Chapter Eigthteen

25 0 0

Nicole's POV

Napaka-rich kid nito ni Kevin. Ginagawang pasyalan ang ibang bansa! At nakaka-imbyerna ng bonnga 'yung lalaki sa may Caf. akala mo naman gwapo siya!

Nasa room na ako ngayon at walang ginagawa yung classmate ko kung hindi ang dumaldal.

"Hoy Nicole, Nakikinig ka ba sa usapan?" Tanong sakin ni Meg.

Well, akalain mong may naging close ako sa classroom. At kasalukuyan naka-bilog ang mga upuan dahil nag kw-kwentuhan ang lahat.

"Alam mo, 'yung pake ko sayo parang forever..." Mukhang naguluhan siya sa sinabi ko. "...Wala" nagtawanan yung iba.

"Bitter sa forever 'to o!" Sabi naman nung isa.

"Buti yung pagka-bitter ko nasa forever lang, yung sayo kasama pati mukha. Sad!" Sagot ko sa kanya sabay irap

"Maldita as ever" Sabi niya, hindi ko na siya pinansin.

Nakakainis kasi sila Mike, kanina ko pa sila tinatanong anong problema nila palagi nilang sinasabi

"Problema ko? Gusto ko kasi maging gwapo kahit isang araw lang. Hirap kasi kapag araw araw"

Odiba? Parang tanga. Nakakapikon, Letse! Feeling ko talaga may tinatago sila sakin e.

****************************************************************

Uwian nadin, Hay jusko! I want bakasyon now.

Masarap tumambay ngayon ha? 4 pa lang naman. Kaya tatambay muna ako.

Papunta na akong tambayan ng tahimik at maganda ang mood kaso may narinig akong nag uusap sa harap ko. Well, kasunod kasi nila ako.

"Kilala mo si Nics Imperial? Grabe 'yon girl! Nakakainis siya kasi halos na ng pogi sa kanya nalapit! Akala mo naman maganda ugali! Patapon din naman. Nakakainis talaga!" Odiba? Hindi ko alam na ganito ako kasikat.

"O? Pano mo naman nasabi na lahat? Eh gwapo rin naman ex-boyfriend mo ha? Ba't mo iniwan?" Sabi nung kaibigan niya.

"Duh? Kanina lang may kasama nanaman siyang pogi. Nabangga niya ata, If I know sadya niya 'yon! Para mapansin siya. I want to pull her hair na! Tsaka anong gwapo? Mas hot naman sa kanya si Mike 'no! Lalo na't kinausap niya pa ako kanina! Dumiskarte pa ako para lang makausap! May chance na." Tuwang tuwa yung babae. Ah ganon ha?

Ayokong makikita 'tong ipis na 'to na masaya! Lumapit ako sa kanila ng konti.

"Excuse me?" Singit ko sa usapan nila, Parehas silang nagulat pagka-lingon nila sakin at nakita nila ako.

"Ahm... y-yes?" Sabi nung babae, O tapos namutla siya.

"I heard that you were talking about Mike. San nyo siya nakita?" Tanong ko, Kunyari walang narinig.

"Ah! Sa may building nila ganda!" Ngumiti siya sakin. Anong ganda ka dyan? Kakasabi mo lang na ang pangit ng ugali ko?!

"Ay thank you!" Nilampasan ko sila ng konti, pero binalikan ko sila. "Oh by the way"

"Bago mo sabihin ang opinyon mo siguraduhin mo munang may nag tatanong, wala akong pakialam kung ayaw mo sakin. Bakit? Gusto ba kita? Buti sakin ugali lang ang patapon e sayo yung buong mukha? Tago ka sa bag mo minsan para hindi ka nakakagulat. Tsaka ang plastik ng buong pagkatao mo kaya wag mo itago ang pimples mo kase 'yan ang natitirang totoo sayo. Kung may papansin satin ikaw 'yon kasi ako napapansin kahit hindi nag papansin ikaw kailangan pang dumiskarte para lang mapansin." Inirapan ko babae.

