12th Avenue

5 2 0

I was furious when I heard his voice. Anong ginagawa ni Bryan dito? At nakakabwisit talaga ng araw ang boses niya na maririnig ko pang nag-uutos.

"Dad, ano 'to? Anong ginagawa niya dito?" I lowered my voice pero mariin kong sinabi ito. I couldn't believe he's here. Hindi talaga. I'm still not okay with him. Alam kong may hidden agenda siya kay Ry. I know it and I feel it.

"I'll explain later. Come in," Then he asked me to come inside the room.  Malaki yung room, nasa gitna ang table at malapit sa bintana ang pwesto. Lalong kumulo ang dugo ko. Pinagkagastusan pa talaga siya ni Dad? Kapal ng mukha.

"Good day, Bryan." Bati ni Dad, nag-angat ng tingin sa kanya si Bryan at ngumiti. Agad napawi ang ngiti niya nang mapatingin siya sa nakabusangot kong mukha. I closed my fist to control myself.

I sat at the couch in front of his table and looked at him. Tumingin siya ulit kay Dad na nakatayo at ngumiti.

"Have a seat po, tito." Dad sat in front of him. "How's life po? Nakauwi na pala si Terrence," Tumingin siya ulit, half-smiling. Dmn, nananadya ang lalaking 'to.

Nagpigil ako ng sarili ko na masuntok siya hanggang sa matapos sila mag-usap ni Dad.

"Dad, what the hell?" I hissed pagkalabas namin ng HR office.

Tuloy-tuloy naglakad si Dad, "Let's talk inside my office."

So we went there, padabog ko pang sinarado ang pinto. "Dad, ayaw ko siyang nandito. He's trying to steal my girlfriend!"

Dad looked at me and sat on his swivel chair. "Is he?" I nodded and massaged my temples. God. I'm so frustrated right now. Ang makita si Bryan ay lalong nagpapagalit sa akin. I can't even control myself anymore, konti na lang.

"He's just trying, hindi pa niya naaagaw. Papayag ka ba?" Nag-isip ako. Of course! I won't let that happen. Hindi ako magpapatalo. Kahit noon pa man, ayaw ko nang magpatalo kay Bryan sa kahit anong paraan o laro. Hindi, sa kahit ano pang paraan. Lalo na kung si Ry na ang pinag-uusapan. She's not a game, but I won't let Bryan win her heart.. again. Never.

"No, Dad. Not with the one I love the most. Not with her."

Nagpaalam na ako kay Dad. Nawala na ako sa mood mag-stay. Just by thinking of Bryan near me, I just want to kill someone. Kaya nagdesisyon na akong umuwi. But fate was just playful, nagkasalubong kami ni Bryan sa hallway sa ground floor. He smirked at me and I kept on controlling myself and just ignored him. 

Bago pa ako makalagpas sa kanya ay nagsalita siya.

"Hindi yata kayo magkasama ni Ry. What's going on?" I looked at him to see his smirking face. Hindi ko alam pero alam kong konti na lang ang pasensya ko.

"Why do you care? Are you after her?" Naikuyom ko pa ang kamao ko at nilapitan ko siya.

Ngumisi siya ulit, "Maybe yes or no, either of the two, I still like her." Iyon na ang hudyat ko para suntukin siya sa panga. Napahiga siya sa sahig.

Nagsigawan naman ang mga tao sa lobby. Agad naman kaming nilapitan ng mga guard at inawat kaming dalawa.

Dumura siya ng dugo at tumawa ng mahina. "Iyon lang 'yon? Hindi talaga siya mapapasaiyo." Tumakbo ako at lalo pa siyang sinuntok.

Sa Lugar Na 'Yon (Season 2) Pagong ang UpdateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!