Chapter 10 - Valentine Special part 1

215 16 8

Jazzy's POV

GOOD MORNING SA INYO ^_^

Grabe ang saya ko talaga!! Bakit? Kasi buhay pa rin ako hehe.. Eh alangan namang magmukmok ako dito edi mabuting maging thankful nalang sa buhay ko.

Anong mangyayari kapag humagulgol ako? Wala, Papanget lang ako!! Magmumukha pakong baliw dahil umiiyak ako ng walang dahilan.

Papasok nako ngayon dito sa gate. Nagfaflashback kunwari ang utak ko. Pangiti-ngiti pako. Ganito kasi nangyari kanina eh:

"Huy! Huy! Anak gumising kana. Alasais na aba!!"-tapik sa akin ni mama.

Nagulat naman ako bigla at napatayo... ay napaupo pala sa kama. Tapos nanlalaki ang mga mata kong tinignan ang cellphone ko na kanina pa pala nag-aalarm 0.o

Yung feeling na kahit alam mo nang late na late kana, magugulat ka pa rin dahil late ka.

6:08 Na!!!! Waaaahhhhhh!! 6:30 pa naman ang pasok namin. Pero dahil palagi din kaming late ay inextend ng 5 mins ni sir!! Atleast meron kahit 5 mins lang. Aba!! Malaking bagay yun nu!!. Pero ako!! Waaahhhh!! Bakit pa ba ako nagsasalita? Dapat ngayon palang tumatakbo naku!!

Mabilis akong pumunta sa kubeta. I mean comfort room pala ang tawag kapag sosyal ka. Pero dahil pooritang pulubi ako banyo nalang. Ang gulo!!

Ligo. Ligo. Kuskos. Kuskos libag. Haaaaaahhhhhy!!! Natapos din!! ^_^

"Ba't nagpoposing kapa dyan!!! Late ka na!!!"- mama na nanlalaki pa ang mga mata at butas ng ilong.

Nanlaki ang mga mata ko. Bakit bawal nabang magbunyi dahil nagkaroon ako ng world record sa pinakamabilis maligo? .................(araw-araw?)

Takbo agad sa hagdan tapos nadulas pa ako.

Joke lang. Imagination ko lang yun nu. Dahan-dahan lang ang lakad ko para di matuloy yung iniimagine kung kasawian ko. Dahan daha-....

.

.

.

.

BLLAAAGGG!!!

.

.

.

Aray ko po!!! Kung kelan Mabagal lang ang lakad saka ako madudulas!! Eh kung mabilis kaya?? Baka baliktad lang yung isip ng hagdan? Takbo nalang ako ng mabili-

.

.

.

BLLLLLLLLLAAAAAAGGGGGGG!!!

.

.

.

Eh may enkanto naman ata tong hagdan na to eh!! Wag mo kong paglaruan!! Kung saan ka man nagtatago, huhuntingin kitang lamang lupa ka!!!!!! 

Teka. Late nako!!! Mamaya nalang pala.

I SHALL RETURN!!

Nagpalit ako agad ng damit sa taas. Di na ako kumain. Nag-toothbrush lang ako at nagkiss kina mama tapos lumayas na sa harap nila. Mamaya nalang ako kakain. Isang kaldero pa....

Nandito palang ako sa harap ng gate namin. Brrrrrrr anlamig talaga ng panahon ngayon. Nahihiya naman akong mag-jacket.

Tapos sabi pa ng isang classmate ko yung mga nakajacket daw hindi naligo. Bastusin! 

Tsaka wala naman ako sa baguio no! Next next month pa pagkatapos kung grumaduate. Excited na talaga ako!! Sana matupad ang dreams kong makapasok dun^_^…

Lucid DreamingBasahin ang storyang ito ng LIBRE!