Caela.

Maya-maya nakarating na rin kami sa bahay na tinutuluyan ni Dindin.

Ang daldal niya nga kanina habang naglalakad kami. Hindi nauubusan ng kwento. Naikwento niya na ang mga estudyanteng nag-aaral dito ay may kaniya-kaniyang dorm na tinutuluyan. Umuuwi lamang sila sa kanilang pamilya kapag bakasyon.

Ang academy din pala ang may sagot ng mga gamit na kailangan ng mga estudyante dito. Sosyal.

Dalawang magagandang babae ang nagbukas ng pinto at sumalubong sa amin. Sila na siguro ang sinasabi ni Dindin na kasama niya dito sa dorm. Malamang Caela!

"Hello mga ate. This is ate Caela, my friend. She's staying here." Nakangiting pagpapakilala sa akin ni Dindin doon sa dalawang babae.

Ngumiti ako sa kanila. I want them to be my friends too.

"Hello Caela, ang ganda-ganda mo naman. I'm Michie Summers, your beautiful and sexy roommate." ani ng isang babaeng nakaponytail ang blonde na buhok. Matangkad ito at maputi ang balat.

She smiled at me.

"Hello there! I'm Sophia Ganda, I mean Sophia Freigh." ani ng isa pang babae na medyo may kaliitan. Katulad ni Michie, may kaputian din ito. Natural na kulot ang buhok at magaganda rin ang kulay berde nitong mga mata.

"Nice meeting you Sophia and Michie. Salamat sa warm welcome. Ang ganda ninyo pareho." nakangiti kong ani sa kanila.

"Aww! Caela mukhang magkakasundo tayo nito, hindi ka kasi marunong magsinungaling." natatawang ani ni Michie, sinabayan pa nang marahang paghampas sa braso ko.

"Pero mas maganda daw talaga ako, diba Caela?" sabat naman ni Sophia.

"Tsk. Ayan ka na naman e. Tayo nga daw dalawa yung maganda. Wag mo naman solohin." nakalabing sagot ni Michie sa kaniya.

Ang cute nilang magtalo. Nakakatuwa.

"Tumigil na nga kayo diyan mga ate. Nagkakalokohan na dito e. Alam naman nating lahat na ako yung pinakamaganda. So stop it!" pagsingit ni Dindin.

Aba, ayos 'tong batang to ah! Uso sa kanila 'yung self-support!

"Tigil na nga. Ituro na natin kay Caela ang kwarto niya. Siguradong gusto na niyang magpahinga muna, kesa sa intindihan 'yang mga papuri sa mga sarili ninyo." ani ni Michie, sabay akay sa akin papunta sa hagdan.

"Tsk. Para namang di niya pinuri ung sarili niya kanina." Bulong ni Dindin na ikinatawa ko. Mukhang hindi ako magiging malungkot dito.

May dalawang silid dito sa second-floor ng tinutuluyan naming dorm at patungo kami sa kwarto na nasa bandang dulo.

Agad kong iginala ang aking mata noong nasa loob na ako. Simple lang ito at hindi gaanong malaki pero maaliwalas naman ang loob. May dalawang magkahiwalay na kama na kakasya sa isang tao. Ang isa ay nasa left side kung saan malapit sa bintana at iyong isa namang kama na may design na hello kitty ay nasa kanang bahagi. May maliit na cabinet sa pagitan nito na pinapatungan ng lampshade at iba pang stuffs.

Mayroon ding isang maliit na single sofa dito sa loob.  Share daw kami ni Dindin sa kwarto at sa kabilang kwarto naman ay sina Michie at Sophia.

"Magpahinga ka na muna Caela. Gigisingin ka na lang namin kapag kakain na. Mamaya na lang din tayo magkwentuhan." tumango ako sa kaniya bilang sagot.

"Rest well and sleep tight, Caela." nakangiting ani ni Michie bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Nagpalit na lang muna ako ng damit, pinahiram na rin ako nina Michie. Iyon na daw muna ang gamitin ko since hindi pa pinapadala ni Head Mistress Monica ang mga gamit ko. Noong una ayoko pa ngang tanggapin, kase nakakahiya na talaga. Pero no choice na ko, ang baho ko na kaya.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!