"Yon lang. Ingat ka! Mainit ngayon. Mag payong ka, mas makakasama sa ozone layer kapag nasunog ka." Dagdag ko nginitian ko siya ng bahagya tapos tinalikuran ko na sila.

Ugh! Nakakainis! Mag co-coffee shop nalang ako. Peste!

"O? Bakit nakasimangot ka?" Nagulat ako sa sumabay sa paglalakad ko. Si Drew

"Alam ko kasing dadating ka. Nakakasira ka ng araw" Sabi ko sa kanya.

"Ah! Buti pag nanalamin ka hindi nasisira ang araw mo?" Pang aasar niya.

"Ay bakit ina-apply mo sakin ang gawain mo?" Akala niya ba maiinis niya ako?

"Ha-ha-ha-ha! Laughtrip!" Sarcastic niyang sabi.

"Ay talaga? Mas laughtrip pa sa mukha mo bes?" Inirapan ko siya. Hindi siya nakasalita. Odiba? Pikon siya ngayon.

"Hay nako. San ka pupunta?" Tanong niya sakin nung makarating kaming parking lot.

"Coffee Shop" Sagot ko

"Ah." Hindi ko alam kung bakit hanggang dito nasunod siya. Tumigil ako, tumigil din siya

"Ano? Pinapatunayan mong may forever? Walang forever dude kaya wag kang sumunod." Sabi ko sa kanya.

"E ano naman? Gusto ko rin mag kape bakit ba?!" Ngumsi siya sakin. Ugh!

Hindi ko na siya pinansin. Sumakay na ako sa sasakyan ko, nakita kong sumakay siya sa motor sa tabi lang ng sasakyan ko. Tibay nito, Mamahalin pa ang motor!

Hindi naman malayo ang coffee shop dito kaya naman saglit lang ang pag d-drive at andito na agad ako.

Pagbaba ko e sakto namang dating ni Drew, Hindi ko siya pinansin. Hindi siya kapansin pansin bwisit!

Pagpasok ko sa loob e halos bilang lang sa daliri ang tao. Pumunta na ako sa counter para maka-order. Nagulat naman ako at nasa tabi ko na si Drew.

"Bakit ang konti ng tao?" Sabi niya habang tumitingin sa menu. "Mahal naman pala kase" Dagdag niya.

"Buti pa ang kape nag mamahal, E ang girlfriend mo? Hays! Condolence." Pang aasar ako sa kanya, tinignan niya lang ako ng masama.

Tapos kong um-order ay umupo ako sa couch. Iniwan ko na si Drew since hindi ko naman talaga siya kasama, sariling desisyon niya ang pagpunta dito. Hindi ko siya niyaya.

At ang walang hiya ay umupo pa sa harap ko. Aba!

"Maluwag dito Drew, wag mong ipagsik-sikan ang sarili mo sa taong ayaw sayo, Gets mo na siguro na ayoko sayo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Hindi niya ako pinansin, naka-po face lang siya. Edi wow! Hindi narin ako kumibo, Snob na siya! Peymus.

"Hey." Napatingin ako nung nagsalita siya.

"May tatanong ako" Tuloy niyang sinabi

"What?" I asked. I took a sip on my frappe and look straight into his eyes.

"Nangyare na ba sayo na lagi kang may napapaginipan na tao pero hindi mo alam sino siya dahil blurred?" Tanong niya.

"No. Tanong mo sa manghuhula baka may meaning 'yan." Pagtataray ko

"Tss. Nevermind" Umiling iling nalang siya.

Hindi ako kumibo, ewan ko pero bigla akong kinabahan. Bakit ba kasi siya nag tatanong ng ganon?!

---
Nicole on the side! ❤️😍

HisBasahin ang storyang ito ng LIBRE!