"Hahahahahahahaha! Anong magagawa ko e gusto mo ng intense na convo at may pagkagreen minded ka pa?"

"Di ako green aah!"

"Hahahahahahahahahahahaha! Nakakatawa talaga yung reaksiyon mo, Angel."

"Grabe ka talaga, Kira!"

"Hahahaha oo na! Gagang 'to! Pikon!"

"Tara sa swing tayo." aya ko sa kanyya.

"Wag na! Hayaan mong yung mga bata ang maglaro! Isip bata ka te?"

"Tse! Ibili mo nalang ako ng ice cream yung malaki!"

"Ikaw na nga lang mamamalimos demanding ka pa!"

"Dali na!" Hinila ko sya palapit kay manong.

"Manong Kuya. dalawa po yung malaki."

Tinignan ko sya at nginitian ng malaki.

"Thank you, Kira. Di ko alam na dalawa ang bibilin mo para sakin!" Sabi ko na sobrang nakangiti.

"Ang siba mo rin noh!?! Sakin yung isa!"

"Ay ganun ba?" Nagpout ako at nagpuppy eyes.

"Hindi mo ko makukuha sa ganyan, Angel." Sabi niya na.

"Wala naman akong ginagawa e. Sige hintayin nalang kita dun."

"Manong Kuya, tatlo na nga po! Nagdadrama pa yung isa!" Malakas na sabi niya kaya rinig ko dahil di pa ko nakakalayo. Tumakbo ako sa kanya at niyakap ko siya.

"Thank you! Thank you! Thank you! Kiss kita!"

"Yuck!!!! Shit ka, Gel! Layuan mo ko! Nagiging green ka na naman! Minamanyak mo ko!!!!" Sabi niya na parang diring-diri sakin.

"Talo ka pa ba? Sa ganda kong 'to?"

"Oo! PG ka kasi!"

"Grabe! Hard! Nagpalibre lang e!"

"Namalimos kamo! Nasaan ba yung pera mo?"

"Nasa puso ng bawat Pilipino." Sabi ko at nginitian ko siya ng sobrang lapad.

"G*go!"

"Hahahahaha! Joke lang naiwan ko. Di ko naman alam na may bibilhin pala ako."

"Naku! Tse!" Singhal niya sakin.

"Kira."

Napalingon kaming dalawa sa tumawag sa kanya. Isang lalaki na matangkad, maputi, matangos ang ilong, mapula ang labi, mahaba ang pilikmata, dark brown ang color ng hair niya at medyo payat.

100% sure ako walang abs 'to. 

"Meron. Walo. Gusto mo makita?" Biglang nagsalita yung lalaki.

"Nakakahiya ka, Angel!" Siko sakin ni Kira.

"HA? Bakit na naman ba?"

"You're thinking out loud again!" Ommo! OMGGGGGG!

"Sorry." Yun lang ang nasambit ko at napayuko na ko.

"Tss!" Singhal ng lalaki. Yabang mo! Shit ka!

"Ahmmm.. Okay! Angel, this is Jan Play Mendoza my cousin. Play, this is Angel Emerald Villafuerte my bestfriend." Pagpapakilala niya saming dalawa.

"Di ko inaasaang magkakaroon ka ng bestfriend na tulad niya, Kira." Sabi ng lalaki.

"OH MY! I don't like this!" Sabi ni Kira na parang problemadong-problemado.

"Ang bait-bait ng term ng pangalan mo tapos green-minded ka?" Sabi nung lalaki sakin.

"Di ako green-minded noh! Nasanay lang akong hinuhulaan ang pangangatawan ng tao."

"Tss! Excuses! Gusto mo makita?" Tanong sakin ng lalaki. "Namumula ka." Kaswal na sabi niya.

"Ewan ko sayo! Bwisit!" Sigaw ko sa lalaki.

"Bakit ka nandito, Play?" Tanong ni Kira sa kanya.

"Pinapasundo ka ni Tita, di ka raw nagpaalam."

"Nagpaalam kaya ako kay Mateo."

"Mateo? You're  dog?" Confuse na tanong ng lalaki.

"Yup!" Confident na sagot ni Kira.

"Argggggggggggh! Crazy people! Tara na." Sabi ng lalaki.

"Una na ko, Angel." Paalam sakin ni Kira.

"Sige. MAG-IINGAT ka!" Inemphasize ko talaga yung word na 'mag-iingat'.

"Angel!" Tawag sakin ng lalaki. "Emerald is also a kind of Green and......." Sabi niya at bigla niyang tinaas yung T-shirt niya dahilan para makita ko yung abs niya. "Eight, right? Bye EMERALD!" Inemphasize niya yung pangalan kong Emerald.

Ang kapal! Sh*t! Walanghiya! Ang hambog! Ang hangin! Ang presko! Ano ka, hanging habagat!?! Bwisit.

Sa sobrang bwisit ko ay umuwi na ko habang kinakain yung isang ice cream ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon