Kabanata 17

68 3 0

Kabanata 17

Wala na akong masagot. Nanatiling nakalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nakatayo lang kami doon.

"Wala ka bang masasabi?" Sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.

"Imposible." Bulong ko.

Tumawa siya nang malakas, "Joke lang! Eto naman, di maloko!" Tawa parin siya ng tawa.

"Siraulo ka. Patayin kita diyan eh." Buwisit to!

--
"Katherine!" Sigaw nanaman sakin ni Colleen.

"Ano nanaman?" Naiiritang sagot ko.

"Nabalitaan mo na ba? Ang theme daw ng Acquaintance Party natin ay parang Prom?"

"Talaga? Hala. Saan ako hahanap ng ka-date?"

Tumawa siya, "Basta sakin si Sedrick! Naunahan na kita!"

"Ay. Paano na iyan?!" Sinuntok ko yung balikat niya.

Saan ako hahanap ng date?!

--
To: Kyle Ledesma

Kyle, gusto ko sanang magkita tayo sa Sabado. Mag-usap sana tayo. Puwede ba?

UGGGGHH

Isesend ko kaya to?

Nilapag ko na ang cellphone ko. Paano ba to? Sabado na bukas. At bukas din yung Acquaintance Party, slash Prom.

Baka isipin niya kaya lang ako makikipag-ayos sa kaniya kasi kailangan ko ng partner sa party. Nako.

Alam ko na! Dahil wala naman akong ka-date sa party, sa party ko nalang siya kakausapin! Tutal wala naman akong gagawin eh!

"Katherine! Tara na! Mag-sasara na yung mall! Baka di na tayo makabili ng susuotin natin bukas!" Sigaw ni Colleen mula sa labas ng kuwarto ko.

"Yes, Miss Minchin!" Mag-sasara na agad? 2 pm palang kaya. 10 pm pa sara ng mall, HELLO!

--
kriiiiingggg! kriiiiingggg!

Hay, alarm clock.

Nang tinignan ko yung alarm clock ko, hindi pala yun yung natunog.

Yung cellphone ko pala.

Hala. 5 am palang ah! Bakit naman may tatawag saking ng ganitong oras? Baka multo to, ah!

Si Sedrick.

"Hello?" Sabi ko.

"May ka-date ka na ba mamayang gabi?" Wala talagang 'hello' man lang?!

"W-wala pa eh." Nakakahiya naman.

"Si Colleen na kasi ka-date ko eh. Di nako puwedeng tumanggi." Sabi niya. "Si Keith?"

"Sigurado kay Stacey yun." Napairap ako kahit di niya naman ako nakikita.

"Oo nga no?" Ay tanga. "Si Kyle?"

Si Kyle.

Hindi, hindi. Hindi puwede. Sigurado may partner na yun.

"H-hindi p-puwed-de." Nauutal na sagot ko.

"Malay mo, opportunity na to para ma-restore yung relationship niyo," sabi niya. "Ay, speaking of, di ba sabi mo kakausapin mo siya ngayon?"

"Oo. Mamaya."

"Sige. Sorry kung naistorbo kita. Bye!"

"Bye."

Hindi puwedeng si Kyle ang date ko.

--
7:30 pm na.

8 pm ang start ng party. Halos malimutan ko na ngayon nga pala manunumpa kaming elected student council.

Pagkadating namin ni Colleen sa venue, marami nang tao. Take note: LAHAT MAY KA-PARTNER!

Nakita ko si Keith at Stacey. Inirapan ako ni Stacey. What's new?

Nang lumapit na si Sedrick kay Colleen, naiwan ako sa table.

Pagkatapos ng opening ceremony, nanumpa na kaming SC [Student Council] at once again, upo nanaman ako.

Nang nag-cotillion na, lumabas na ako. Ayoko na. Nagiging bitter nanaman ako eh.

Naupo ako sa kung saang bench. Sayang naman tong gown ko. Nakakaawa.

"Puwede ba akong tumabi sayo, miss?" Naring kong boses.

Si Kyle.

Paano ba to? Papaupuin ko ba?

Wala sa sarili ko, umusod ako at pinaupo siya.

"Bakit wala ka sa loob?" Sabi niya. Bakit ang awkward?!

"W-wala akong d-date." Nauutal nanaman ako.

"Ako din, eh." Sabi niya. Nararamdaman ko na naiiyak nanaman ako. Ewan ko kung bakit. "K-kamusta ka na?"

Gusto kong sabihin, "Eto, baliw na baliw parin sayo." Pero, ang awkward naman nun.

"Okay lang. Ikaw?" Humarap ako sa kaniya. Nakita ko na nag-iwas siya ng tingin, naiyak siya. Napangiti ako, "Bakit ka nag-iiwas ng tingin?"

Napatawa siya habang pinupunasan ang luha niya. "Ang ganda mo parin kasi eh. Hindi talaga ako makatingin ng tuwid sa mata mo."

Natawa ako, "Sabi ko sayo eh, wag mo akong titignan sa mata, dont make your self fall in love."

Tawa lang kami nang tawa kahit pareho naman kaming tulo nang tulo ang luha. Dahil doon, nabawasan ang pagiging asiwa ko.

"Na-miss ko talaga iyang tawa mo." Sabi niya at napatungo siya.

"Ako rin. Hanggang ngayon, nangungulila parin ako sayo." Bulong ko.

Simula noon, humagulgol na siya, "Sorry, Katherine." Sabi niya habang pinupunasan ang luha niya. "Sorry, sinaktan kita. Sorry, kasi kinuha ko ang halos kalahati ng buhay mo, at sa pag-kuha ko sa'yo 'nun, nawala na rin ang buong buhay ko. Ikaw yun."

"Sorry, nagkulang ata ako ng pagmamahal sa'yo." Sabi ko na parang natatawa. "Sorry. Kasalanan ko rin naman-"

Pinutol niya ang sinasabi ko, "Wala kang kasalanan! Ako. Ako ang dapat sisihin. Nagpadalos-dalos ako. Nagpadala. Nagpakuha sa tukso. Ako ang may mali. Ikaw, na sobrang inosente, mas bata pa sakin, sinaktan ko. Sinira ko kaagad-agad yung pangarap natin na pupunta tayo sa Paris, tayong dalawa, kapag mag-asawa na tayo. Tanda mo pa yun? Sinira ko yun. Kasalanan ko ang lahat."

"Kyle-"

Hinalikan niya ako.

Eto ang isa sa mga bagay na na-miss ko, ang mga halik niya. Eto yung nakakapanghina, nakakapanglamya, nakakabaliw, nakakalasing, eto yung mga halik na hihingi at hihingi ka pa ng mas marami. Siya lang ang nakakapagbigay sakin nito. Kahit alam ko na ang mga labing hinahalikan ko ay marami nang ibang labing nahalikan bukod sa akin, wala akong pakielam. Basta ang alam ko mahal ko pa siya.

Pinutol niya na ang halik, pero magkalapit parin ang mukha namin. Nagkakahalo na ang mga luha namin. "Mahal na mahal na mahal pa kita, Katherine." Bulong niya.

"Ako rin. Mahal na mahal na mahal pa kita."

First LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!