For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 28

Trish POV

"Clarence, I-abot mo nga sa'kin 'yon." utos ko sa kanya habang nakaupo sa sofa at nakasandal.

Dali-dali nya namang kinuha ang buko salad sa lamesa. "Salamat! Ay, pakuha din nong remote." kinuha nya naman ang remote at inabot sa akin bago umupo sa tabi ko.

"Clarence, pakuha naman ng jacket ko. Nasa higaan mo. Giniginaw kasi ako." tumayo naman sya at tinungo ang kwarto nya ng walang imik. Nandito kasi ako sa condo nya. Simula ng makita nya ako sa airport hindi nya na ako hinayaang mawala sa paningin nya. Dito nya nga ako inuwi sa condo nya baka daw kasi umalis na naman ako. Tsaka nalaman nya na rin ang kalagayan ko kaya uber-uber sya kung makaasta. Ni-hindi ako pinapayagan lumabas kapag di sya kasama. Hindi pa naman malaki ang tyan ko. OA lang talaga sya.

Nakita ko syang palabas ng kwarto dala ang jacket ko.

Ewan ko ba pero ang tamad-tamad ko nitong mga araw. Masgusto ko lang ang matulog ng matulog. Kung di nga ako gigisingin ni Clarence hindi pa ako kakain.

"Eto na oh." at inabot nya saakin ang jacket kaya nginitian ko sya.

"Thanks." ngumiti lang sya at tumabi ulit saakin.

"Nga pala. pakitignan naman sa ref kung meron pang carbonara. Pag meron pakidala naman dito." tumingin ito saakin at ngnitian ko sya kaya bumuntong hininga nalang sya at tinungo ang pinag-uutos ko.

"Meron pa!" sigaw nya mula sa kusina.

"Sige, dalhin mo dito!" sagot ko sa kanya.

Maya-maya'y dumating na sya dala ang pinag-uutos ko.

"Eto na po madam. May ipag-uutos pa po kayo?" medyo nababagot nyang sagot.

"Hmmm.. wala na?" dahil sa sinabi kong 'yon ay nagliwanag ang mukha nya at umupo ulit sa tabi ko.

"Ay, Sandali! Meron pala!" Agad na nalukot ang mukha nya.

"Last na talaga. Magawa naman ako ng milk tapos pa lagyan nalang ng straw. Salamat!" Binigyan ko nalang sya ng kiss sa pisngi para di na magreklamo. Mukhang effective naman kasi ang laki ng ngiti nito.

"Isa pa. Sa kabila naman. Para tatayo na ako."

Ikiniss ko naman sya sa kabila. "Yan na. Gawan mo na ako ng milk." utos ko sa kanya.

"Parang may kulang pa eh." sagot nya.

"Huh? Anong kulang?"

"Eto oh." pahayag nya sabay ngumuso.

"Heh! Inuuto mo lang ako. Gawan mo na kasi ako! Bahala ka magugutom si Baby.." pananakot ko sa kanya.

Agad naman syang tumayo pero bago sya pumunta ng kusina ay humalik muna ito saakin at tumakbo ng mabilis dahil aambahan ko sya ng suntok.

Haha!Loko 'yong lalaking 'yon ah. Nakanakaw pa ng halik.

Clarence POV

Kanina pa ako inuutusan ni Trish. Pabalik-balik nalang ako. Punta dito, punta doon. Gawa nito, gawa nyan. Kuha nito, kuha nyan. Nakakahilo na. Pero okay lang, mahal ko eh! Tsaka naiintindihan ko naman ang kalagayan nya.

Sana lang wag magmana sa kanya ang anak namin. Masungit at pala utos. Pero secret lang 'yon ah. Haha.

"Last na talaga. Magawa naman ako ng milk tapos pa lagyan nalang ng straw. Salamat!" pagkuwa'y wika nya at binigyan ako nang kiss sa pisngi, kaya nagulat naman ako.

Who's FAULT?Read this story for FREE!