Alam mo yung pakiramdam na nakikita mong masaya yung taong mahal mo? Ang saya di ba?

Masaya ako dahil nakikita kong masaya ang best friend ko. Sa tuwing nakikita ko yung mga ngiti niya, hindi ko mapigilan na mapangiti rin. Pero kahit ganun, nakikita kong may lungkot pa rin sa mga mata niya.

Gusto kong protektahan si Narsh. Pero ang kaya ko lang gawin ay bantayan siya mula sa malayo. Hanggang bulong sa hangin lang ang pwede kong gawin. Kahit gusto ko siya yakapin, hindi pwede.

Hindi pwede.

-------

Ang paborito kong gawin ay ang panoorin si Narsh sa paglalaro ng soccer. Ang galing galing niya kasi eh. Mabilis siyang tumakbo at maliksi. Ang rami niya tuloy na fangirls. Pero ewan ko ba kay best friend, kahit sobrang peymus na niya, torpe pa rin. Kung matutulungan ko sana siya eh.

"Oy, lagkit ng tingin mo kay Narsh ah." bulong sa akin ni Abe na ikinagulat ko naman.

"Nako, pwede naman kasing wag manggulat eh, no?" simangot ko sa kanya pero hindi ko mapigilan tumawa.

"Sarreh, old habits die hard." akbay sa akin ni Abe.

Si Abe ay isa ko pang kaibigan. fyi, babae po siya.

"Asus, paenglish english pa. Bakit ka ba andito? Di ba busy ka?"

"Hmm. Bakit nga ba? Ahh. May pinabibigay Siya sa yo." sabay abot sa akin ng isang magandang kwintas- kulay asul ito na parang langit na kapag tiningnan mo mapapangiti ka.

"Para saan daw?"

Nagkibit balikat lang si Abe tapos ay tumalikod para umalis. "Ay, paalala ko lang sayo Sharen. Wag ka masyado tumitig sa abs ni Narsh. Alam kong yummy, pero bawas-bawasan. Alam mong bawal." Lumingon siya sa akin may kasabay na wiggle ng eyebrows niya.

Binato ko siya ng pinakamalpit na bagay na pwede kong hawakan. "Luka! Akala ko naman seryoso. Alam ko no. At di ako sa abs niya nakatingin!"

Tumawa lang siya tapos sumigaw ng, "kdot!" habang papalayo sa akin . Sinuot ko na lang ang bigay na kwintas sa akin at bumalik sa pinanggalingan ko.

-----

"Pare, parating na si Alice!" narinig kong sabi ng kaibigan ni Narsh na si Amiel.

Pagkasabing pagkasabi pa lang ni Amiel ay nag-ayos agad siya ng buhok. Nagpapagwapo ba. Nakakatawa lang siyang tingnan. "Ayos ba?"

Thumbs up naman ang binigay ni Amiel sa kaibigan.

Huminga si Narsh ng malalim at sinubukang lapitan ang paparating na si Alice.

Kinabahan siguro tong bff ko, imbes ba naman kasing lapitan ng maayos tong si Alice eh binunggo pa! Naker, kemalas nga naman.

"I'm sorry di ko sinasadya." sabi ni Narsh habang tinutulangan pulutin mga gamit ni Alice.

"Ah, no problem. Salamat ah." ang bait ni Alice no? Kaya siya crush ni Narsh eh, ... di katulad ko.

"Uh..ano.. Sorry talaga ah."

"Sus, ayos lang yun." tinapik ni Alice si bff tapos deretso sa upuan. Dumeretso na rin tong torpe kong kaibigan sa kanyang upuan.

'Ano ba yan Narsh? Pati yun ba naman palpak?' bulong niya sa sarili then he sank in his uncomfortable chair.

Pagkatpos ng klase, nakita ko si bff na nakaupo sa may locker room ng soccer team. Nakatitig sa sahig. Ang lungkot lungkot niya. Siguro dahil sa nangyari kanina.

The Butterfly EffectBasahin ang storyang ito ng LIBRE!