Chapter 17: A Bottle of Memories (01/03/2017) NEW UPDATE

14.2K 374 50

Ito na iyong dulo nitong story na binago ko na iyong scene. Kung reader ka dati nito eh mapapansin mo na may nagbago.

Starting from this ay magtutuloy-tuloy na ang mga bagong updates ko. Ang revision ay tapos na :)

Thank you for waiting ^^

==

CHAPTER 17: The Bottle of Memories

"TAMA na 'yan, Cedrick, sasama na ako sa 'yo. Kaya please lang, huwag mo na silang pahirapan!" umiiyak nang pagsigaw ni Elise.
Napangisi si Cedrick saka na nito nilubayan si Raven. Hinagis pa nito mula sa malayo ang espada ng lalaki. Saka unti-unting lumapit sa kanya pero bago pa man ito tuluyang makalapit ay nakalapit na sa kanya sina Rodrigo at Betchay na parehas na hinang-hina pero pinilit pa rin na lapitan siya.
"Anak, ano bang sinasabi mo? Sasama ka sa demonyong 'yon? Hindi ka ba natatakot sa kanya? Nakita mo naman na may kapangyarihan siya hindi ba? Baka kung ano ang gawin niya sa 'yo, anak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala ka na naman, anak. Maawa ka naman sa akin, anak, huwag kang sasama sa kanya!" naghi-histerikal na muli si Betchay. Natatakot nang mawalay ulit sa anak.
"Hangal. Marahil nga ay ikaw ang mortal na nagdala sa kanyang sinapupunan para mabuhay sa mundong ito si Elise pero pag-aari ko na siya simula pa noon. Buong buhay kong tatanawing utang na loob sa 'yo ang pagbuhay sa kanya pero binayaran ko na ang lahat ng iyon. Sobra-sobra pa nga hindi ba? Nang dahil sa akin ay nabuhay ang anak mong si Calvin kaya nararapat lamang na ibalik ninyo kung ano naman ang para sa akin," sabi pa ni Cedrick.
Tiningnan na lamang niya ng masama si Cedrick. "Pakiusap lang, hayaan mo akong kausapin ng masinsisinan ang mga magulang ko bago ako magpakakulong na naman sa 'yo!" sabi niya.
Dahil doon ay nanahimik na lang si Cedrick.
Hindi na niya ito pinansin at niyakap na lang niya ang ina. "'Ma, mahal na mahal ko po kayo at palagi ninyong tatandaan iyan. Hindi ako natatakot kay Cedrick dahil alam ko na hindi niya ako kayang saktan pero sa maaari niyang gawin sa inyo ang kinatatakutan ko. Sana maintindihan po ninyo kung bakit kailangan kong gawin ito," pagpapaliwanag niya.
"Hindi, Elise, hindi kailangan dahil handa akong labanan siya para maipagtanggol ka," pagmamatigas pa rin ng hinang-hina nang si Raven.
Nilingon lamang ito ni Cedrick at sa isang iglap ay tinamaan na ito ng maliliit na batong pinagalaw lamang ni Cedrick sa pamamagitan ng isip nito.
"AAAAHHH!!" napahiyaw sa sakit si Raven dahil nagmistulang patalim ang mga maliliit na batong iyon na nakapagpasugat sa katawan nito.
Humalakhak si Cedrick. "Makulit ka. Iyan ang napapala mo," muling pang-aasar nito.
Hindi na siya nakapagpigil at nilapitan na niya si Cedrick para sampalin. Nagulat ang lahat sa ginawa niya. Lalo pa at bakas na ang takot sa mukha ng mga taong nakapaligid sa kanila.
"Sinabi ko nang tigilan mo na, Cedrick, hindi ba? Ano pa bang gusto mo, ha? Gusto mo ba talagang lahat na lang ng taong mahalaga sa akin ay papatayin mo?!" Napasigaw na siya. Aminado siya sa sarili na duwag siya at si Cedrick ang pinakatinatatakutan niya sa lahat pero hindi na rin siya makapagtimpi. Sumosobra na ito.
"Kung kinakailangang iyon ang gawin ko ay hindi ako mangingiming gawin para lang makuha ka, Elise," seryosong sabi ni Cedrick saka nakipaglabanan ng titigan sa kanya.
Lumipas pa sila ng ilang segundo na nagtititigan lang  hanggang sa hinila na siya nito paalis doon at wala na siyang nagawa kundi ang umiyak na lamang habang nakatingin sa papalayong mga mahal niya sa buhay.
Napansin niya na naikuyom na lang din ni Calvin ang kamao nito at umiwas na ng tingin. Siguro ay dahil alam nito na nakapagdesisyon na siya na hindi na lamang lumaban. Ang Mama Betchay naman niya ay umiiyak na lamang sa dibdib ng Papa Rodrigo niya.
Muli ay nalayo na naman siya sa mga ito. Dahil muli na naman siyang makukulong sa mundo ni Cedrick.

