[Zash]

"Ah eh wala ako sa bahay eh. Sa condo ako ngayon tumitira"

"Saan ba ang condo mo?"

"Sa greenhome."tipid kong sagot . Jusko 'wag niya namang sabihin doon namin gagawin?

"If you're not comfortable sa pad ko doon na lang tayo sa tambayan. Overnight. Would that be okay to you?"marahan akong tumango kay Ethan. Siya kasi ang magiging partner ko sa paggawa ng thesis. Dalawa lang kami. Ang ugok na 'to kasi! Pa'absent absent! Kaya ayan mag-isa lang siya. Pero sa tingin ko, Magaling naman siya diba? Well, He studied abroad so malamang genius to. And this university's got to be kidding me! 1st year ka pa lang yet gagawa ka na ng thesis? I just don't know sa ibang courses.Mga pauso nila talaga.

"Sige. I have to go. Bukas na lang natin simulan. Pa tapos naman ako Zash so you don't really have to worry. Kayang kaya yan"Tumango na lang ulit ako sa kanya. Sana nga lang.

Gaya ng sinabi niya, umalis na nga siya. Lumabas na rin ako sa classroom. Kailangan kong magmadali dahil sa Isang rason..It's been a week. 1 week na sa pagiging Engineering student. 1 week ng mag-isa sa condo. At 1 week na ng mag-confess si Zach. 1 week. 1 week lang pero feeling ko parang kahapon lang 'yon.

Nakakasalubong ko siya at possible lang 'yon dahil we're in the same class. Pinapansin niya naman ako kaso ako tumutungo lang. What? I find it very awkward. Just come to think of it, nag confess sayo yung tao tapos bigla bigla kang umalis, Iniwan mo siyang tulala, oh ano ka? At oo! nung gabing iyon umalis ako dahil sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko kinaya. Feel ko ngang Sumigaw sa party kaso nakakahiya naman. Baka sabihan akong takas sa mental.

Kaya ayun todo iwas talaga ako  At hindi ko alam kung sinadya or what pero magkasing schedule talaga kami kaya kahit anong pag-iwas ang gagawin ko, nakakasalubong ko parin siya. Oh ayos diba?

"Tom!"napahinto ako sa paglalakad. Jusko. Umiiwas nga po ako diba? Huhu tulong.

Liningon ko naman siya. Pero Di ko tiningnan yung katabi niya. "Hindi ka ba sa sabay sa amin?"pagtatanong sa akin ni Clyde.

Umiling ako at ngumiti "ah hindi na. May pupuntahan rin kasi ako"aalis na sana ako kaso nagsalita na naman siya.

"Umiiwas ka ba kay Zach?"nakangisi siya ng nakakaloko.nanlaki ang mata ko at Umiling. Ewan ko kung Ilang beses. Basta panay ang iling ko. Naku kung alam mo lang Clyde!

"B-Bakit naman ako i iwas? Hehehe. Sige Clyde" huminga ako ng malalim at tiningnan si Zach.parang hindi siya masaya "uh Zach. mauna na ako. Bye!"dali dali akong lumakad palayo. Woooh feeling ko naiwan ko yung puso ko doon.

Pupuntahan ko ngayon sina Krish since nagtext sila na tapos naman daw ang klase nila. Wala naman akong klase. Mamaya pa yun. At ngayon lang kami magkasamang kumain simula ng mag shift ako. Kasi sa baguhang tulad ko naku! Sobrang busy! Buti na lang keriboomboom ko yung mga pinagawa

-cafeteria-

"Alam mo ba, ang weird mo today.ay hindi lang pala today, yesterday and the other other day too! Mag kwento ka nga! Para kang timang dyan. Yung fries mo oh luyo na! May balak ka pa bang kainin yan?"sabi sakin ni Krish. Ngumunguya siya. Don't talk when your mouth is full nga diba? Sinulyapan ko naman ang pagkain ko  At tama nga siya. Ang lambot na ng fries ko.

Kinwento ko sa kanila yung nangyari sa party.yung confession niya.pero hindi yung pag-alis ko baka batuhin nila ako ng mga kinakain nila.

"So true lala nga yung sinabi ni Clyde!!!"nagulat  ako sa pagsigaw ni Greg. Kahit kelan talaga tong baklang to! Napaka ingay! Baka machismis na naman kami neto!

The Campus Lesbian Fell In love With a Guy???Basahin ang storyang ito ng LIBRE!