A LITTLE FAVOR

1 0 0

Abalang-abala si Micai sa paglalaba. Araw iyon ng lingo at nakagawian na niyang maglaba. Ang paglalaba ang kanyang paraan ng pag-aalis ng stress sa katawan. Ang bawat kusot at kuskos ng brush ay katumbas ng mga reklamo at hinaing na hindi niya mailabas. Sino ba ang hindi kukulot ang buhok sa stress kung mula lunes hanggang biyernes ay walang patid kung magbigay ng utos ang boss niya? Hindi yata nito napapansin minsan na tao pa siya na kailangang huminga maya't-maya kaya ganoon na lang ito kung makautos. Mula sa pagfax, pagphotocopy, pag-encode, pagtimpla ng kape, juice o ice tea, pag-ayos ng napakagulong schedule nito, pagpalit ng theme color ng opisina buwan-buwan ayon sa mood nito, pagbili ng sapatos, abubot at damit kapag wala itong panahon tuwing may okasyon at kung anu-ano pang utos na hindi na yata nararapat sa sekretaryang tulad niya. Pero gaya ng laging nangyayari hindi niya kayang tumanggi o magreklamo. Ngingiti lang siya na animo'y nasisiyahan pa sa ginagawa. Ganoon na talaga siya, hanggang sa utak lang kayang magreklamo pero hindi niya kayang isatinig ang mga nararamdaman.

Mabait naman ang boss niyang si Maya, malaki nga kung magpasahod. 'Yon nga lang workaholic ito at topakin. Magkasing edad lamang sila at ito rin ang tanging kaibigan na hindi siya kailanman iniwan lalo sa mga panahong akala niya ay siya na lamang mag-isa sa buhay. Kaya kahit anuman ang mga pinagagawa nito sa kanya ay hindi niya kailanman ito maiiwan. 

Ng tapos na siyang maglaba ay ang paglilinis naman ng kabahayan ang kanyang pinagtuunan. Dalawang palapag ang bahay at may tatlong kwarto ngunit siya lang ang mag-isang nakatira. Tatlong taon na mula ng mamatay ang kanyang ama sa isang vehicular accident, samantalang ang kanyang ina naman ay namatay sa panganganak sa kanya. Wala siyang kapatid at ang mga kamag-anak naman niya ay nasa malalayong probinsiya na nakikita lamang niya tuwing may kinakasal, binibinyagan o di kaya'y may namamatay. Ang tanging kasama niyang mga nilalang sa bahay ay ang dalawang taong gulang na aso niyang si Goldie at ang dalawang koi fish na sina Martin at Pops.

"Hello?" Sagot ni Micai ng tumunog ang kanyang cellphone. Nakatungtong siya sa backrest ng sofa habang pinapalitan niya ng kurtina ang mga bintana ng kanyang sala.

"Micai... I badly need your help." At narinig pa niyang suminghot-singhot ito.

Well, looks like this Sunday is not going to be a rest day after all.

Maya Sta. Maria this should be good!

"Ano ba talagang nangyari boss? Kanina pa tayo pinagtitinginan ng ibang kumakain dito, baka akalain ng mga 'yan na ako ang umaway sa inyo". Nasa loob sila ng isang sikat na restaurant at simula ng dumating siya roon ay wala na itong ibang ginawa kung 'di umatungal ng iyak.

"Micai, tell me, masama ba akong tao?" Tanong nito ng bahagya na itong kumalma subalitt hilam pa rin sa mga luha ang mga mata nito.

"Boss naman, ano bang klaseng tanong 'yan?" Kinuha niya ang wine glass at tumungga muna doon bago muling nagsalita. "Siyempre, oo." Walang anu-ano ay umatungal na naman ito ng iyak kaya binawi agad niya ang naunang sinabi. "Nagbibiro lang ako. Ano ka ba? You know you're not only my boss but my only friend as well. Kilala na kita sa loob ng halos pitong taon. At kahit halos patayin mo ako sa dami ng mga pinagagawa mo eh sa paningin ko ay isa ka pa ring anghel na pink ang feathers."

"Kung anghel ako bakit ayaw niya sa akin?"

"Sino ba naman kasi iyang tinutukoy mo? At saka lately napapansin ko lagi ka na lang aligaga at panay cancel mo ng mga nauna mo ng appointments. Ano ba talaga ang nangyayari ha? Saan ka nagsusuot tuwing umaalis ka sa opisina." Hindi pa rin ito sumagot. "You know I can never really help you if you won't tell me what's going on." Ganoon na talaga sila mag-usap. Kahit naman kasi sekretarya lang siya nito, siya ang naging takbuhan nito sa mga ganoong uri ng moments at nakikinig naman ito sa kanya kahit papaano.

JUST ONE DAYBasahin ang storyang ito ng LIBRE!