=======
= II =
HALOS KALADKARIN siya ni Cedrick papasok sa palasyo nito. Nakatingin lamang ang mga katulong sa kanila habang nadadaanan nila ito. Maging si Faith ay para bang nakikisimpatya rin sa kanya dahil nakita ng mga ito na nahuli na naman siya ni Cedrick.
Agad na isinara ni Cedrick ang pinto nang sa wakas ay makapasok sila sa kwarto nila. Nanginginig ang mga kamay niya sa takot dahil damang-dama niya kung gaanong galit na galit si Cedrick. Marahas ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Mahigpit... Kaya hindi na siya magugulat kung sakali mang saktan siya nito.
Bigla na lamang siya nitong papabalibag na itinulak sa kama. Saka ito dumagan sa kanya at nakita na naman niya ang nanlilisik na mga mata nito. Nagliliyab ang mga iyon sa sobrang galit. Galit marahil para sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtakas.
Pero sa gulat niya ay bigla na lamang siya nitong niyakap. Saka niya naramdaman na parang namamasa ang leeg niya. Patunay lamang na umiiyak si Cedrick!
Hindi siya makapaniwala. Ang lalaki na halos na kinatatakutan ng lahat at nagliliyab sa galit kanina ay umiiyak ngayon sa dibdib niya!
"Bakit, Elise? Bakit mo ako nagawang iwan? Bakit kahit na ginagawa ko naman ang lahat para sa 'yo ay gano'n na lang kadali para sa 'yo ang kalimutan ako? Bakit hindi mo ako maalala? Bakit hindi mo ako magawang mahalin?" malumanay ang boses na sabi nito na para bang isa itong kaawa-awang bata.
Nanlaki ang mga mata niya. Para bang anghel ang nagsalita sa lumanay ng boses ni Cedrick. Bakit parang... Nakakaramdam siya ng awa? Para bang punong-puno ng pananabik ang boses nito at kung magsalita ito ay parang napakatagal na panahon nang hindi sila nagkita?
"Cedrick..." anas niya.
"Kung inaakala mo na matatakasan mo ako ulit ay nagkakamali ka, Elise. Mas gugustuhin ko nang isipin mong masama ako kaysa ang mawala ka pa sa akin ulit. Kaysa makuha ka pa ulit sa akin ni Limone. Hinding-hindi ako makapapayag, Elise. Hinding-hindi..." sabi pa nito.
"Cedrick..." Naramdaman niya na parang humihigpit na ang pagkakayakap sa kanya ni Cedrick. Para bang nagiging marahas na naman ito at biglang nawala ang pagiging maingat nito ngayon-ngayon lang.
"Ayaw kong gawin sa 'yo ito, Elise. Masyado ka pang bata at mas gusto ko sanang unti-unti mong matuklasan ang katotohanan pero hindi mo ako binibigyan ng pagpipilian. Sa tingin ko ay kailangan na kitang itali sa akin. At bibigyan kita ng dahilan para manatili..."
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ni Cedrick. Hindi kaya pagsasamantalahan siya nito?
Nangyari nga ang nasa isipan niya dahil bigla na lamang siyang siniil ng halik ni Cedrick. Ramdam na ramdam niya ang init ng mga labi nito sa mga labi niya na bahagya nitong ibinuka para tuluyang maipasok ang dila nito sa loob niyon.
Pilit niyang itinutulak si Cedrick ngunit katulad ng palaging nangyayari ay nababalewala lamang ang lahat ng mga efforts niya dahil napakalakas nito.
