Page 1

4.6K 70 9

[A/N:    Maraming bahagi ang babaguhin sa kwentong ito. Kin-compress ko din yyng mga Pages/Chapters para hindi masyadong bitin.  Ok ba? So sa mga nakabasa nang unang version baka po maguluhan kayo o hindi ito magustuhan [sayang naman...!]    pero okay lang. It depends pa po rin sa inyo.

Hindi regular update. Enjoy reading. Bow. Salamat.]

***

Page 1

Home

***********

NAKAPIKIT ANG aking mga mata at dama ko iyong kakaibang kaba sa dibdib ko. Hindi ito pangkaraniwan. Hindi ko maipaliwanag.

Dahan dahan akong nagmulat at nag-angat ng tingin. Maaliwalas na ang buong paligid at humahalimuyak ang amoy ng mga bulaklak. Iyong paningin ko ay tumagos sa manipis na belong suot ko deretso sa may mahabang daang lalakarin ko.

Red carpetted ang daan. At may malamyos na musikang pumapailanlang sa paligid. Iyong paborito kong pakinggan at nag-iisang alam ko na piano piece. Canon in D.

Huminga ako ng malalim at humakbang. Isa-isa. Mabagal at dahan dahan. Halos hindi ko nga maramdaman ang mga paa  sa nilalakaran ko. Para akong nakalutang sa hangin. Para lang akong papel na dinadala ng hangin.

Habang papalapit na ako sa hantungan ng aisle. Nakita ko ang ilang tao sa paligid na nakatingin sa akin at may mga magagandang ngiti sa mukha. Tinatanguan nila ako at nginingitian oras na matapatan ko sila sa paglalakad. Ngingiti din ako at tatango ng isang beses bago hahakbang muli.

Hindi ko kilala ang ilan sa naroon pero kilala ko sila sa mukha. Nakita ko sina Marlyn, Andy, Sir Mike at pati iyong ilang kasamahan ko sa trabaho. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Nakangiti.

Bakit masaya silang lahat samantalang ako ay halos liparin na ng mga paru paro sa sikmura ko sa sobrang pagwawala nila?

May mga mukhang hindi ko nakikilala pero parang kilala ko sila. Basta dama ko na mahalaga silang naging bahagi ng buhay ko.

Nang halos ilang hakbang na lang ang altar mula sa akin ay sinalubong ako nina Mama at Jona. Abot tenga ang ngiti nila. Maganda at maaliwalas ang mga mukha. Maganda din ang ayos nila at kasuotan. Marahang ginagap ni Mama ang kamay ko at hinila ako papalapit para bigyan ng magaan na halik sa noo at yinakap. Naramdaman ko iyong pagbalon ng mga luha sa mata ko. Pinigilan ko iyon pero napahikbi pa rin ako. Dama ko iyong emosyon ni Mama. Masaya na malungkot na pinaghalohalong damdamin na hindi maipinta sa larawan. Kumalas ako mula sa kanya at yumakap naman kay Jona pagkaraan.

Nabaling ang paningin ko sa isang kamay na nakalahad sa aking gilid. Tumingin ako roon at sandaling natigilan. Suminghap ako habang dahan dahang nag-angat ng tingin sa kung kaninong kamay iyon.

Nasilaw ako sa liwanag na sumalubong sa aking mga mata at napapikit. Napitlag ako ng katawan.

*****

[Music playing]
"Baby can i hold you tonight
Baby if i told you the right words
Ooh, At the right time
You'll be mine"

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko sabay hikab ng mahabang mahaba. Medyo napaliyad pa ako ng katawan para makapag-stretch tapos dahan dahan ako ng nagmulat ng mga mata.

What a dream? Pinakakakaibang panaginip ko na yata iyon ah.

At ang pinakamahaba.

Tinanggal ko iyong nakasuot na earphones sa tenga ko at in-off ang sounds noon.

"Haba ng tulog ah."

The Love Bride Chase [Book 2 of TLBS]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!