Kisha's POV

'Di ko sinabi kay Jun na nakita ko si Nicky. Bahala na kung magalit siya, basta 'di ako ang unang taong magsasabi sa kanya na nandito si Nicky sa bansa. Para naman 'to sa kanya eh. Gusto kong bumalik na siya sa dati.

Kasama ko ang AJAX ngayon. Finally! Naka-bonding ko ulit sila. Sobrang namiss ko ang mga lalaking 'to. 1 week lang 'yon pero feel ko 1year ko na silang 'di nakita.

May napansin akong kakaiba . . Wala si Kaye nitong mga nakaraang araw. Walang Kaye na laging nakalingkis kay Jun. Simula nong araw na sabihin niya sa'kin na siya ang gusto ni Jun, 'di ko na ulit siya nakita. Alam ko namang hindi 'yon totoo. Kilala ko si Jun, 'di siya papatol sa babaeng kasing landi ni Allen. Pero nakakapagtaka lang kasi talaga. 'Di rin siya nababanggit nila Baste. Naglaho na ba siya? And how did she know that I love Jun more than being a bestfriend? 'Di kaya . . 'Di kaya alam na ni Jun na may feelings ako for him? But how? Did Baste told them about that?

"Guys, parang 'di ko ata nakikita si Kaye." Sabi ko habang nakatingin sa malayo. Nabigla naman sila sa tanong ko. Bakit? Anong meron?

"A-ano kasi Kisha--" 'di pa man natutuloy ni Mark ang sasabihin niya. Pinutol na agad 'yon ni Jun.

"M-may sakit siya." Nauutal na sagot ni Jun. Tinapunan ko naman siya ng 'alam-kong-'di-'yan-totoo' look. Alam ko naman kasing 'di totoo, nababasa ko sa mga kilos nila. Im taking psychology, remember? "A-ano . . T-totoo 'yun." Sabi niya sabay yuko.

"Jun . ." Mahinahon lang ang pagkakasabi ko pero parang sobra naman yata ang kaba nila. Pag-ganyan 'yang mga 'yan, alam kong may tinatago sila.

"May nangyari Kisha." Diretsong sabi naman ni Xander. Napatingin ako sa kanya. "Muntik na siyang rape-in ni Kaye." Nagpintig ata ang tainga ko sa narinig ko.

"ANO?!" napatayo ako sa bench and Balled my fist. "Jun!" Napatingin ako kay Jun na kanina pa nananahimik. Wala yata siyang balak ipaalam sa'kin ang nangyari eh.

"Matagal na 'yon Sha. Move on." Mahina niyang sagot.

"How can I move-on if I know that my bestfriend is almost raped by that flirt?!" Kumukulo ang dugo ko sa ginawa ni Kaye! Ugh.

"Polo palang naman 'yong nabuksan niya a-and dumating sila Baste para sunduin ako." Nakayuko pa rin siya.

"Pa'no nangyari 'yon?"

"I was . . Drunk." Bulong niya habang nakayuko pa din.

Di na ko nagsalita pa at aalis na sana palabas ng campus para hanapin ang impakta na 'yon pero napigilan ako nina Mark. "Dude, kalma!" Pag-awat ni Eli.

"Relax, nakalipas na 'yon. Tsaka wala namang nangyari eh. Napigilan naman namin." Pagpapaliwanag ni Justin.

"O-oo nga Sha." Pagsang-ayon naman ni Arvin.

Alam na alam nila kung sobra na ang galit ko kaya alerto sila lalo na pagnaglalakad kami. Nakakabadtrip naman kasi talaga 'yong ginawa ni Kaye! She's a slut! Kahit lalaki si Jun, 'di niya pa din dapat 'yon ginawa. Yes, I am very protective when it comes to AJAX. Handa akong makipagpatayan maipagtanggol lang sila kahit pa ako ang nag-iisang babae sa grupo.

"Ok. Fine!" 'Yan nalang ang nasabi ko. Pero sa totoo lang, oras na magkita kami ng malanding 'yon. I will assure na wala na siyang buhok pag-uwi niya! Grr.

-End Of Chapter-

Hello powsxz. Feel ko malapit na 'tong matapos :) feel ko lang naman 'yon. Haha.

Anyway, please also read my new story 'Forever, is it real? Is it real?' Thanks! Ang aga ko magpromote XD

[Denise_xvii]

My Bestfriend, My Lover ♥ [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!