Part 3.1 - I 'THORN' To You

358 6 0

Ito na ang pangalawang araw ko sa high school. Medyo nakapag-adjust na din ako ng kunti. Pero ang hindi ko ma adjust eh yung oras ko ng pag-gising. Eh kasi naman, kay aga-aga ng oras ng klase nila dito..6:30 ng umaga. Nakakainis! Antok na antok pa ako! Eh wala naman akong magagawa kundi sumunod na lang.

Teka..daldal ako ng daldal. Late na pala ako. Nagstart na ang flag raising ceremony. Patay!

Nasa gate na ako ng school. Heto si Manong Guard nagbabantay..

Me: Hello po, Manong Guard

(Hinanap ko pa ang pangalan niya sa uniform na suot niya.) Ahh..Manong Bobby pala. Good morning po. Pwede po bang pumasok?

Manong Bobby: Oh, late ka na agad?! Pangalawang araw mo pa lang dito ah.

Me: Kaya nga po eh. Pasensya na po. Naglakad lang po kasi ako papunta po dito eh. Papasukin niyo na po ako..please

Manong Bobby: Oo naman. Estudyante ka dito eh. Halika na. Pasok na.

Me: Hay! Salamat po talaga manong ah. Ang bait niyo po pala..tsaka ang pogi niyo din po pala sa malapitan. (Toinks! ⚽ ..alam niyo na. )

Manong Bobby: Hahaha
Alam ko na yang style mo Geronimo.

Me: Kilala niyo po ako?

Manong Bobby: Nabasa ko sa ID mo.

Me: Ahh..hehe sabi ko nga po. Stupida talaga.

Manong Bobby: Sige na. Dun ka na sa mga kasamahan mong late..sa bandang likod.

Me: Po? Eh..di po kami pwedeng sumali dun sa pila?

Manong Bobby: Late nga kayo di ba?

Me: Ano pong gagawin namin dun?

Manong Bobby: Ang SSG President na ang bahala sa inyo.

Wala na akong magagawa kundi sumali sa kanila. Ganito pala dito. Medyo strict. Binilang ko pa kung ilan kaming late..aba! 12 kaming late..pero ako lang ata ang late sa section namin. Wala akong nakitang classmate ko dito eh.

Maya-maya..may humabol pang isang late...

Matteo: (Oo. Siya si Matteo. Ang classmate kong bully. ) Teka, Manong Bobs..andito pa ako. (medyo hinihingal pa)

Manong Bobby: Oh..ikaw na naman Guidicelli?! Naku..Simula pa nung unang araw ng klase late ka na..hanggang ngayon late ka pa din? Eh ang lapit-lapit lang ng bahay niyo dito ah.

Matteo: Di po kasi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Manong Bobby: Naku! Kahit maayos pa ang tulog mo..talagang late ka pa rin. Sige na..dun ka na sa nakasanayan mong pila tuwing umaga.

Matteo: Thank you po.

Papunta na dito sa pila namin si Matteo. Ang yabang talaga kung maglakad. Proud ata siyang late. Ako nga dito..tago ng tago..kakahiya!

Pagkalapit nito..

Matteo: Good morning my fellow late-comers. May bago ba tayong nadagdag sa listahan?

Student 1: Yes bro. Siya..
   (At tinuro pa talaga ako.. )

Matteo: Oyyy! Si Ms. Transferee pala 'to. Classmate ko.

Me: Tse!

Matteo: O come on. Ms. Transferee..masasanay ka din. Wag kang mag-alala..kabilang ka na sa mga sikat dito.

Me: Tse! Sikat ka diyan. Di ka ba nahihiya. Sabagay, makapal naman talaga yang mukha mo kaya feeling mo sisikat ka sa pagiging late.

Matteo: Ms. Transferee..bago ka pa lang dito, kaya umayos ka. Di mo pa ako kilala.

Me: Don't worry Mr. Chochocheli. Wala naman akong balak na kilalanin ka.

Ohhhhhh! (Sabay kantiyaw ng mga kasama namin)

Enchong: Bro..first time yan ha. Tinawag ka pang Chochocheli..haha

Matteo: Tawa pa bro. Suntukin kaya kita.

Enchong: Relax bro. Masyado ka namang high blood diyan.

Tumingin na siya sa'ken..

Matteo: Di pa tayo tapos.

Me: Talo eh.

Natigil lang kami ng may papuntang estudyante sa amin.

All This TimeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!