Angel

27 1 1

Angel's POV

"Anak, san ang lakad mo." Tanong sakin ni Lola nang makitang nakagayak ako.

"Sa playground po, Lola. Babalik din po ako bago maghapunan." Sabi ko habang nagsusuklay.

"Sinong kasama mo? May ka-date ka ba? Baka naman yung MJ na yun na naman ang kinakatagpo mo!?! Naku talaga! Lagot ka sa Mommy mo." Sermon sakin ni Lola.

"Ako lang po magisa. At Lola, wala na po sya, hindi na po sya babalik."

"Aba'y dapat lang! Sa ginawa ba naman nya sayo ay wala na talaga syang mukhang maihaharap dito! Matapos siyang pagkatiwalaan ay ganon ang gagawin niya! Naku!" Gigil na sambit ni Lola.

Nasasaktan ako sa naririnig ko.

Jina-judge na naman nila si MJ kahit di nila ito lubos na kilala. Sa isang pagkakamali lang niya di na agad siya binigyan ng isa pang pagkakataon. Ayokong sumagot kay Lola, matanda na siya, sensitive na siya at alam kong ako lang naman ang inaalala nila. Alam ko naman na ang gusto nila ay mapabuti ako. After all, mas may alam sila dahil marami na silang pinagdaanan. Baka nga mali ako.

Umalis ako sa harap ng salamin at lumapit sa gilid ng pinto upang magsapatos.

"Lola, aalis na po ako."

"Sige, mag-iingat ka! Wag tatanga-tanga!" 

"Opo."

Pagdating ko sa playground at pumwesto ako sa lugar na malilim at mahangin. Nahiga ako sa damuhan at tinitigan ko ang langit.

"Parang ang payapa ng buhay tuwing ginagawa ko 'to. Parang nasa tamang lugar ang lahat. Parang walang problema. Gusto ko mag-stay dito forever."

"Walang forever!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko siyang nakangiti sakin. Siya na di pa rin ako iniiwan.

"K-kira. Kanina ka pa jan?" Tinignan niya ang relo niya at saka siya nahiga sa tabi ko.

"Mga 6 minutes na."

"Bakit ka nandito?"

"Sa pagkakaalam ko ay para sa lahat ang playground na ito." Sabi niya at nginitian ako.

"Ahh. Sabi ko nga."

"Kamusta ka na?"

"Physically or emotionally?"

"Both."

"I'm still hot and gorgeous so I'm physically good, while I'm still stressed, depressed and overthinking, so I'm not that emotionaly good."

"And why is that Ms. Hot and Gorgeous?" She said while wiggling her brows.

"Still because of him." I said while smilling.

"Still him, huh?"

"Yeah. I guess it will always be him."

"How unfortunate." Sabi niya na para bang awang-awa sakin.

"Yeah."

"Lame."

"Yeah. I hate this convo."

"Me neither. Let's not talk."

"That's not what I meant. I mean, its boring."

"Okay na yung ganto kesa magusap tayo tungkol sa mga intense na bagay tulad ng sex." Sabi niya na may kakaibang ngiti sa labi.

"Kira! Kababae mong tao, kung ano-ano lumalabas sa bibig mo!" Malakas na sabi ko sa kanya. Natatawa ako pero pinipigilan ko. Buti naman at bumalik na tayo sa dati.

Diary ng BrokenheartedBasahin ang storyang ito ng LIBRE!