Guys! Binago ko Title, Don't Be Confuse :) Mianhe... Kamsa~

Thank you nga pala sa pagsuporta nitong story ! You are all JJANG! Alam ko iba sa inyo gusto yung napapahagalukpak(?) sa tawa pag nagbabasa ng Fanfic.I don't think magagawa ko yun dito kasi madrama ako.hehe not totally.Serious type.whatever!.Hehe okay basa...

_____________________________________

BAEKHYUN'SPOV

Weekend ngayon meaning walang school.Ano kaya pwedeng gawin? Usually kasi nasa apartment ako ni Chanyeol kapag mga ganitong araw na walang pasok.Gumagawa ng homeworks,projects,nanonood ng movies,dinner, kahit maglinis ng ginagawa ko dun magkaroon lang kami ng time sa isa't isa.Mukhang bihira nalang mangyayari yun bilang doon na tumutuloy si Taeyeon, ang pinsan niya.

Speaking of Taeyeon... di ko makalimutan yung hiniling niya sakin 3 days ago nung iwan namin ng ilang sandali sina Chanyeol at Seohyun sa may Cafeteria gaya ng hiling ni Taeyeon.

"Baekhyun, may hihingiin akong favor."

"Anoyun?"

"TulunganmokongmapalapitsiOppa kay Seohyun..."

"Pero---"

"Pleaseeeee...."

Sa sobrang pagpupumilit ni Taeyeon pumayag ako para tigilan niya lang ako.Actually, hindi ko alam ang gagawin ko, Di ako nakapag-isip ng maayos kaya ngayon nagsisisi ako.Napag-usapan na namin ito ni Chanyeol at ayoko ng pag-awayan pa namin ulit ito.Hindi lang talaga ko nakatanggi kay Taeyeon.Ayoko na ring magsuspetsahan niya ako.Kung bestfriends lang ang turingan namin ni Chanyeol, hindi mahirap gawin ang hinihiling ni Taeyeon.Ang mapalapit Si Chanyeol kay Seohyun at mainlove siya dito? sa kalagayan ko,hirap neto.Swear!

"Pleaseee" yung boses talaga ni taeyeon habang nagmamakaawa sakin hindi maalis sa isip ko. "Pleasee" Yung totoo? mas naririnig ko pa yun kesa sa music na pinakikinggan ko sa tenga ko ngayon.

Sinasabayan ko ng kanta yung pinapakinggan ko sa headset ko mawala lang yung boses na gumugulo sa utak ko pero "Arrghhh!" Naiinis na ko.Binato ko sa kama ang headset ko.Useless eh.

Naisipan kong magshower muna kaya tumayo ako ng kama at dumeretso sa banyo.Kahit maingay na yung patak ng tubig sa shower, boses parin niya pumapasok sa utak ko."Aishhh!" nasabi ko sa inis habang nagbabanlaw ng katawan."Blah blah blah blah" para na kong baliw.Buti ako lang mag-isa dito sa CR.

Naalala ko namang nagsabay nga pala kami minsan ni Chanyeol magCR sa resort na binakasyunan naming EXO last summer.Nagkakaubusan kasi kami ng toilet ng mga panahon na yon.Bakit ba? pareho naman kaming lalaki ha? wala namang masama.Kahit may relasyon kami ni Chanyeol hindi kami Bakla.Kung may isa man samin, sinisigurado kong hindi ako yun.No Way! Hindi lang naman kaming dalawa nagshare ng banyo noon, si Kai at KyungSoo din naman eh miski sina Sehun at Luhan.Natatawa nalang ako kapag inaalala ko yung masayang bakasyon namin ng EXO.Atleast nawala wala narin sa utak ko yung paulit ulit na 'Please' ni Taeyeon.

Lumabas ako ng Cr matapos akong magshower with only towel.Half naked.Chineck ko yung phone ko para makitang 9:34am na.Eh ano ngayon kung ganun ang oras? wala naman akong pupuntahan.Magsasawa ako dito sa apartment ko buong magdamag.

Nagbihis ako ng usual clothes ko.Pumunta ko sa may sala at binato ang sarili ko sa couch."Haist! Ano bang pwedeng gawin?" tanong ko sa sarili ko.Naisip ko nalang manood ng TV.Kinuha ko yung remote.Yung totoo? Palipat lipat lang ako ng Channel, wala talaga kong mapiling panoorin.Wala akong hilig manood ng TV except movies.Kinuha ko naman yung kahon ng mga bala ng Dvd sa may ilalim ng TV.Wala akong mapili dahil lahat napanood ko na.

Don't Look At Me Like That [ON-HOLD]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!