For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Epilogue: Invisible.
Dianne Ysabella Granada

A musician once said that, [1]"The experience of being falling in love or being in love was a death, a death of everything." That quote got me. I fell in love, then I died. I died not in a wonderful like what he said but in the worst way I never thought could happen to me. I died just because I felt the emotion of loving someone. And it's worst than getting hit by a car or getting stabbed by a knife, because physical wounds can be healed, but emotional wounds will leave a scar forever.

"Chris," Bulong ko habang nakatingin sa kanyang lapida. It's been what? Four years? Six years? I lost count already. Pakiramdam ko kasi ay hindi na tumutuloy pa ang oras ko, pakiramdam ko ay tumitibok na lang ang puso ko para magbigay ng dugo sa buong katawan ko kahit durog na durog na ito. I feel like I'm a living dead. I'm a zombie. Gumagana na lang dahil kailangan mabuhay, kailangan magsurvive pero wala naman na talagang rason pa para mabuhay.

"I miss you. So, so much. I feel like I'm dying every morning na hindi kita kasama. Kung nandito ka, siguro kasal na tayo katulad ni Dominique at JP. Alam mo ba they're having their first baby na. Si Ysa naman may boyfriend na, pinakilala niya sa amin nung debut niya. Angelique's in States, umalis siya last week to pursue her modeling career. Si Louie sikat na yun, member siya ng isang sikat na banda sa bansa, Andre's with his fiancee sa States kasi doon sila magpapakasal dahil finally, tanggap na siya ng parents niya. Destiny's with Bryle of course, grabe kasi ang pagkakabakod non dun, eh," tumawa ako at pinunasan ang luhang tumakas mula sa aking mata pagtapos ng dire-diretso kong pagkukwento sa kanya. I felt the cold wind embracing my whole body. Napapikit ako, kasi kahit malamig ang hangin na 'yon ay pakiramdam ko napaka-warm nito at kinakalma ako. "Sorry kung ngayon lang ako nakapunta dito. Hindi ko kasi kayang tanggapin na wala ka na. I tried living my life the way it’s supposed to be. Sinusubukan ko kasing magpatuloy katulad nila. They're all living their life, habang ako, ito pa din. I'm still dying. Hindi ko nga alam kung paanong namamatay ako araw araw, eh sa pagkakatanda ko noong araw na nawala ka ay kasama mo na din akong nawala. I know you don't like me like this, pero anong magagawa ko? I can't live while you're dead."

Kumawala ang hikbing kanina ko pa pinipigilan.

Six years of suffering pero parang hindi pa din napapagod ang mata kong maglabas ng luha, hindi pa din napapagod ang puso kong masaktan. Hindi pa din ako napapagod magluksa sa pagkawala niya.

Galit ako kay Chris. Galit na galit ako sa kanya kasi iniwan niya ako, kasi hinayaan niya akong mag-isa dito. At hanggang ngayon na kahit naiintindihan ko na ang rason niya ay hindi ko pa din ito matanggap. I don't think I'll ever accept his reason.

I'm mad at him because I'm missing him so much. I'm missing him and I hate knowing the fact that I will never see him. Dahil kahit gaano ko pa siya mamiss ay hinding hindi ko na siya makikita. Nahihirapan ako magsimulang mabuhay ulit gaya ng dati dahil kahit anong pilit kong mabuhay ng wala siya ay may parte ko na alam kong hindi na mababalik muli.

[2]Pero hindi ganon kadaling magsimula ulit dahil hindi naman ito katulad ng isang laro na may time out kung ayaw mo ng maramdaman ang isang bagay, na pwedeng mong ulitin kapag na-dead ka na. Na pwede ka pa umulit dahil may natitira ka pang buhay. Tuloy tuloy kasi ang buhay, you can never, pause or hit play again whenever you want to. Dahil kahit gaano mo man kagustong magsimula ulit sa panibago ay hindi pupwede, dahil kahit ano pang gawin mo, may maiiwan at maiiwan ka along the way. Posibleng makarating ka nga sa dulo pero hindi ka na buo. May naiwan ka na, may umiwan na sa’yo. May nawalang parte mo.

“Dapat sinama mo na lang ako sa’yo kung ganito din naman ang mangayayri sa akin. You should’ve let me die that night. You should’ve let that raging car hit me. Pero bakit hanggang sa namatay ka ay pinoprotektahan mo din ako? Bakit hindi mo ako hinayaang makasama ka? Ayaw mo bang magkasama tayo? Ako kasi, gusting gusto ko na. Miss na miss na kita, eh.”

Invisible (BLAIV: Jump Ball Spin-Off)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!