For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

One

299 4 7

Sallie

#Usapangmagkaibigan

(February 20, 2008; Bago magprom)

"Sallie, sino ang date mo mamaya sa Prom?" Sabi ni Darlene sa akin sa lunch.

"Wala, syempre."

"Weh..."

"Wala nga."

"Kahit isa man lang? sabi nya.

"Grabe naman ito, paulit-ulit ka ha. Wala nga sabi."

"Eh ba't ayaw mo maghanap? Prom Night 'to, it's gonna be the best time of our life."

"Anong best time of our life? Hoy, pa English English ka pa. Darlene, Ang prom ay isa lang celebration, aattend ka lang para magparty." Sabi ko habang kinakain ko ang tuna sandwich ko.

"Grabe ka naman, Di ka pa ba naaasiwa diyan sa takbo ng buhay mo? I mean learn to loosen up, sige ka, mamaya niyan malaman mo na it's too late na pala dahil lagi kang nagpapadala diyan sa pagiging man hater mo. Kaya, sige na, Sallie, sumama ka na sa Prom. Ano bang problema sa paghahanap ng magiging date sa prom? It's not like, it's gonna hurt, sasayaw ka lang, konting chat, tapos! Kaya 'wag ka nga bitter at sumama ka na lang."

"Anong bitter? I'm just being wise. Baka ano pang mangyari niyan pag 'pumunta ako. Tignan mo na lang nga nung inaya mo si Christian na maging date mo sa prom. Ano? Nasaktan ka 'no? dahil binasted ka...."

"O ano naman?"

"All I'm saying is, I'm not bitter..." Sabi ko.

"Oo na, oo na, you're not bitter, you're just being wise! E di ikaw na ang magaling!"

"Ikaw naman kasi masyado kang naghahabol diyan sa Christian na 'yan, alam mo you deserve mauch better than him, you know that right? At saka oo nga, gwapo siya, pero wala namang utak."

"Hoy, grabe ka naman. Bakit ba? E siya yung the one, eh."

"Anong the one? Ano ka ikaw si Prince Maxon tapos siya naman si America Singer?"

"Hay, nakakainis ka na Sallie. Eh basta, piling ko kasi na siya na..."

"Siya na? Siya na ano?"

"Ang one true love ko. Friend, bigay siya ni Lord sa'kin."

Muntikan na ako mabulunan dun.

"Hoy Darlene, You're just sixteen, you got a long life ahead of you. Di lang si Christian ang makikilala mong gwapo sa mundo, kaya please, 'wag ka nga mag-feeling na para bang itinakda kayo para sa ísa't -isa, please nabubuhay tayo sa reality. Di siya si Romeo, at mas lalong di ka si Juliet. Kaya please, pwede bang magmove-on ka na?"

"Di ko kaya....Mamatay ako pag nawala siya sa buhay ko!"Sabi niya.

Inikot ko ang mga mata ko. Grabe naman, tong babaitang 'to.

"O sya, sige na nga, sasama na ako sa Prom. Nag-aalala ako saýo eh. Baka mamaya niyan magpatihulog ka na lang sa balcony ng school pag nakita mong may kasayaw na ibang babae si Christian."

"Sallie naman eh! Don't say bad things....."

"Anong bad things, bad things ka pang nalalaman diyan. Hoy! Wala akong sinasabing masama. I'm just being realistic. Nasaktan ka kasi noh? Don't worry, alam mo naman ang sinasabi ng lahat, 'the truth hurts'."

"Ewan ko sa'yo! Akala ko ba kaibigan kita? Ba't ganun? Imbes na i-cheer up mo ako, ikaw pa mismo ang nagda-down sa'kin. Anong klase kang kaibigan?" tumingin ako sa kanya. May nakikita na akong konting luha sa gilid ng mga mata niya.

Man haterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!