Tulalang isinubo ko ang chips habang nanunuod kami ng movie. Comedy na ang genre nito pero hindi ko pa rin magawang tumawa o mapangiti man lang.

Kanina ay nagpaalam ako kay Tita at daddy na mag-o-overnight kami dito kina Tricia dahil sa kunwari ay madaming schoolworks at pumayag naman sila kaagad. Pagkatapos ng nangyari ay hindi ko na nagawang umuwi ng bahay. Nagpadala na lamang ako ng damit at ipinabigay ang phone ni Ethan.

Honestly, hindi ko pa talaga siya kayang kausapin. Kung hindi namin naisipang mag-overnight, panigurado na tatadtarin niya ako ng tanong at kukulitin ng kukulitin hanggang sa magsabi ako ng totoo. Syempre ay hindi pwedeng mangyari iyon dahil gusto ko ngang lumayo, makapag-isip-isip muna.

Oo, mahirap ang umiwas pero mas mahirap iyong makikita at makakausap mo nga siya tapos ay hindi mo maiiwasang maisip na may gusto na siyang iba, na magkaibigan lang kami. Just friends.

Siguro ay karma na ito dahil hindi ko tinupad ang aking palaging sinasabi dati na hinding-hindi ako magkakagusto kay Ethan. Ngayon ay napatunayan kong hindi pala talaga mahirap gawin 'yon. Hindi mahirap mahalin si Ethan not just because of his good looks, kundi pati ang buong siya.

"Ano nang plano mo? Don't tell me iiwasan mo na naman siya?" tanong ni Tricia na nasa aking kaliwa. Sa iisang kama lamang kami matutulog. Ako ang nasa gitna samantalang silang dalawa ay nasa magkabilang gilid ko.

I took a deep breath then shrugged. I really don't know. Kagaya ng kanina ay hindi ko pa rin alam kung ano ang tamang gawin but I won't deny na tanging pag-iwas kay Ethan ang nasa isip ko ngayon. Sabi nga nila, habang maaga pa'y mas mabuting umiwas na bago ka tuluyang mahulog.

"Bakit hindi mo sabihin kay Ethan ang totoong nararamdaman mo? Kung totoo mang nagkabalikan na sila ni Stephanie at mas pinili niya ang babaeng iyon kesa sayo, then fine. At least nasabi mo ang nararamdaman mo. Ang unfair din kasi pag bigla-bigla mo siyang iiwasan ng wala siyang kamalay-malay bakit," ani Nikki.

Bumaling ako sa kaniya at napakagat sa ibabang labi. "Hindi naman ganun kadali 'yon. Isa pa, alam niyo kung gaano ka-playboy si Ethan. Kahit mabreak sila ni Stephanie ng paulit-ulit at sakali mang lumapit siya sa akin, hindi ko alam kaya ko ba siyang tanggapin dahil sa huli, magagaya rin ako sa mga babae niya. Natatakot ako..." bagsak ang balikat na sagot ko.

Ito ang pinakaunang pagkakataon na nakaranas ako ng ganitong klaseng takot. Hindi ko alam anong mas gusto ko, ang manatling maging magkaibigan kami ni Ethan o mataas pa. But one thing's for sure, mas makabubuti yoong una.

Kapag nanatili kaming magkaibigan, walang masyadong problema. Walang alalahanin like LQs, breakup, and whatsoever. Ang problema lang, hindi ako sigurado kung kaya kong makitungo sa kaniya kagaya ng dati. Alam kong hindi na maiiwasan ang mailang sa kanya dahil nga sa buwisit na feelings na yan. Bakit pa kasi nauso ang salitang friendzone.

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Tricia. Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay at tumungin ng mataman sa akin. "Naiintindihan namin. If that's what you want. Basta wag mong kakalimutan na we're just here to support you. Pero Yannah, please habang maaga pa sabihin mo na kay Kit. Pinsan ko 'yon, syempre ayaw ko rin na masaktan siya."

Natigilan ako. Oo nga pala, si Kit. Nang dahil sa sobrang pag-iisip kay Ethan ay nakalimutan ko na ang tungkol sa kanya. Posible bang magkagusto sa dalawang tao at the same time? Parang hindi kapani-paniwala. Sobrang crush na crush ko si Kit--

Crush.

That word hit me. Malaki ang pagkakaiba ng salitang crush o like sa love. Ni minsan ay hindi sumagi sa aking isip na mahal ko na si Kit. Ugh. Ang tanga-tanga ko para magmahal sa maling lalaki.

Andyan na sa tabi si Kit, ang lapit-lapit na niya. Bakit hindi na lang siya ang minahal ko? Bakit hindi na lang siya Yannah?

Pinilit kong ngumiti kay Tricia. "Wag kang mag-alala, alam ko 'yon. Ayoko ring masaktan si Kit dahil espesyal siyang kaibigan sa akin. Sobrang buti niyang tao. I don't want him to get hurt just because of a fool like me."

My Lovely GirlBasahin ang storyang ito ng LIBRE!