Take a look on the media box!

Chapter 6

Zoe Alison.

Pagkagising ko wala na akong katabi. Makababa na nga, Ang bango naman amoy Macaroni siguro nagluluto na si Khrystal nang kakainin namin. Nagpunta muna ako sa Cr sa baba nakalimutan ko sa taas eh. Naghilamos ako,nag tooth brush at hindi na nag suklay. Kung nagtataka kayo kung bakit may tooth brush ako dito kahit di ko naman bahay kasi lagi naman akong nandito pag wala akong magawa sa bahay.

Pagkatapos kong magayos nagpunta na ako sa kusina at dun ko nakitang nagluluto nga si Khrystal ng Macaroni.

"Ang bango naman. Exciting!" Masaya kong sabi

"Ano sinasabi mo? Sakin lang to no!" THAT'S A JOKE!

"Of course no! Satin yan!"

"Ikaw ba nagluto? Magluto ka ng sayo!" Ang kj naman ng pinsan ko nagsad face ako

"Sige na nga sating dalwa na to!" Yeyy I'm so happy!

"Thank you! Ang bait mo talaga!"

Hindi na nya ako pinansin sa halip ay nagpatuloy na lang sya sa pagluluto nya. Pagkakain namin sinabihan ko si Khrystal na uuwi muna ako para maligo at makapagayos narin dahil mga 12:00 aalis na kami eh 10:00 na! Kaya ayun umuwi muna ako. At pagkapasok ko sumalubong agad sakin si Kuya

"Hi princess! Goodmorning! I missed you!" Sabay hug sakin. Grabe naman to si kuya! Isang gabi lang naman akong nawala dito eh saka nasa kabilang bahay lang ako no!

"Grabe ka naman kuya Ivan! Isang gabi lang naman akong hindi natulog dito! Hahaha. By the way, good morning din!" Sabay kiss ko sa pisngi nya

"Nakakain ka na ba? May niluto si Manang dun"

"Ay thanks nalang kuya nakakain na ako kina Khrystal. Saka maliligo na ako ha may pupuntahan kasi kami"

"At san na naman yun?"

"Sa Airport kuya" Nagtaka bigla si kuya sa sinabi ko

"Huh? Airport? Aalis ka!? Bakit di mo sinasabi!? Hindi pwede!" Galit nyang sabi

"Kuya! Ang OA mo naman! Susunduin lang naman namin sina Blaine eh!" Kilala nya sina Blaine pero sina Charlotte hindi. Kasi sa hindi nyo pagkakaalam mas close si kuya kina Blaine pati narin ako.

"Ahh kala ko naman lalayas ka! Sige uuwi na pala yung mga yun ah. Kasama ba sina Ghijay?"  super close kasi silang mga boys eh.

"Sya sige kuya! Ligo na ako!"

"Okay!"

Tumaas na ako at pumunta sa kwarto ko. Naligo agad ako tapos pagkatapos nagsuot lang ako ng hanging shirt na may nakalagay na awesome tapos kulay black saka nag white shorts. Nagayos na ako. Straight yung buhok ko. Naglagay lang ako ng eyeliner tapos kinuha ko yung cap ko na floral tapos yung rayban ko kinuha ko din. Tapos nagsuot nalang ako ng Black Vans Na plain lang. Ang ganda ko talaga! Hahaha.

Syempre nag selfie muna ako tapos pinost ko sa Insta, fb at twitter ko. Syempre dami ko na naman likes! Hahahaha ganyan talaga pag maganda! Nung paalis na ako nag tweet muna ako. "BITCH MODE :ON. Off to Airport. Gonna see my partners in crime."

Ganun lagi ako pag aalis ng bahay sinasabi ko lagi yun kasi sa bahay lang ako mabait! Bumaba na ako at nagpaalam na ako kina Kuya. Lumabas ako tapos sumakay na ako sa Black Chevrolet Corvette ko, tama kayo marunong ako gumamit ng kotse. Ang cheap naman kung hindi eh! Pumunta na ako sa bahay ng mga pinsan ko. At yun sumakay na sya sa Red Porsche nya. Ang yayaman namin no? Hahaha.

Melting HeartBasahin ang storyang ito ng LIBRE!