RYAN's POV

 

 

 

 

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Pumunta ako sa hotel na tinutuluyan nila Victoria para sabihing si Barbara ang ipinunta ko. Hindi lang sarili ko ang niloko ko pati si Victoria at Barbara dinamay ko pa sa kahibangan ko.

Akala ko kapag ginawa ko 'yun, mapapalayo na ang loob ni Victoria sa akin at makukumbinsi ko na ang sarili ko na wala akong nararamdaman para sa kanya pero nagkamali ako. Lalo ko lang napatunayan sa sarili ko na ang nararamdaman ko para sa kanya ay higit pa sa inakala ko.

Ang sakit sa pakiramdam kung paano niya ako tignan kanina nung nakita niya kaming magkasama ni Barbara. Sa mga sindak niya, para niya akong gustong patayin dahil sa sakit na idinulot ko sa kanya.

Ang tanga mo Ryan!

 

Pero wala akong magagawa kundi panindigan na lang itong panloloko ko sa sarili ko. Hindi parte ng trabaho ko ang magkagusto sa kanya dahil ikakasal na siya. Hindi sa akin kundi sa iba. Masakit man isipin pero kailangan kong tanggapin. Sino ba naman ako para ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya? Isa lang akong hamak na batang tondo na walang patutunguhan ang buhay.

"Hello there handsome." Bati sa akin ng isang babae na bigla na lang lumitaw sa tabi ko.

Nasa loob ako ng isang bar para kalimutan muna ang trabaho ko pati na rin si Victoria, kahit alam kong kahit kailan hindi na siya mawawala sa isip ko.

"Hello." I said without looking at the girl beside me then took a sip on my drink.

"Alone?" Dagdag niya

I took a quick glance at her. Maganda siya, maputi at makinis ang balat, sexy at mapupula ang labi. But she can't beguile me like how Victoria did.

Tatango na sana ako sa babae nang may bigla akong narinig mula sa aking likuran.

"No. He's with me."

Para bang nabato ako sa kinauupuan ko. That voice. That same voice that has been in my mind lately, making me lose control of everything.

I turned my stool and was surprised to see Victoria in front of me. She looked at me with a cold and blank expression on her face. I turned my attention to the girl who went up to me and she looked disappointed and just walked away from us.

"Victoria? Anong ginagawa mo rito?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko at bigla na lang lumapit sa akin at yumakap. Hindi lang basta yakap kundi yakap na sabik sa pagmamahal. Gusto kong ibalot sa kanya ang mga braso ko at yakapin siya ng mas mahigpit pa pero hindi pwede. Hangga't maaga dapat mapigilan na ang nararamdaman namin para sa isa't-isa.

"Ryan... why? Am I not good enough?" I heard her say in between her sobs.

Night ChangesBasahin ang storyang ito ng LIBRE!