Naglikot na rin ang mga kamay nito at unti-unti na iyong humahaplos sa iba't-ibang bahagi ng katawan niya. Hinahalikan na rin nito ang lambot ng balat niya at pakiramdam niya ay nakakaramdam siya ng pag-iinit. Sa edad ni Cedrick na halos higit pa sa kalahati ng edad niya ay normal na para rito na maging mahusay pagdating sa pang-aangkin ng isang babae. Hindi katulad niya na ni walang karanasan sa bagay na iyon.
Ipinaparamdam sa kanya ni Cedrick na walang ibang babaeng mahalaga para rito no'ng mga sandaling iyon kundi siya lamang. Bahagya siyang nakikiliti sa bawat halik na dumadampi sa malambot niyang balat. Ang bawat haplos nito ay para bang pagtuklas niya sa mundo ng pagnanasa.
Hanggang sa naglakbay ang mga kamay ni Cedrick pailalim. Hinahaplos na nito ang legs niya na nagpapatayo sa mga balahibo niya sa katawan. Hanggang matunton ng mga daliri nito ang kaselanan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla nito iyong ipinasok sa loob ng panty niya at doon ay bahagya nitong hinahaplos ang kanyang pagkababae!
Nagulat man ay unti-unti rin siyang napapikit. Isa siyang impokrita kung sasabihin niya na hindi niya gusto ang ginagawa ni Cedrick. Sa buong buhay niya ay walang ibang nakahawak niyon kundi siya lamang at ang mga magulang niya. Para bang sinusunog ng apoy ang kanyang pagkababae dahil sa init niyon kasabay na rin ng malakas na pagtibok ng puso niya.
Alam ng katawan niya na gusto niya ang sensasyong dumadaloy sa kanya ngayon pero hindi iyon ang sinisigaw ng utak niya. Ramdam na ramdam niya ang malaking daliri ni Cedrick na kasalukuyang humahaplos sa pagkababae niya...
Biglang bumalik sa balintanaw niya ang mga magulang niya na kapwa nasaktan ni Cedrick kanina. Lalo na sina Raven at Kuya Calvin niya na kapwa bugbog sarado na ang buong katawan.
Dahil doon ay ubod ng lakas na itinulak niya si Cedrick palayo na agad namang ikinagulat nito dahil marahil ay nararamdaman na rin nito na bahagya na siya nitong nadadala kanina dahil sa galing nito sa kama.
"Elise, talaga bang sinasagad mo ang pasensya ko?" Biglang naging matalim ang mga mata nito. Para bang nainsulto ang pagkalalaki dahil sa pagtulak niya.
Pero hindi siya nagpatalo roon at tinitigan din niya ito sa mga mata. "Ikaw ang sumasagad ng pasensiya ko, Cedrick! Sa tingin mo ba talaga ay mapapatawad kita gayong pinagtangkaan mo ang buhay ng lahat ng taong mahal ko? Sa tingin mo ba talaga ay magagawa kitang mahalin kung puro na lang paghihirap at takot ang pinararamdam mo sa akin?!" Siya naman ngayon ang sumigaw.
Bahagya itong natigilan. Pero maya-maya ay ngumisi rin. "Hindi ako manhid, Elise. Marami na akong babaeng naikama kaya nababasa ko na ang galaw ng katawan mo kanina. Gustong-gusto mo ang ginagawa ko sa 'yo hindi ba?" Biglang lumapit muli si Cedrick at hinawakan ang baba niya.
Nagtama ang mga mata nila at naalala niya na ang kamay ding iyon ang kamay na humawak sa pagkababae niya kani-kanina lamang. Dahilan para umakyat ang lahat ng dugo sa mukha niya.
"Buong buhay mo ay nasundan ko, Elise. Ikaw ang tipo ng tao na madaling basahin kung ano ang tumatakbo sa isipan. You're just a simple girl and that is one of the reason why I'm loving you even more. Hindi ako manhid kaya alam ko na gusto mo rin ako," confident na sabi nito.
