LAHI? KALOKA!"

Mr. & Ms. GrayBasahin ang storyang ito ng LIBRE!