Kabanata 6 - Pagpukaw

906 46 4

Bahagyang kumalma ang pakiramdam ni Dara ng painuman siya ng gamot ni Bb. Teresa.

"Dito ka muna Dara, mahiga ka muna diyan sa mahabang upuan."sambit ni Bb. Teresa at naglakad papunta sa may harapan ng klase.

"Class may isa pa kayong bagong kaklase, Si Noel ."pakilala ni Bb. Teresa.Pumunta sa harapan si Noel, medyo tumahimik ang lahat lalo na ang mga kababaihan.

Agad kasing mapapansin ang kagwapuhan nito. May taas na limang talampakan at walong pulgada, matikas ang pangangatawan. Matapang ang aura ng itsura nito na bumagay sa hulmadong hugis ng mukha at ilong. May kakapalan ang kilay at singkit ang mga bata, mapupula ang mga labi na d nalalayo sa mamula mulang balat. May kahabaan  ang maitim na buhok na nahahati sa gitna.

"Ang gwapo naman niya"bulong bulongan ng mga babaeng kaklase sa may bandang unahan ng classroom.

"Hi ako nga pala si Noel Sebastian, 16, a transferee galing Caliz."sambit nito sa matipunong boses.

Biglang napabangon si Dara ng marinig na hindi lang pala siya ang bagong lipat, at parehas pa sila ng pinanggalingang lugar. Pinagmasdan niya ito at pilit inaalala kung nakita na ba niya ito sa Caliz. Pero mas lalo lang sumakit ang ulo niya kaya minabuti na lamang niya na mahiga ulit.

Pagkatapos ng Orientation, nag break muna ang mga estudyante habang si Dara ay nakahiga pa rin sa mahabang upuan sa may bandang likuran ng silid. Hindi niya namalayan nakatulog na pala siya. Umuungol ito na animoy binabangungot.

"Dara, Dara gising,"Pagpukaw ni Bb. Teresa.

"Ok ka lang ba or kailangan ko ng ipatawag ang nanay mo para sunduin ka na lang?" Mungkahi ni Bb. Teresa sa maamo nitong boses. Maamo rin ang mukha nito na bumagay naman sa salamin na suot suot. Mga nasa late twenties , tipikal ang pangangatawan na mas lalong natatago sa suot nitong mahaba at maluwang na bistida.

"Huwag na po maayos na po ang pakiramdam ko." Tugon ni Dara

"O sige basta pag may naramdaman ka sabihin mo lang sakin"sabay hawak sa kamay ni Dara ng biglang napakapit si Dara sa kanya ng mahigpit, Bahagyang nakapikit si Dara at nakatingin sa itaas na tanging ang puting bahagi lamang ng kanyang mata ang nakikita, nanginginig ang buong katawan nito at para bang may kung anong sumasapi rito.

"Dara, Dara, anong nangyayari sayo? " Pinipilit nitong kumawala sa sa pagkakahawak ni Dara.

Nang matagumpay nitong naialis ang pagkakahawak ni Dara. Naging kalmado ito at bumalik sa normal.

"Ano ba ang nangyayari sayo Dara, tinatakot mo naman ako." Usisa ni Bb. Teresa.

"Bb. Teresa hindi ko po alam, pagkahawak ko po sa kamay ninyo may mga nakita po akong ibat ibang imahi, mabilis po ang mga ito, nakita ko po kayo, may kuweba, may mga malalaking ibon, mga taong nagdadasal. Pati po ang pagpapakilala niyo sa akin kanina. Hindi ko po maintindihan kusa po silang  nagsilabasan sa isip ko habang hawak hawak ko ang kamay niyo." Kwento ni Dara sa guro.

"Ha?ano pang mga nakita mo Dara?" Tanong nito na bahagyang dumistansya kay Dara.

"Wala na po malabo po iyong iba." Tugon nito.

"O sige huwag mo nalang isipin iyong mga nangyari baka dala lang yan ng sakit ng ulo mo. May pagkain ako sa table  ko kainin mo na lang iyon baka dala lang nang gutom yan." Utos nito sabay talikod na parang nababalisa.

"May baon po ako, salamat na lang po." Magalang na sagot ni Dara.

"Basta bilisan mo na lang ang pagkain at matatapos na ang break nyo." Sabay upo nito sa kanyang lamesa at kumuha ng libro para sa susunod na subject.