Tinabig niya ang kamay nito na nasa pisngi niya. "Physical attraction? Maaaring totoo, Cedrick pero ang puso ko ay hinding-hindi mapapasa 'yo. Masyadong malalim ang galit ko sa 'yo to the point na natatabunan na iyon ng kung anumang nararamdaman ko para sa 'yo! Hinding-hindi kita mapapatawad kahit na kailan kaya huwag ka nang umasa na mamahalin din kita! I hate you, Cedrick!"
Muling nagdilim ang mukha ni Cedrick nang dahil sa sinabi niya. "Ang akala mo lang ay mahal ka nilang lahat, Elise pero sa mundong ito ay walang ibang makakaintindi at magmamahal sa 'yo ng ganito katapat kundi ako lamang. Darating ang panahon na ta-traydurin ka nilang lahat at ako lamang ang nag-iisang nilalang na mananatili sa tabi mo." Iyon lamang at bahagyang lumayo sa kanya si Cedrick at lumapit sa isang cabinet na naroon.
"Sa tingin ko ay oras na para unti-unti mong matandaan ang nawala mong ala-ala, mahal ko. Sa oras na mabalik muli ang lahat-lahat tungkol sa 'yo ay saka mo lamang malalaman kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito para sa 'yo. Kung bakit ko pinipilit ang pag-iibigan natin anuman ang mangyari. Kung ako ang tatanungin ay ayaw ko na sanang ipaalala pa sa 'yo ang lahat. Umasa ako na mamahalin mo rin ako kahit pa wala ang mga ala-ala ng nakaraan pero mukhang nagkamali ako..." May inilabas si Cedrick na isang maliit na botelya mula sa cabinet na iyon. At sa gulat niya ay bigla na lamang iyong nagliwanag matapos ng bahagyang pagkumpas ni Cedrick doon.
"Ikaw, ano ka ba talaga? Bakit ka may kapangyarihan?" Hindi niya mapigilang maitanong habang paatras ng paatras mula sa ulunan ng kama habang papalapit naman ito.
"What you see is what you get, Elise. Hindi ako normal at hindi ka rin normal katulad ko. Nandito ako sa mundong ito para sa 'yo at para ka lamang sa akin. At sa tingin ko ay kailangan mo nang unti-unting maalala iyon." Tuluyan nang nakasampa sa kama si Cedrick.
Saka nito ininom ang laman ng botelya saka lumapit sa kanya. At katulad kanina ay hinawakan muli ang baba niya. Saka bigla na lamang siyang hinalikan nito habang nasa bibig pa nito ang laman ng botelya na ininom nito kanina.
Nanlaki ang mga mata niya nang malasahan niya ang manamis-namis na laway ni Cedrick na nahaluan ng kung anumang ininom nito mula sa botelya. Para bang sa isang iglap ay may humigop sa pagkatao niya papunta sa ibang dimensyon at sumakit ng todo ang ulo niya. Bahagya siyang nahilo at agad na natumba pahiga sa kama.
Unti-unting nawalan ng kulay ang mga mata niya at natulala niya sa kawalan. Para bang hinigop ang kaluluwa niya paalis sa katawan niya at napunta siya sa ibang dimensyon.
At doon ay namalayan na lang niya ang sarili na nasa anino ng nakaraan. Mayroong isang babae at lalaki ang nakahiga sa isang kama. Nanlaki ang mga mata niya dahil nakita niya ang sarili niya kasama si Cedrick. Pero alam niyang wala siya roon dahil para lamang siyang nanonood ng isang pelikula at nakasakay siya sa isang bula.
"Mahal na mahal kita, Madisson. Wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang..."
"Mas mahal kita, Onyx..."
At doon ay naghalikan ang dalawa at tuluyang may naganap sa mga ito.

16) My Handsome Stalker (Mystery/Romance)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!