Sa buong maghapon walang ginawa si Dara kundi ang isipin ang nangyari kaninang umaga. Tingin sa kaliwang bintana, sa kanan, sa may pintuan pero ang mga imahi pa rin na nakita niya ang laman ng isip. Hindi niya namalayan na kanina pa titig ng titig sa kanya ang katabi. Ng tignan niya ito biglang iwas naman nito at baling sa ibang sulok ang tingin.

"Noel right?" Tanong nito sa katabi.

"Yes, and you are?"tanong naman nito pabalik

"Dara, Dara Faustino."sabay ngiti na pagkakasabi nito.

"Sorry, hindi kasi kita napansin kanina nang nag orientation."tugon ni Noel na medyo nahihiya.

"Ok lang sumakit kasi ang ulo ko kanina kaya hindi ko na rin natapos ang pagpapakilala." Pagpapaliwanag ni Dara.

"Nice meeting you." Sabay abot ni Noel ng kamay kay Dara.

"Nice meeting you din." At akmang aabutin ang kamay ni Noel ng biglang naalala ang nangyari kanina sa kanila ni Bb. Teresa.

"Ah pasensya na medyo naipit kasi iyong kamay ko kanina kaya di ko maigalaw ng maayos."pagdadahilan nito na halatang naiilang.

"Ok"sabay ngiti ni Noel kay Dara.

"Thats all for today class." Ani Bb. Teresa.Hudyat iyon na tapos na ang klase.

Hindi na nakapagkwentuhan pa ang dalawa dahil nagsitayo na ang lahat para sa Closing Prayer. Dahil sa moderno ang Palis, karamihan sa mamamayan nito ay Kristiyano, kasama na sa kultura nila ang pagdarasal sa Diyos Ama na ang Katumbas sa mga Babaylan ay si Bathala.

"Goodbye Bb. Teresa"sambit ng mga mag aaral.

"Goodbye.. ingat kayo sa pag uwi." Tugon ni Bb. Teresa na nakasunod ang tingin sa paglabas ng mga estudyante, hindi nito maiwasang tingnan si Dara. Mariin itong nakamasid at tila malalim ang iniisip. Napansin niya na nakamasid rin si Noel kay Dara.

*******

Samantala, nakaabang na sa labas ng gate si Mang Oscar at ang apat niyang kapatid.

"Ate sakay kana, kanina ka pa namin hinihintay." Anyaya ni Sandro na halatang nababagot na.

"Oo nga Sis bat ang tagal naman yata ng uwian nyo?" Maarting pagsang ayon ni Layna kay Sandro.

"Sis, sis, ka diyan. Unang araw mo pa lang dito sa school may ganyan ka ng nalalaman." Sabay pasok nito sa traysikil.

Hagikhik lamang ang tinugon ni Layna.

Nakapwesto sa loob ng traysikil si Dara, Layna at Althea. Habang nasa likuran naman ni Mang Oscar sina Bran at Sandro nakaupo.

Mga 30 minuto ang biyahe pauwi ng kanilang bahay. Habang abala si Layna at Sandro sa kakakwento sa una nilang araw sa paaralan, itong si Dara naman ay iniisip pa rin ang kakaibang nangyari sa kanya.

"Baka may powers ako."bulong nito sa sarili at tinangkang hawakan si Layna.

"Huh? Ano yang pahawak hawak mo Sis?" Gulat na may dalang pang aasar na sabi ni Layna.

Ngumiti lamang si Dara. Sunod na hinawakan si Althea, wala ring nangyari. Hanggang sa makarating na sila ng bahay tinangka pa rin niyang hawakan si Bran at Sandro pero wala ring nangyari.

"Hala baka nagkataon lang yun, di bale na nga." Sabi nito sa sarili ng biglang.

"Aray, aray." Daing ni Dara. Bahagyang napayuko ang katawan nito at nakatingin sa Lupa.

"Sis ok ka lang?" Tanong ni Layna.

Nanatili ito sa posisyon at pinikit ang mga mata. Sa wari niya'y naglakbay ang kanyang isipan papasok sa kanilang bahay. Nakita niyang nag uusap ang kanyang Ina at si Azela.

"Azela buksan mo iyong pinto at naandyan na ata ang mga kapatid mo." May kalayuan pa ang kinaruruonan nila sa mismong bahay mga nasa 30 metro pa ang lalakarin. At nagising siyang bigla ng tinapik tapik siya ni Sandro at Layna sa may tagiliran.

Nang malapit na sila ay laking gulat ni Dara na ang nagbukas ng pinto bago pa man sila kumatok ay Si Azela. tulad ng nakita niya kanina habang siya'y panandaliang nakapikit.

The Unholy Ones - The Beginning (Volume 1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!